Around 2nd quarter, nag-declare ang school namin na ibinabalik na nila ang Battle of the Bands sa school lang namin. Kinumbinsi ko si Luke na sumali ang banda nila sa try outs. Kung hindi nyo naitatanong, hindi magaling kumanta at mag-guitara si Luke. MAGALING NA MAGALING is the term. Hindi kalaunan ay pumayag na din si Luke na sumali sa Auditions sa Battle of the Bands. Without a doubt, natanggap sila as a band and in fact naging Lead Guitarist pa sya. Sa larangan ng basketball lang nila nakilala si Luke noon dahil ayaw nyang ibulgar ang mga talents nya. Ang tanging nakakapag-papayag lang naman sa kanya walang iba kundi ang bestfriend nya SLASH ako na girlfriend nya. Oha? San ka pa!
Mas lalong sumikat sila Luke sa campus namin, and even outside the school. Ini-invite silang mag-perform/kumanta sa mga prestigious events at lagi silang nananalo sa mga contests na sinasalihan nila. Maging sa mga social networking sites like Twitter, Facebook, Instagram and Youtube ay sumisikat ang banda nila. Dahil sa patuloy na pagsikat ng banda nila, naisipan nilang bumuo ng pangalan na hindi lamang school ang dinala at duon nabuo ang pangalang 5 SECONDS OF SUMMER.
Sa pamamayagpag ng grupo ni Luke na 5 SECONDS OF SUMMER o 5SOS, duon na rin natuon ang lahat ng oras nya. Madalang na din kami magkita. Kung mag-kikita man kami ni Luke, saglit lang o kung minsan nga, nakaw oras lang. Naiitindihan ko naman lahat ng iyon dahil sikat ang boyfriend ko. Sa pagdaan ng mga panahon, marami na ring nakaka-laban ang banda ni Luke. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagka-harap din ang mag-EX-bestfriends. Bakit ko alam? Siyempre, as a girlfriend wala kaming sikreto ni Luke. Sinasabi nya sakin lahat. :)) Ganun sya sa ka-loyal sakin. Sino nga ba yung EX-bestfriend nya. Sya si Tristan, Tristan Evans. Nagkaharap sila ng EX-bestfriend nya sa isang band competition.
————————————————————————————————————————
"Oh pare, long time no see ah?" pambungad na pag-bati sakin ni Tristan. Speaking of the devil, he's my Ex-bestfriend. Sya lang naman ang umagaw sa Ex-girlfriend ko. Pero hindi ako bitter ah, i'm just sayin'. Malaki ang galit ko sa kanya at hanggang ngayon hindi ko pa sya napapatawad sa ginawa nya.
"What? PARE?" walang emosyong sagot ko sa kanya. Gusto ko maramdaman nya ang presensya ko.
"Oh, hanggang ngayon ba naman inaalala mo pa rin yung nangyari? Kalimutan na natin." sabi nya sakin. Kalimutan? Ganun ka-simple, matapos mo 'kong pagtaksilan. Tanga na lang ako kung papatawarin kita.
"Edi wow!" cold na sagot ko sakanya. Aba? Sine-suwerte sya ha. Pagkatapos ng lahat ng ginawa nya, papatawarin ko sya. BIG MISTAKE! Wrong move dude, wrong move.
"Ano ka ba naman. Past is past. Uhm, sino nga pala 'yang kasama mo?" tanong sakin ni Tristan habang naka-tingin kay Bridgit. Kitang-kita ko yung mga tingin nya sa girlfriend ko. Ang lagkit. Parang may balak sya na masama.
"GIRLFRIEND ko, bakit?" tanong ko sa kanya at ngayon sa akin naman sya naka-tingin. Nakipaglaban ako ng mga titig sa kanya. Hindi ako papayag na pati Girlfriend ko, makuha nya.
"Ipakilala mo naman sya sakin?" sabi nya sabay nag-smirk sya. This is not good. Wag girlfriend ko!
"Wag na, baka agawin mo nanaman!" ma-awtoritadong sagot ko sa kanya. Kunin nya na lahat sakin, wag lang si bridgit. Magkakalabas tayo ng ugali.
BINABASA MO ANG
I'm SECRETLY INLOVE With My BESTFRIEND
Novela JuvenilMasarap mag-karoon ng isang bestfriend. Yung bestfriend na laging nandyan para sayo. Human diary mo. Taong poprotekta sayo. Sasamahan ka sa mga kalokohan mo. Pero bestfriend nga ba talaga? Paano kung sa isang iglap mahulog ka sa bestfriend mo? Aamin...