Chapter 15 - Cable Car

16 1 0
                                    

Continuation.............

__________________________________________________________________________


Maya-maya lang may humawak bigla sa bewang ko tapos naramdaman ko na lang si Luke sa likod. OMG! Ramdam ko nanaman yung abs nya kahit naka-shirt na sya. Err, at parang nag-iinit nanaman yung room. Ano ba naman to. Bridgit, magtigil ka ha! Niyakap ako ni Luke mula sa likod ko, bumilis bigla yung tibok ng puso ko.


"One day, dito tayo ikakasal." -natawa naman ako bigla sa sinabi nya.


"Sure ka na bang tayo talaga sa hanggang huli?" -inalis nya yung pagkaka-yakap niya sakin tapos hinarap nya ko. Nag-salubong yung dalawa nyang kilay.


"Hindi ako siguro pero I'll do everything to make it happen." -ngumiti lang ako tapos niyakap ko sya.


"Please make it Happen!"


Umalis na kami ng room namin. Pagka-labas namin, dumeretso agad kami dun sa cable car na sinasabi nya. Ang ganda nga talaga dito pero hindi ko mapigilan na mapakapit ng mahigpit sa braso ni Luke. Hindi ako takot sa mataas pero ang taas kasi dito eh nalulula ako. Feeling ko tuloy malalaglag ako. Nakakainis nga eh kasi nilingon ko si Luke tapos parang natutuwa pa sya. Aba, gustong-gusto pa ah. Itulak ko kaya sya dito. Ayyy wag. Ang hard ko naman. Kiss ko na lang, HAHAHAHAHA!


Sumakay na kaming dalawa dun sa loob, ako ko hindi na 'ko kakabahan kapag nasa loob na kami. Mali pala ako nang iniisip, kasi naman yung sahig ng cable car salamin din. Mas lalo lang tuloy humigpit yung kapit ko kay Luke nung umandar na. Nakakalula kasi talaga eh.


"I told you don't be afraid, i'm just here okay." -natatawa nya padin sabi. Tss! Nakakainis ah.


"HAHAHAHAHA? Really. Kaya ko kaya nang walang hawak-hawak. Lol. Ako pa, sa ganda kong 'to!" -bumitaw ako sa kanya tapos lumayo ako ng konti nang hindi tumitingin sa ibaba. Oh diba? Kaya ko naman pala eh.


"Booo!"


"Whaaaaaaaaattheeeeee!" -sa sobrang gulat ko, napasigaw ako at napayakap ako kay Luke. Nakakainis, pano pag bumukas yung salamin sa ibaba. Pasaway talaga eh no!


"Akala ko ba kaya mo na? Eh nakaka-kapit ka ka padin sakin oh." -tawang-tawa nyang sabi sakin. Sinamaan ko sya ng tingin. Ang daya naman kasi hindi naman kailangan mang-gulat eh.


"Ewan ko sayo! Kausapin mo yung bintana. Ge!" -tumalikod ako sa kanya tapos tumayo ako sa may unahan ng cable car. May hawakan naman kaya hindi na 'ko masyadong nalulula. Nakakainis ang pasaway nya talaga.


"Sorry..." -pagsusumamo nya sakin. Niyakap na naman niya ako sa likod ko. Pinatong niya yung ulo niya sa balikat ko. Sobrang higpit ng yakap niya sakin, hinawakan ko na lang yung kamay niya.



"Alam mo pag-yakap mo 'ko, nawawala mga takot ko." -kahit hindi ko nakikita yung mukha nya, alam kong naka-ngiti sya.


"Edi palagi kitang yayakapin, lagi kitang sasamahan, lagi kitang po-proktektahan." -sagot nya. Ang sarap pakinggan. Sinandal ko yung ulo ko sa ulo nya, sa sandaling yun nawala na talaga yung kaba at takot ko.


"So may super-hero na pala ako. Haha!" -natatawa kong sagot sa kanya.


"Oo ako si Superman, at ikaw naman yung kryptonite ko."


Humarap siya sakin, hinawakan niya yung mukha ko. Naka-tingin sya sa deretso sa mata ko, kita ko tuloy yung brown niyang mata na para kang hinihila. Unti-unti syang lumapit sa mukha ko, napapikit na din ako.


"Sir andito na po kayo."


Pag-lingon ko dun sa pintuan ng cable car andun yung caretaker, nasa baba na pala kami. Natawa na lang tuloy ako. Tinignan ko si Luke, halatang disappoint na naman siya. Haha yan kasi!


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm SECRETLY INLOVE With My BESTFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon