Chapter 8

5 2 0
                                    

Ala una na ng madaling araw pero hindi pa din ako makatulog. Bwisit kasing Kyle yun eh ang epal. Dapat akong magalit sa kanya pero hindi ko kaya. Mahal ko eh. Antanga lang naman.

Nag palit ako ng jogging pants saka T-shirt medyo malamig kase kung naka sando akong lalabas sa ganitong oras. Pumunta na lang ako sa Hiraya cafè malapit sa amin. Maliwanag pa naman ang daan dahil madaming bukas na shops dito.

Pumasok na ako sa loob at saka umorder. Hanep may mga nag de date pa pala sa gantong oras no? May dalawang couple ang nasa loob at ako lang ang single.

Palabasin ko kaya tong mga to? Saka ako mag papakat ng no couples allowed sign haha! Bitter much naman.

"Here's your order ma'am" sabi sakin nung poging nag served ng order ko.

"Thank you. Can I order you?" Tanong ko sa kanya. Ang gwapo talagaaa!

"Ma'am?" Tanong nya sa akin kaya ako natauhan. Ano ba yan Yumi!

"Ang sabi ko can I order more? Hehe" sabi ko na lang. Bwisit naman kasi yan.

"Ah of course ma'am, here's our menu." Sabi nung poging nag served sa akin kinuha ko naman yon at Sayang! Hindi dumaplis yung daliri namin gaya sa mga napapanood ko sa tv.

"Ah eto na lang" turo ko sa cafe con leche na nandon. Dalawa na inorder ko para dun sa dalawa kong kuya. Napagastos pa ko ng wala sa oras pakshet.

Ilang minuto lang ay inilapag na din nya yung order ko na naka plastic. Sabi ko kase takeout eh.

Tumulala muna ako sa glass wall ng cafè nila. Madami pa din palang tao sa ganitong oras. Mag pa pasko na din kase kaya madami nang open na shops.

"Pwedeng umupo?" Tanong ng lalaking naka red na cap.

Namukaan ko naman sya kaya tumango na ako. Friend sya nung friend ni Ashley. Si Tristan. Ano kayang ginagawa nya dito? Ang layo ng bahay nila dito ah?

"Bakit ka nandito?" Sabay naming tanong, at sa hindi malamang dahilan ay napangiti ako at natawa na lang din  nong narinig ko yung pag tawa nya.

"Ayaw mo ba?" Tanong nya sakin kaya umiling naman ako.

"Gusto k-" hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil umepal sya.

"Gusto mo ko?" Tanong nya at saka nilapit yung muka nya sa akin.

Ang kapal din pala nito no?

"Baliw!" Sabi ko sa kanya at parehas nanaman laming natawa.

Nanahimik muna kami at saka ako sumipsip sa inorder ko. Makakalahati ko na to at mag a alas dos na pala ng madaling araw.

"Type mo yung nag dala ng order mo?" Tanong nya sakin Kaya ngumiti muna ako para sumagot.

"Medyo."

"Eh ako?"

"Trip mo ba ko?" Balik na tanong ko sa kanya.

"Pero hindi kita pag ti tripan." Bawi naman nya at saka kumindat.

Ang taas ng confidence nito ah?
Pero in fairness nakalimutan ko yung Dina drama ko kanina dahil sa kanya.

"May pag ka loko loko ka din pala no?" Tanong ko sa kanya kaya natawa naman sya. Ang pogi din pala nya.

"Pero seryoso sayo." Sabi nya habang naka titig lang sa mga mata ko. Nawala naman yung ngiti ko dahil napatitig na lang din ako sa mga mata nya.

Ang ganda ng mga brown nyang mata, natamaan ito ng ilaw ng sasakyan Mula sa labas kaya naman mas nakita kong maayos ang mga mata nya. Hazel brown yung kulay ng mga mata nya. Ang ganda as in!

"Picturan mo nalang kaya ako?" Tanong nya na nakapag pabalik sa akin sa katinuan.

"Gago! Ang ganda kasi ng mga mata mo."

"Mga mata kong sayo lang naka tingin."

"Parang sira ka naman!" Sabi ko at tumingin sa malayo. Bawal ma fall.

"Kinikilig ka ba? Kung oo...."

"Ano?" Hamon ko sa kanya.

"Wala. Ang cute mo pala no?"

Napaiwas na naman ako ng tingin! Ano ba to?!

Tinignan ko na lang yung inorder ko at napansing paubos na pala to.

"Paubos na yan ah? Iiwanan mo na ba ko dito?" Tanong nya kaya natawa ako.

"Madami namang tao dito ah?" Sabi ko naman at saka tumingin sa paligid. Nandito pa din yung mga couples kanina, muka din tuloy kaming couples haha!

"Pero gusto ko ikaw."

"Baliw! Aalis na ko." Sabi ko sa kanya at tumayo na

"Wait. My name is Tristan."

"Alam ko " sabi ko naman sa kanya kaya sya nag smirk.

"Crush moko no?" Sabi naman nya sakin kaya napangiti din ako

"Pano kung sabihin kong oo?" Mukang nagulat naman sya pero hindi nya pinahalata.

"Ode crush back agad." Sabi naman nya at nag wink nanaman!

Enebekesheyen ehe!

"Para kang baliw dyan! Aalis na talaga ko." Sabi ko pero bago ko pa ma buksan yung pinto humarang na sya.

"You forgot these." Sabi nya sabay taas ng dalawang kape na inorder ko pala para kila kuya. Muntik kona makalimutan.

"But don't forget me." Sabi nya sabay bukas ng pinto.

"Tristan. Tristan Louis Cabria." Sabi nya at saka inoffer ang kamay nya para mag shake hands.

Tatanggapin ko ba? My gosh kinikilig ako!!!!

"Yasmine Uriel Ignacio." Sabi ko naman at saka tinanggap ang kamay nya.

The man I dreamt of (series#2)Where stories live. Discover now