Chapter 5

8 2 0
                                    

Pagkatapos ng halos isang oras na pag da drive ni Yja ay pumunta kami sa isang 7/11 store.

Syempre 24/7 to eh.

"Hoy gago okay kana ba?" Tanong nya kaya napatingin ako sa kanya.

"Oo, medyo." Sabi ko sakanya at nginitian sya.

Ang sarap sa feeling na may isang taong handang mag laan ng oras para lang pagaanin yung loob ko.

"Lika na nga kumain na tayo, libre ko." Sabi nya at saka kumuha ng mga pagkain.

Nakahiga na si Leeah nang naabutan namin sya sa kwarto nya.

"Tangina nagulat pako" sabi nya sabay hawak pa sa dibdib nya.

"Bat di kayo nag sasabi?" Patuloy nya at hindi man lang talaga umusog para paupuin kami.

Saan nalang uupo ang cute na tulad ko?! Emz haha!

"Eto kasing si Yumi aya nang aya akala mo naman katagal nating di nagkita." Sabi ni Ashley at sumiksik na sa higaan ni Leeah.

"Nasan si Yja?" Tanong ni leeah dahil dalawa lang kaming nandito ngayon.

"Ah nasa Pampanga may pinuntahan ata sila." Sabi ko naman

"Tsunami wave!" Sigaw ko bigla at tumalon sa higaan ni Leeah.

"Gago ang bigat mo lumayas ka dyan!" Sigaw sakin ni Leeah  habang tinutulak sako. Tawa lang naman ako nang tawa kaya nahahawa na din sila.

May iba-iba pang style yung tawa ko kaya naman mahahawa ka talaga kapag narinig mo.

"Pre! Yung katawan ko kinawawa mo!" Sabi naman sakanya ni Ashley.

Si Ashley ang pinakapayat samin, kabaliktaran naman nya ko kaya naman lugi si Ashley sa pagdagan  ko sakanya haha!

"Eto nanga ang aarte nyo nag lalambing lang ako!" Sabi ko saka na  umupo sa kama ni Leeah.

"Tanginang lambing yan gusto na kaming patayin." Sabi ni Leeah kaya naman nagtawanan kami.

Nag sabi na kaming dito kami matutulog sa mama nya. Yung kambal naman ay may sariling kwarto kaya ayos lang guluhin namin si Leeah dito.

"Kyle." Napalingon ako sa mga katabi ko nang marinig ko ang pangalan ni Kyle.

Syempre bebeluvs143 ko kaya yon haha!

Pero pagtingin ko ay kaming dalawa lang ni Ashley ang nandon.

Tumayo naman ako para hanapin si Leeah pero narinig ko na sya sa di kalayuan. Tahimik lang ang buong bahay nila kaya naman maririnig ko agad sya.

"Okay you told me to monitor her, but why?" Sabi nya sa kausap nya. For sure si Waylor yon, english eh.

"Just keep an eye to her." Yun lang ang narinig ko dahil may bumagsak na gamit malapit sa akin. Kaya nagtago agad ako, malakas kasi Ang pakiramdam ni Leeah baka mahalata nya na andito ako.

"Meow" sabi nung pusa nila kaya napaisip ako. Napangiti naman ako sa sarili ko at natawa sa isip. Parang tanga lang pero bwhahaha!

Sorry ming pero I have to do this. Sabi ko at saka pumikit at initsa si mingming malapit dun sa gamit na nahulog.

Narinig ko namang tumigil sa paglalakad si Leeah. Narealized nya siguro na pusa lang yung nakahulog.

Nice one ming, you saved me! Hahaha!

"Ashley, Kyle, and Yumi. Noted." Sabi lang ni Leeah kaya nagtaka ako. Ano meron?

English kasi usapan nila hindi ko maintindihan. Hays.

Lumabas ako sa pinagtataguan ko kaya nagulat sya. Well hindi sya yung tipong magugulatin talaga, pero nagulat yan sakin for sure! Galing ko kaya magtago.

"Naiihi ako Leeah wait." Sabi ko sakanya at nag kunwaring naiihi pero ang totoo lumipat lang ako ng pwesto para mas marinig yung usapan nila ni Waylor.

Talino ko talaga! Baka first honor ako ng daycare kami!

"a Ashley le gusta Kyle." Sabi ni Waylor pero nanatiling tahimik si Leeah.

Ano yun? Bakit biglang nag iba ng salita si Waylor? Alam ba nya na nandito ako? Talino naman nitong dalawang to bagay nga sila.

Naghintay lang ako ng ilang minuto pero wala na si Leeah sa pwesto nya kanina. Iwan ba naman ako?!

Nagtatakbo ako pabalik sa kwarto nya dahil madilim, hindi sya sanay mag ilaw. Pero di makatulog ng walang ikaw haha!

"Can't blame you. But please, stop your feelings." Narinig kong sabi ni Leeah bago ako pumasok ng kwarto.

Nakita ko namang tulog pa si Ashley kaya sino kausap nya? Nahihibang naba sya? Ano ba yan may bestfriend akong abno.

"Matulog ka na." Sabi nya sakin at humiga na sa tabi ni Ashley.

Okay so walang chismis  galing dun sa pinag usapan nila kanina? Fine.

Natulog na lang ako kesa mag isip ng kung ano-ano.

Nagising ako sa strum ng gitara at boses ni Leeah.

"Please don't be in love with someone else

Please don't have somebody waiting on you.

Please don't be in love with someone else.

Please don't have somebody waiting on you."

Paulit ulit nyang kanta habang nakatingin sa natutulog na Ashley.

Nakaupo lang sa dulo ng kama si Leeah habang pinag mamasdan si Ashley. Ano bang meron?

Wag mong sabihing natotomboy na si Leeah kay Ashley?! Hindi naman ako against sa mga lesbians pero kasi hays. Wait, parang ang oa naman ata ng imagination ko na yon?

"Maghilamos ka na ampangit mo." Sabi nya sakin at don ko lang narealized na nakatitig na pala ko sakanya.

"Eto na! Aga-aga kasi nag gigitara ka dyan!" Sabi ko sakanya kaya binato nya ako ng unan.

Habang kumakain kaming tatlo sa hapag kainan ay tahimik lang kami. Si Leeah halatang may tinatago yan eh, pero okay lang I respect her privacy naman.

"Nasan pala sila mama mo saka yung kambal?" Sabi ko kay Leeah habang kumukuha ng hotdog.

"Si mama may inaasikaso ata sa mga papeles nila ni papa. Yung dalawa naman may ganap ata sa school nila." Sabi nya saka kumain na.

"Leeah pwede mo bang ituro sakin yung kantang 'simula pa nung una' ni Patch sa gitara?" Tanong namn ni Ashley.

Tinignan ko naman si Leeah pero nakatitig lang sya kay Ashley. Totoo yatang nabakla na tong Isang to.

"Ako nalang mag turo sayo." Sabi ko sakanya habang kumakain pa din.

"Ay tumigil ka baka ihampas kopa sayo yung gitara." Sabi naman ni Ashley kaya natawa kami.

Si Leeah naman nakatulala pa din pero nakabawi na din sa wakas.

"Ayaw mo ba yung kantang 'migraine'"? Sabi namn ni Leeah kaya nagulat ako.

"Ah ayoko yun, okay lang nmaan kung ayaw mo." Sabi ni Ashley at saka kumuha ulit ng Kanin.

"Sige, mamaya bago kayo umuwi" sabi ni Leeah at saka sya nagbuntong hininga.

Okay. So. Ano meron? Tungkol pa din ba to sa usapan nila ni Waylor?

The man I dreamt of (series#2)Where stories live. Discover now