Chapter 1.2:Fame Ville

185 14 11
                                    

Hi Guys . Naiinip na ba kayo sa paglabas ni Jared Brickson ?

Hehey . Siguro :)

Thanks po sa mga nagko-comment at nag votes . Thank you thank you.

——-


(Juliet'sPOV)


"Ma . may lakad po ako ngayon . Ok lang po ba ?" paalam ko kay mama habang sinusuot ko yung shoes ko.


"Pano kung hindi ako pumayag ?" sabi nya .


Napatingin ako sa kanya .


"Hindi ka pwedeng umalis." serious nyang sabi.


"Pero . Mama . Nakabihis na ko ." pagpilit ko sa kanya .


"Sabi ko na nga ba iyan ang sasabihin mo eh ." bigla syang ngumiti .


"Naka bihis ka na at tsaka ka palang nagpaalam . Sige ok lang . " sabi ni mama . Bigla akong napangiti.


"Thank you ma." nginitian ko sya.


"Eh anak . Saan ba lakad mo at ayos na ayos ka ?" tanong nya .


Maloko nga si mama . Hehe


"Kasi ma . Hihihi ." sabi ko habang medyo ngumingiti.


"Ano ? Bakit parang kinikilig ka !" irita nyang sabi.


"May date po kasi kami ng boyfriend ko ." haha. Sabi ko kay mama .


"KELAN PA !?" napasigaw sya .


"Ma . Joke langnaman . No Boys Allowed tayo diba ?." sabi ko sa kanya . Nag smile ako.


"Saan ba talaga ang lakad mo ?" tanong nya . Mabilis nawala yung inis ni mama. Imposible namang mag-BF ako.\


"Ma yung friend ko kasi nag papasama po sak—-


*Kring ! Kring !*


Tinignan ko yung phone .


Lincy's calling ...


"Ma.Tumatawag na sya ." sabi ko kay mama . Ipinakita ko yung phone sa kanya.


"Sige . Sagutin mo muna ." sabi nya .


Sinagot ko yung phone .


"Hello" sabi ko.


"Juliet ? Nasaan ka na ?" tanong nya.


No Boys Allowed (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon