(Juliet's POV)
It's Friday . Yipeee ! Walang pasok bukas . Ahahaha .
Ako nga pala si Juliet Scott . Simpleng girl lang . Masungit lang talaga sa mga boys. Medyo loka loka rin minsan lalo na pag wala akong kasama sa bahay . Lagi akong nagko-concert . May time na nga na kinatok ako ng mga kapit bahay dahil sobrang ingay ko daw . Hehehe. May sarili kasi kaming videoke dito sa bahay . Kaya pagka - gising ko pa lang kumakanta na ko
Ang favorite kong kantahin yung mga matataas katulad ng song ni Ariana Grande .
"This is the part when I say I don't want you , I'm stronger than I been before ! "
Tumayo ako dito sa kama ko habang kumakanta .
"This is the part when I break free, Cause I can't resist it .. no mooooooooooooore ! "
"Juliet !!!"
Oops . Nandito pala si Mama . Nasa baba yata sya .
"Ma ? Bakit po ?" tanong ko sa kanya . Malakas yung pagkakasabi ko para marinig nya ko kahit nasa baba sya .
"Pwede bang wag kang maingay ! Hindi ngayon ang oras ng pagtula ! Bumaba ka nga dito . " galit na sabi ni mama.
Grabii naman . Kumanta kaya ako tapos sasabihin nyang tumutula ako . Nakaya ko nga yung Ariana Grande eh . . .
Bumaba ako sa hagdan . Nakita ko si mama dun na nakaupo sa sofa sa sala . Kinakalikot nya yung laman ng bag ko ? Bakit kaya .. ?
"Juliet!" tinawag nya ko ng pagalit .Bakit kaya ganun ang reaction nya ?
"Bakit po ma ?" tanong ko sa kanya .
"Anong ibig sabihin nito !?" galit na tanong ni mama . May ipinakita syang picture galing sa bag ko .
Iyun yung picture ni Jared Brickson . Ipinatago sakin ni Lincy . Ibibigay nya daw kasi kay Jared .
"Ma . Wala po yan . Sa classmate ko po yan . Ipinatago nya sakin . " sagot ko kay mama.
"Ipinatago !? Eh ano tong letter na to ?" Galit na tanong ni mama . May ipinakita rin syang letter na galing sa bag ko .
"Dear Jared Brickson . Alam mo may gusto kami sayo .Ako ,si Joana at si Juliet . Sana minsan makasama ka namin ."
Binasa ni mama yung letter ng pagalit .
"Hala Ma . Hindi ko po alam yan at hindi ko po crush si Jared ha ?" nagtataka kong sagot . Loko talaga si Lincy nilagay nya yung pangalan ko.
"Anak . Sasabihin ko uli sayo to . Ayaw na ayaw ko na mahumaling ka sa lalaki . Kasi once na ma-fall ka. Ikaw din ang masasaktan . Iba na kasi ang panahon ngayon. Hindi na sila mapagkakatiwalaan.. Kaya anak kung maari . Iwasan mo ang magka-Crush . Maliwanag ba ?" paliwanag nya sa akin.
Hinawakan ko ang mga kamay ni mama .
"Ma . Kahit hindi nyo po sabihin sakin alam ko po sa sarili ko yun . Kaya Ma promise— Itinaas ko yung kanang kamay ko bilang pangako.
Hindi po ako magbo-Boyfriend." Sabi ko.
"Grabe naman anak . Ok lang naman na mag boyfriend pero wag muna ngayon kasi bata kapa . " sabi sakin ni mama.
"Eh ayaw ko talaga mag boyfriend. Kasi Ma . NoBoys Allowed diba ?" sagot ko kay mama . Itinuro ko yung poster sa pader .
Ako yung nag gawa nun eh . Meron din kaming naka post na ganun sa labas ng pinto . Para walang pumasok na lalaki ...
Si mama nalang yung kasama ko sa bahay . Wala na kasi yung step father ko :( Iniwan na kasi kami .
Naalala ko tuloy nung graduation ko. Yun yung time na iniwan kami ni papa .
Mine make-upan ako nung time na yun sa kwarto ko . Tapos bigla na lang nagtalo si mama at papa sa sala . Hindi ko alam kung bakit pero naririnig kong nagkakalampagan yung mga gamit . Kaya sumilip kami nung nag me make-up sakin sa sala .
Nakita ko na may dugo yung braso ni mama pero dirediretso pa rin sa pananakit si papa . Yung time na yan awang awa ako kay mama at galit naman ang nararamdaman ko kay papa .
Walang kwenta syang ama ! Sarili nya lang ang iniisip nya . Kaya hindi ko sya mapapatawad .!
Never akong naghanap ng pagmamahal nya . Hindi sya deserving maging ama para sa amin .
Mahal na mahal ko si mama kaya hindi ko sya iiwan .
———————-
Hi :) Kamusta yung po yung unang episode . Hindi po ba madrama ? Hehehey .
qSimple .
BINABASA MO ANG
No Boys Allowed (On-Going)
General FictionPara sakin hindi natin kailangan magkandarapa para mapansin lang tayo ng crush natin . Hindi natin kailangan maghabol sa taong ayaw sa atin , Wala pa akong nagiging BF pero alam na alam ko na ang mga gawain ng mga boys . Paasa lang sila . Kaya Girls...