Pagdating ko sa bahay namin ay umakyat ako sa kama ko ay sinandal ang ulo sa bintana malapit sa akin. Gusto ko lang umiyak dahil sa mga narinig ko, pero bakit?
Bakit ako iiyak kung sa simula palang sila na ni Leeah? Baka nga siguro ako yung hadlang. Hindi ko lang napapansin. Ako yung may mali.
Pinatahan ko ang sarili ko at tinawagan ulit si Yja. Naka tatlong ring din ito bago nya sinagot.
"Hello?" Sabi nya sa kabilang linya. Gusto kong mailabas lahat ng saloobin ko. At alam kong handang makinig si Yja sa lahat ng iyon.
Ikinwento ko kay Yja lahat ng narinig ko sa hospital kanina. Selfish man pero gusto kong kampihan ako ni Yja, gusto kong maintindihan nya ako.
"Kung doon sila masaya hayaan mo sila. Hindi mo na sila kailangang problemahin. At saka hindi mo naman ma kokontrol yung nararamdaman nila." Sabi ni Yja sa akin pero pumapasok lang yon sa tenga ko at lumalabas sa kabila.
Kung doon ako masaya hayaan nila ako. Hindi nila ako kailangang problemahin. At saka hindi ko naman ma kokontrol yung nararamdaman ko kung mahal ko talaga si Kyle.
Nagbawi na lang ako ng tulog pagtapos noon. Alas dos na ata ng tanghali ako nagising. Naging maayos naman ang buhay ko, minsan ko nalang bisitahin si Kyle dahil masama pa din ang loob ko sa kanila ni Leeah. Alam kong mali pero may feelings din ako. Nasasaktan din.
Okay naman kami ni Leeah sa totoo nga nyan ay lumalabas pa kami kasama si Waylor. Noong minsan ay nag aya pa kami sa Korean restaurant at tinanong ni Leeah kung okay lang ba or kung ano na ang lagay namin ni Kyle.
Nagkunyari akong hindi ko alam na may alam na sya tungkol sa amin, sa nararamdaman ko. Dahil alam naman na nilang tatlo na gusto ko si Kyle.
Paano mo ako nagagawang ngitian ng ganyan Leeah? Paano mo nagagawang samahan si Waylor ng maayos kahit na sinabi mo kay Kyle na pwede na nyang iparamdam ang pagmamahal nya sayo? Ganyan kaba kagaling mag panggap? Paano Leeah?
Lumipas ang mga araw at kailangan nang itransfer ni Kyle sa ibang hospital. Sa manila daw, nag handa na ako para baunan sya ng makakain.
Bago pa ako pumunta doon ay naiiyak na ako. Noong nandito nga sya na kasama namin hindi na nya nakikita na gusto ko sya, pano pa kaya kung nasa malayo na sya? Paano na ako? Paano na yung nararamdaman ko?
Hindi ko napansin na tinatawagan na pala ako nila Yja at Ashley para sabay-sabay pumunta sa hospital. Si Leeah daw kasi nandoon na. Hays.
"Lagyan mo ng sulat yan." Bulong sa akin ni Leeah habang nakatingin sa dala kong pagkain para kay Kyle. Nandito kami ngayon sa labas ng hospital dahil hinihintay namin syang makalabas.
"Ha? Ano namang ilalagay ko?" Tanong ko naman sa kanya. Bakit ko to lalagyan ng sulat diba?
"Hays ewan ko sayo. Basta yung sweet ganon!" Sabi nya at saka pinitik pa ang noo ko. Grabe naman to!
"Osige wait lang." Sabi ko naman sa kanya kaya sya natawa. Inuuto lang yata ako noon eh?
Pumunta muna ako ng cr at doon na nag sulat. Mahirap na baka maging speech pa to ay maiyak ako hindi ba? haha!
Ilang minuto lang ako doon sa loob ng cr at saka na ako lumabas. Baka umalis na pala si Kyle diba? Sayang lang tong pinrepare kong foods kung ganon.
Basta talaga Kay Kyle willing akong gumastos. Crush back sana ehem!
Sakto namang paglabas ko ay nandoon na si Kyle kaya lumapit na kaming tatlo nila Yja at Ashley. For sure kasi si Leeah may sarili silang mundo ni Kyle mamaya.
Kailan kaya kami ganon? Yung ako lang at si Kyle. Yng walang Leeah, walang abala. Walang hadlang, walang-
"Walang jowa!" Sigaw sakin ni Yja kaya napabalik ako sa ulirat. Napatagal yata yung pag iisip ko ah.
"Ano yun?" Sabi ko naman sa kanya kaya sya natawa.
"Wala ang sabi ko ibigay mo na yan Kay Kyle." Sabi naman nya sakin Kaya inabot kona kay Kyle yung paper bag na may foods at syempre sulat na din.
"Salamat" sabi ni Kyle kaya nginitian ko nalang sya.
"Ingat" sabi ko naman, ilang minuto lang ay umalis na din ang sinasakyan nila.
Pinipilit kong kumalma pero hindi ko kaya, 11 pm na pero hindi pa din ako makatulog. Ano ba to? Iniisip ko kasi Yung sulat ko kay Kyle eh.
Ishare ko ba? Nakakahiya eh!
Pero ito na sige.
"Mamahalin pa din kita kahit sobrang sakit na."
Yan ang sinabi ko sa sulat. Ayokong maging ma drama pero dapat straight forward. Bahala naaaa!
Nagulat naman ako nang biglang mag ring ang cellphone ko.
Gago si Kyle tumatawag!
Sasagutin ko ba? Hala hindi pa naman sya nanliligaw ah? Haha!
"Hello" sabi ko ka agad. Kinakabahan ako huhu.
"Hello, salamat pala sa foods kanina. Nabusog ako " sabi nya kaya napangiti ako.
"Welcome, kahit ano para sayo " sabi ko at narinig ko naman syang tumawa sa kabilang linya. Ilang segundo ding tahimik ang linya pero walang gustong magbaba ng tawag.
"Yumi yung sa sulat." Sabi nya kaya kinabahan na ako. Pwede na bang matulog? Inaantok na ako at saka baka galit sya?
"Ah yon? Hayaan mo nalang yon-"
"Gusto mo ba ko?" Sabi nya na nakapag patigil sa akin.
Aaminin ko ba? O wag na?
"Wag na ako. Iba nalang." Sabi nya kaya nalungkot naman ako.
Kung pwede lang Kyle. Kung kaya ko lang matagal ko nang ginawa pero ang hirap eh. Ikaw yung una kong crush at sayo ako umaasa. Kahit na alam kong walang pag asa.
"Sana kahit minsan makita mo ako hindi bilang kaibigan. Kundi bilang Isang taong gusto ka ." Sabi ko sa kanya habang pinipigilan ang paghikbi ko.
"Sorry hindi ko alam. Hindi ko alam na gusto mo ako." Sabi nya kaya mas lalo akong naiyak.
"Paano mo ako makikita kung puro ka lang nakatingin kay Alleeah? Kay Alleeah na bestfriend ko. Na syang gusto mo." Sabi ko at hindi kona natiis ang mga luha kong nagmistulang ulan sa sobrang bilis pumatak.
"Pasensya na talaga Yumi. Pero alam mo namang gusto ko si Leeah noon pa man hindi ba?"
"Kahit anong sabihin mo hindi ako titigil na mahalin ka. Gaya ng sinabi ko sa sulat ko na mamahalin kita kahit na masakit. Mamahalin kita kahit na bestfriend ko pa ang kapalit." Sabi ko at binaba na ang tawag.
YOU ARE READING
The man I dreamt of (series#2)
Teen FictionYasmine Uriel Morris Ignacio have a long time crush named Kyle Stephen Fajardo. But Kyle doesn't saw her as his girlfriend because he already have special someone that he saw his future with. Will they end up together? or it's just another part of t...