Brigdit's outfit sa taas. :))
Ganyan soot nya pag gumagala sya. Haha. /Ate bree.
___________________________
Nagising ako na ang ganda ng gising ko. Haha ano daw? Pero seryoso, gumising ako nang may ngiti sa aking labi. Sobrang saya ko lang naman kasi kagabi. Di ko alam na gagawin nya yun. As in 'di ko talaga expect.
At bago pa 'ko mabaliw sa kaka-isip sa nangyari kagabi ay..... Bumaba na 'ko sa dining area at kumain. Haha, kanina pa kasi nagwawala ang sanggol na dragon sa tiyan ko. After ko kumain, ay naligo na 'ko. Sinuot ko ang outfit ko at nag-ayos ng kaunti dahil trip ko mag-mall ngayon. Pagka-tapos ng sobrang daming seremonyas ay bumaba na din ako. Nagpaalam lang ako yaya na aalis lang ako saglit dahil kating-kati na 'ko mag-lakwatsa. Isang linggo ba naman akong parang kriminal sa bahay na naka-kulong kasi bawal ako paalisin kasi baka daw sumakit ulit ang ulo ko at mabinat ako.
At bago pa 'ko maka-puntang mall ay may humintong magandang kotse sa harapan ko at....
"Hop In." -akala ko may artistang sa harap ko. Sobrang gwapong lalaki na naka-sakay sa nakaka-silaw at napaka-gandang Porsche Boxster. Muntik na nga malaglag yung panga ko nung nakita ko sya eh, buti na lang naalala ko boyfriend ko pala 'to. HAHAHAHA!
"San tayo pupunta?" -tanong ko sa kanya at saka sumakay sa napaka-ganda nyang kotse tapos ngumisi naman sya sakin. Ano nanaman trip nentong si Luke?
"We're going on a date." -simple nyang sinagot at saka nya inilagay ang seatbelt ko tapos hinalikan nya 'ko sa pisngi at noo. Hobby nya na talagang halikan ako eh no.
"San naman tayo magde-date..... babe?" -sagot ko na medyo hininaan ang huling salitang sinabi ko.
"Secret." -sabay kindat nya sakin.
Pinaandar na niya ang kotse, akala ko talaga mag-hihiwalay yung katawan ko sa kaluluwa ko sa sobrang bilis nya magpa-takbo. Buti na lang naka-seatbelt ako, kung hindi kanina pa 'ko tumilapon palabas dito. Hindi ko nga din alam kung mabilis lang ba talaga 'tong kotse nya o sadyang mabilis lang syang magpa-takbo. Medyo malayo-layo din ang biniyahe namin, muntik na nga akong makatulog eh. At dun ko lang din napansin na medyo pasaway na driver pala 'tong si Luke. Nung nasa stop light na kami kahit naka-red yung ilaw, nag-go padin sya.
Sinamaan ko naman siya sa ginawa niyang yun, pero hindi padin sya nagpatinag tapos tumawa pa sya. Sabi nya wala naman daw kotse kaya okay lang daw yun. Tapos nag-counter flow pa sa one way road tsaka nag-park sa no parking.
Di ko pa pala nasasabi sa inyo na badboy 'tong boyfriend ko. Ay hindi pala, MEDYO BADBOY pala.
At hanggang ngayon di ko parin alam kung saan ba 'ko dadalhin ng lalaking to. Nababagot lang ako. Ang sakit na din ng pwetan ko dahil sa matagal na pagkaka-upo. Medyo nangangalay na din ang mga likod ko, at kating-kati na 'ko bumaba ng kotse kasi galang-gala na 'ko.
"We're here. Are you ready?" -tanong nya sakin nang makarating na kami sa lugar. Medyo familiar sakin ang place na 'to. Tumango lang ako bilang sagot, nakaramdam din ng excitement dahil talaga namang familiar sakin ang lugar na 'to.
BINABASA MO ANG
I'm SECRETLY INLOVE With My BESTFRIEND
Teen FictionMasarap mag-karoon ng isang bestfriend. Yung bestfriend na laging nandyan para sayo. Human diary mo. Taong poprotekta sayo. Sasamahan ka sa mga kalokohan mo. Pero bestfriend nga ba talaga? Paano kung sa isang iglap mahulog ka sa bestfriend mo? Aamin...