"Grabe ang epic ng mga reactions nyo kanina haha!" Tawa ni Kyle habang nag lalakad kami pauwi sa bahay namin.
Nauna na yung iba at dahil may eskinita pa papunta sa bahay namin at hinatid na nya 'ko.
Nauna na akong mag lakad kaysa sakanya nakakainis sya!
Kairita argh!!
"Huy teka lang!" Habol nya sakin nang makitang ang layo na ng pagitan namin.
Mas binilisan ko pang maglakad.
Nakakainis sya! Bakit sa kanya pa ako nag kagusto?!
"Sandali lang naman!" Sigaw nya ulit at maya-maya lang ay katabi ko na sya.
"Ano ba?!" Sigaw ko sakanya nang hawakan nya ang balikat ko.
Napahinto kaming parehas dahil sa pag sigaw ko.
Pareho kaming nabigla.
Gusto kong mag sorry sa inasta ko pero hindi ko gagawin.
Nag titigan pa kami ng ilang Segundo at saka ko sya tinalikuran.
Gusto nang tumulo ng mga luha ko pero pilit ko pa ding pinipigilan.
"Yumi, kausapin mo naman ako oh" sabi ni Kyle pero hindi ko sya pinansin at nag tuloy pa din sa pag lalakad.
"Kanina mo pa ako hindi pinapansin. Sabihin mo naman kung may mali akong nagawa."
Napahinto ako sa mga sinabi nya. Pero nanatili akong nakatalikod sakanya.
"Please" Wika nya dahilan upang humarap ako sakanya.
"May problema ba?" Dahan dahang tanong nya sa akin.
How can I hate this man? As I am looking into his eyes, I felt the love that I need. The love that I will never feel.
Tunalikod ulit ako sa kanya dahil sa mga luhang gusto nang kumawala.
Maya-maya pa ay hindi ko na naramdaman ang presensya nya kaya humarap na ako sa kanya.
Nakita ko syang nakahinto at nakatingin lang sa akin. Malungkot ang kanyang mga mata.
I'm sorry kung nasasaktan ka habang nasasaktan din ako.
Ngumiti muna sya bago nag salita.
"Yumi birthday ko ngayon diba? Pero bakit ka ganyan? Kanina pa kita tinatanong kung may mali ba akong nagawa pero iniiwasan mo lang ako." Sabi nya habang nakatingin diretso sa mga mata ko.
Napapikit nalang ako at huminga ng malalim.
Hindi sya naiilang kapag nakatitig sya sa akin. Wala nga talaga syang nararamdaman sakin. Wala.
"Kyle hindi ko lang kase maintindihan kung bakit mo ginawa yun!" Sabi ko sakanya at hindi na napigilan ang pag taas ng boses ko.
"Tinignan ko lang naman kung ano magiging reactions nyo ah?" Sabi nya sakin na para bang wala lang sakanya yun.
"Hindi ako laruan, hindi kami laruan na gagamitin mo para lang makita yung mga reactions namin!" Sabi ko sakanya at napapikit naman sya.
Para kaming tangang nakahinto sa gilid ng daan habang ako ay sumisigaw sakanya.
Gusto ko syang suntukin at sapakin, nasa ilang hakbang lang naman ang layo namin kaya magagawa ko yun.
"Okay sorry. Kanina pa ako mag sosorry Yumi ah?" Sabi nya at lumapit sa akin.
Tinaas ko ang isang kamay ko para pigilan sya.
Napahinto naman sya at tinignan ang kamay ko.
"Hindi porket alam mong gusto kita Kyle eh ganon nalang Yung gagawin mo." Panimula ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako humuhugot ng lakas ng loob para sabihin to pero tatapusin ko na.
Gusto ko na umuwi. Ayoko na syang makita.
"Yung ginawa mo kanina. Alam mo bang umasa ako? Kase akala ko meron na eh, may chance na. Pero it turned out na gusto mo lang palang malaman yung reactions namin." Sabi ko sa kanya at pinilit tumawa.
Hahakbang sana sya palapit pero nag salita na ako.
"Kaya please Kyle. Alam kong mababaw lang to para sayo, pero may nakapag sabi sa akin na kaya ako nasasaktan kase mahal kita. Kase gusto kita. Kaya may karapatan akong masaktan." Sabi ko sakanya at nag lakad na pauwi sa amin.
Gabi na nang tinawagan ako ni Yja.
"Anong nangyari?" Tanong nya sakin kaya nagbuntong hininga nalang ako.
Isinandal ko ang ulo ko sa pader habang nakasandal ako sa headboard ng kama ko.
"Ang sakit." Yun palang ang sinasabi ko ay ibinaba na nya ang tawag.
Hindi ko alam kung bakit o kung anong dahilan pero hinayaan ko nalang.
Mawawala din naman tong nararamdaman ko kay Kyle.
Oo,hindi ko nagustuhan yung ginawa ni Kyle na pag lalaro sa feelings ko. Pero may parte sa akin na iniisip na nag over react lang ako.
Naisip ko ding umamin pala ako sakanya shit!
Wala na akong mukang maihaharap sa kanya kapag nag Kita kami!
Ilang minuto pa akong tumulala sa kisame ng bahay namin ay may kumakatok na sa pinto ng kwarto ko.
Binuksan ko na yun at nagulat nang makita ko si Yja!
"Wag kanang mag mukmok dyan. Lalaki lang yun." Sabi nya at inaya ako palabas ng bahay namin.
Madilim na ng makalabas kami. Alas diyes na yata ng gabi. Ang liwanag ng buwan at ang lamig ng hangin.
Napakapit ako sa asking sarili nang umihip ang malakas na hangin.
"Nakita ko kayo ni Kyle kanina kaya kita tinawagan." Panimula nya, hindi naman ako sumagot at sumandal nalang sa dala nyang single na motor.
Napatingin naman sya doon sa sinasandalan ko at saka nag yaya.
"Tara " sabi nya at saka sumakay sa motor nya.
Nag drive sya habang naka angkas lang ako sa likurang bahagi ng motor nya, nagpunta din kami sa parte ng lugar namin na may street lights.
Aaminin ko. Hindi man ako mag sabi kay Yja ay alam nya ka agad ang mga bagay na makapag papasaya sa akin.
Her presence is making me calm down, and forget the bad things that I'm thinking.
I am very lucky because I have a bestfriend like you. Yja.
YOU ARE READING
The man I dreamt of (series#2)
Teen FictionYasmine Uriel Morris Ignacio have a long time crush named Kyle Stephen Fajardo. But Kyle doesn't saw her as his girlfriend because he already have special someone that he saw his future with. Will they end up together? or it's just another part of t...