Chapter 2

2 1 0
                                    

Pauwi na kami at nasa van na kaming lahat. Mag didilim na ngayon gusto sana naming mag stay pa sa resort, pero hindi kami pinayagan ng parents namin na mag over night doon, lalo na ang parents ni Leeah.

Nakita ko namang mag katabi si Alleeah at Kyle. Hindi naman ako nag seselos kay Leeah dahil kong hindi nya ma gugustuhan si Kyle.

Nangako sya sa akin. At may tiwala ako sa kanya.

"Look at the stars

Look how they shine for you

And everything you do."

Narinig kong pagkanta ni Kyle habang nakatingin kay Leeah, na ngayon naman ay nasa tabi ng bintana ng sasakyan habang nakatanaw sa mga bituin.

Mahilig si Leeah sa mga stars and especially sa moon. Kayanga naisipan nyang mag astronaut eh haha!

"Manahimik kanga Kyle ang ganda ng moment ko dito oh." Angil naman ni Leeah sakanya.

"Ako nalang kasi yung tignan mo, kanina kapa nakatingin sa labas eh." Sabi ni Kyle. Kahit na madilim sa loob ng sasakyan alam kong nakanguso yun dahil hindi pinag bigyan ni Leeah.

Sumandal si Leeah sa bintana ng sasakyan, at sumandal naman si Kyle sa balikat ni Leeah.

Napahinga nalang ako ng malalim at napangiti sa sarili ko.

How can I love someone who's deeply in love with someone else?

As I watched them together, nagtataka ako kung bakit hindi napapansin ni Leeah si Kyle. Hindi ko alam kung mabuti ba yon o hindi.

"Masakit?" Sabi ni Yja sa likuran ko.

Tig isa-isa kami ng upuan ngayon para daw kung makatulog man ay may maluwang  na pwesto kami, maliban kila Kyle at Leeah. As usual ayaw  humiwalay ni Kyle.

"Huh?" Tanong ko pabalik.

Tinuro nya si Kyle at Leeah na ngayon ay tulog na habang nakapatong ang ulo sa isa't-isa.

"Masakit ba?" Ulit na tanong nya.

"Hindi no! Saka bakit ako masasaktan?" Tanong ko sakanya kahit na mukang pilit ko lang tinatago ang totoong nararamdaman ko.

"Ako, ikaw, at yung driver na inarkila lang natin yung gising ngayon Yumi. Hindi kapa ba aamin?"

Napalunok ako ng ilang beses. So napapansin nila na gusto ko talaga si Kyle?

Tinignan ko naman ang paligid si Ashley ay nakahiga na sa pwesto nya kaya nag salita na ako.

"Wala naman akong karapatang masaktan eh." Sagot ko sakanya at ngumiti.

"May karapatan kang masaktan dahil nag mamahal ka." Sabi naman nya.




Iyon ang mga salitang tumatak sa akin. Ilang linggo nang nag simula ang klase kaya naman busy na kaming lahat.

Alam ko naman na kaya hindi namin palaging nakikita si Kyle eh dahil kasama sya ni Leeah.

Should I stop loving you?

Or should I continue?

Bahala nalang. Ang importante cute pa din ako kahit anong mangyari.

"Anong iniisip mo?" Tanong sakin ni Yja at sumandal din sa railings.

Nandito ako ngayon sa second floor dahil nandito ang classroom namin.

"San si Ashley?" Tanong ko dahil palagi kaming mag kakasama eh.

"Andon tulog." Sabi nya at tinuro.

Nakita ko namang nakahiga si Ashley, pinagtabi nya ang dalawang upuan at saka humiga doon. Natawa nalang ako sa ginawa nyang higaan.

"Iniisip mo sya?" Tanong nya ulit.

"Hindi ah! Saka alam ko namang wala akong pag-asa dun." Sabi ko sakanya at tumalikod.

Ang sakit palang tanggapin.

"Wala akong sinabing pangalan." Sabi nya kaya napaharap ka agad ako sakanya.

"So iniisip mo nga si Kyle?" Sabi nya at napapikit nalang ako. Huli ka Yumi.

"Eh sya naman tinutukoy mo. " Natawa naman sya sa sinabi ko.

Lumapit sya saka ako inakbayan.

"Wag kang mag papaka tanga dahil sa lalaki." Sabi nya kaya tumango naman ako.

"Ikaw? Kumusta ka? Kayo?" Tanong ko naman sakanya.

"Akala ko okay na kami eh. Hindi pa din pala." Sabi nya kaya naramdaman kong ang lungkot.

Hindi ako sanay na ganito si Yja. Maingay to at malakas ang tama kaya naman tawa kami ng tawa dahil sakanya.

"Pero hayaan mo na lalaki lang yon!" Sabi nya at pumasok na sa room.

Sumunod nalang ako at umupo sa tabi nya.

Ang boring naman ng subject na to. History.

"Pst!! Gisingin mo si Ashley." Sabi sakin ni Yja kaya ginising ko naman yung isa.

"Uy gising!" Naka ilang aloha pa ako kay Ashley bago nagising ng tuluyan.

Pupungay pungay pa syang tumingin sa akin at binigyan ako ng nagtatakang tingin.

"Aba may teacher na ayaw mo pa gumising?" Tanong ko sakanya.

"Papaalam akong iihi sumunod kayong dalawa." Sabi sakin ni Yja kaya tumango naman ako. Bored naman ako kaya sige lang.

"Ma'am lalabas po ako, na ccr." Sabi ni Yja at di na pinansin ang sinabi ng teacher namin!

"Ito talagang batang to hindi pa naman ako pumapayag eh." Sabi ni ma'am kaya nagtawanan kaming lahat.

"Ma'am may nahihilo daw po si Ashley dadalin ko sa clinic!" Sabi ko agad nang makitang nag hintay si Yja sa bintana ng room.

Nagulat naman si Ashley dahil bigla ko syang hinila sa upuan nya.

"Bye ma'am nahihilo talaga sya!" Sabi ko at lumabas na.

"Ang tagal nyo naman!" Reklamo ni Yja habang nakasandal sa pader.

"San ba tayo pupunta?" Tanong naman ni Ashley.

"Cutting classes." Sabi nman ni Yja habang nakangiti.

"Tara!" Sabi ko naman at naglakad na kami.

"Gago naiwan ko bag ko!" Sabi naman ni Ashley.

"Okay lang yan atleast di ka namin iniwan dun." Sabi ko naman sakanya

"Haha tangna buti nga ikaw bag lang naiwan eh. Ako? Ako mismo ang iniwan!" Sabi ni Yja kaya nagtawanan nanaman kami.

Alam naman naming lagi syang niloloko nung boyfriend nya. Nag ta try syang humanap ng bago pero ewan koba sakanya.

"Pano natin tatakasan yun?" Tanong ko sakanila habang naka turo sa school guard namin.

"Basic" sabi naman ni Yja at lumapit sa guard.

"Kuya yung suklay mo naiwan mo dun" turo nya sa medyo malayong bench.

Natawa naman ako dahil kalbo yung guard haha!

Pumunta naman yung guard doon at saka nya sinabing

"Pagbilang kong tatlo takbo"

Tumango naman kami ni Ashley habang tinitignan yung guard.

"Isa"

"Tatlo!" Sigaw nya kaya nagulantang kami!

"Pucha sandali!" Sigaw ko nman

"Gago yung bag ko!" Sabi ni Ashley.

"Tangna Yja di ka marunong mag bilang!" Sigaw ko ulit.

"Hoy! Mga lintik kayo!" Sigaw nung guard samin pero nag tatakbo kami hanggang sa makalayo.

The man I dreamt of (series#2)Where stories live. Discover now