Mainit ang tanghali at napagdesisyunan naming ni Kieth na sabay na mananghalian. Umalingasaw ang kulom ng sikmura at siyang nangibabaw kesa sa tirik ng araw. Sa kabutihang palad ng paghihintay ay may nasakyan kami agad patungo sa kalapit na mall.
Isang ordinaryong bus lamang ang aming sinakyan. Sa aming pag-akyat ay pansin sa pagmumukhang naka-aligid ang pawis at init ng panahon. Iba't ibang personalidad ang siyang naglipana sa bus na iyon. May bata, matanda, mga trabahador, mga late na sa kanilang opisina, mga estudyante, at kung sino pa. Kanya kanyang may kwentong bitbit sa kanilang takda ng pamumuhay.
Pumwesto kami ni Kieth sa dalawahan sa may pangalawa sa huli. Ramdam namin ang init ngunit wala kaming magagawa kundi mag tiis. Ako ang nasa isle habang si Kieth naman ang malapit sa bintana.
Sa aming pagkakaupo ay tahimik lamang. Di kami nagkikibuan at inunang ayusin muna ang aming sariling repleksyon. Kanya kaming asikaso sa sarili dahil nga naman sa taglay na init ng panahon.
Nauna akong matapos sa pag-asikaso sa aking sarili ng napansin kong tila may hinahalungkat siya sa kanyang bag. Di muna ako nagsalita at patuloy siyang pinagmasdan. Nagmamadali ang kanyang mga kamay kaya't nag-usisa na akong magsalita.
"Ano hinahanap mo?" sambit ko sa kanya.
"Ah.. Eh.. ang init kasi. Hinahanap ko yung panyo ko ngunit hindi ko makita." Tila nahihiya sa kanyang pagsambit.
Habang sinasabi niya ay pinagmasdan ko muli ang kanyang mukha. Mga mata niyang tila nangungusap. Ang kanyang mga labi na tila'y bumabagal sa aking isipan. Nang matapos siyang magsalita ay napansin ko ang pawis na nagsipatakan mula sa kanyang noo.
"Oh pawisan ka na oh. Init amp."
"Oo nga eh. Kainis. Kung kelan kailangan ko ng panyo saka nawawala."
"Parang tao lang yan, kung kelan kailangan mo siya saka siya nawawala." Sambit ko sa kanya sabay ngiti
"Drama pre."
Tumungo siya't natawa. Maya maya'y ngumiti at siniko ako sa tagiliran.
"Aray. Sakit nun ha." Aking sabi sa kanyang ginawa
"Baliw. Ang drama mo kase." Kanyang sambit at sabay bumalik sa paghagilap ng kanyang panyo.
"Sorry na po."
Hindi na siya muli nag-kumento. Sa maikli na pagkakataon na iyon ay tila nawala sa aming isipan ang init ng panahon at kalam ng sikmura.
"Sandali lang ha." Diin ko sa kaniya.
"Tingin ka saken."
Tinigil niya ang kanyang paghahanap at lumingon sa aken. Agad kong kinuha sa aking bulsa ang isang puting panyo at ipinunas sa mga pawis sa kanyang noo. Pagkatapos kong mapunas iyon ay ini-abot ko sa kaniya ang panyo. Sa pag masid ko sa kaniya ay sumalubong ang isang gulat na Kieth. Maya maya'y ngumiti siya at nagsalita. Doon ko napansin ang kanyang matamis na ngiti, kasunod nito ay sambit ng pasasalamat ang namutawi sa kanyang mga labi.
"Salamat. Hehe. Nahihiya tuloy ako sa'yo."
"Ano ka ba, wala yun. J Personal na panyo ko naman yan kaya okay lang."
Muli ay di namin nadama ang init ng panahon at gumaan ang aming pakiramdam. Masaya. Nakakatuwa. Pareho kaming nakatingin sa isa't-isa at nakangiti. Sabay halakhak na parang bata. Maya'y tumahimik ulit ang paligid.
"Oh SM. SM. Yung mga SM dyan oh." Sigaw ng konduktor na nagtatakda sa aming kasalukuyang lugar.
Di naming pansin ang oras at biyahe. Andito na kami sa aming destinasyon. Magkasunod kaming bumaba at naglakbay patungo sa mall. Magka-akbay na tropa, at parehong may matamis na ngiti sa aming mga labi.
[Itutuloy]....

BINABASA MO ANG
Imperfect Infinity
Teen FictionA BoyXBoy story. Is the love for just friends? or something more than that?