Chapter V

11 1 0
                                    

Nauna akong pumasok sa mall at hinintay ko siya sapagkat ininspeksyon pa ng gwardya ang kanyang gamit. Pagkatapos tignan ay sabay kaming lumibot upang makahanap ng kakainan.

Malamig sa mall na iyon. Ang init ng panahon sa labas ay hindi mo madarama sa loob ng mall. Bumalot sa amin ang malamig na kondisyon na nagmula sa aircon ng gusaling iyon. Habang naglalakbay ay pansin naming ang iba't – ibang tao na naroon rin sa gusaling iyon. May mga estudyante mula sa iba't ibang institusyon, mga magulang kasama ang kanilang mga anak, mga trabahador, businessmen, at mga tambay. Lahat sila'y nilalasap ang presko na dala ng lamig. Tila'y hinihintay lumipas ang init na dala ng panahon.

Tahimik lang kami na naglalakad. Marami na kaming nadaanan na kainan at akyat baba kami sa mga palapag ng mall. Binasag ko ang katahimikan dahil na rin sa kalam ng tiyan.

"Uy Kieth, ano na?" sambit ko.

Lumingon siya sa akin at tila mukhang problemado.

"Sensya na. Di ko alam san kakain."

"Ay ganun ba? Ikaw ba? San mo gusto?" tanong ko sa kaniya.

"Ah eh. Kaw na lang. Fickle minded ako. Kung san ka dun na din ako." Kanyang balik at sabay ngiti sa akin.

"O sige. Sa KFC tayo ha?" aking sambit at sabay ngiti.

Tumango siya bilang pagsang-ayon sa aking hinuha. Hinawakan ko ang kanyang kamay at dali daling bumaba sa ikalawang palapag. Nagulat siya ngunit di na umimik. Siguro'y alam niya na nagmamadali na ako dahil na rin sa nais na mapunan ang sigaw ng aking kalamnan.

Nakarating kami sa aming paroroonan at saktong onti lang ang nasa pila. Agad ko siyang tinanong kung anong gusto niyang kainin.

"Isang Chicken Burger Steak na lang, tsaka Sprite ung drinks."

"O sige. Humanap ka na agad ng mauupuan natin." aking utos sa kaniya.

"O heto pambayad ko oh." kaniyang sambit.

"Maya na. Ako na bahala. Saka mo na sa akin i-abot ang bayad. Okay?"

"O'sige. Salamat"

Agad siyang naghanap ng aming uupuan at ako nama'y umorder na. Lumipas ang ilang minuto at akin ring natanggap ang aming pagsasaluhan. Naglakad ako kaonti at hinanap kung nasan man siya naroroon. Nagulat na lang ako ng may tumawag sa aking ngalan.

"Xavier! Dito!"

Lumingon ako at nakita siyang nakatayo sa kanyang kinauupuan. Ngumiti siya at sabay asar na ang bagal ko raw. Tong mokong na to, edi sana siya na lang bumili, biro ko sa aking isip. Sinenyasan ako na magmadali. Gutom na gutom na siguro tong iyakin na to.

Lumapit ako at nilapag ko na ang aming kakainin. Maganda ang pinili niyang pwesto. Well lit at ventilated ung napili niya. Ang aming inuupuan ay malambot, ung couch style na chair. Nakaharap kami sa isa't-isa. Sa isang gilid namin pumapagitna ang salamin kung saan mayroon kaming view ng mga tao na nasa labas ng mall. Napangiti na lang ako ng wala sa oras.

Sinimulan na namin ang pagtupad sa kalamnang nanaig na. Dahil sa nahihirapan ako mag-isip, Chicken Burger Steak na lang din ang aking binili, pero Coke ang inumin. Tinignan ko siya at ako'y nagulat. Paubos na ang binili niya pero heto ako't pa kalahati pa lang. Gutom na gutom na nga siguro to. Natatawa na lang ako at ito'y kanyang napansin. Agad siyang uminom at nagtanong. Ngumiti na lang ako at tinapos ko na rin ang aking pagkain. Namahinga kami ng mga tatlong minuto at sabay ring umalis.

Pagkalabas namin ay agad niya akong tinanong kung bat ako natawa.

"Ang takaw mo kasi. Gutom na gutom ka. Bakit?"

"Ikaw kaya hindi mag-almusal?"

"Haha. Oo nga pala no. Bakit ka pala nagmamadali kaninang umaga?"

"Basta. Sa akin na iyon. Wag kang makulit." Sabay tawa.

Napangiti kami pareho at tuloy ang kwentuhan. Binabaybay ang daan palabas. Lumabas na kami sa gusaling iyon at muling hinarap ang init ng panahon. Muli kami nagbitaw ng ngiti at nagpaalam. Naghiwalay na kami ng landas sapagkat may iba pa siyang patutunguhan, habang ako'y may klase pa ng mga oras na iyon. Bago magiba ng landas ay nagpalitan kami ng numero upang makontak ang isa't-isa.

Nagdaan ang oras at ako'y umuwi na rin. Mga bandang alas siyete ng makarating ako sa amin. Agad pumanhik sa kwarto't nagpalit at inatupag ang hapunan. Pagkatapos maghugas ng mga pinggan ay bumalik na rin ako sa aking silid upang magpahinga. Nakita kong umilaw ang aking selpon. May text akong natanggap at ito'y mula kay Kieth.

"Xavier! Salamat ulit! Kamusta?"

[Itutuloy]....


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Imperfect InfinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon