“Kieth?!”
Oo. Si Kieth nga. Yung lalaking nasa kabilang dulo na pinagmamasdan ko ay ngayo’y nasa aking harapan. Yung lalaking pinagmamasdan ko ay siya ring lalaki na nakabangaan ko kaninang umaga. Sobrang awkward ng sitwasyon. Ang ekspresyon niya na lungkot ay tila napalitin ng inis. Mga mata niya ay may nais idiin, tila may gustong sabihin. Ang hirap naman nito. Bigla bigla ba namang nasa harapan mo eh. Sinong di magugulat at mafrustate? Unti ako kumalma at akmang magsasalita ng biglang…
“Diba ikaw yung nakabangaan ko kaninang umaga??” Mga salita na lumabas sa kanyang bibig. Mga salita na may bakas ng pagkainis.
“Ah eh.. Uhm.. Oo. Ako nga iyon. Pasensya ulit.” Mga namutawi sa aking labi.
Uminit lalo ang panahon. Ang sitwasyong iyon ay nagdulot ng pawis sa aking mukha. Agad akong kumuha ng panyo at ipinunas sa aking sarili. Huminga ako ng malalim at sabay nanahimik. Mula sa pagtingin niya sa akin ay huminahon siya at umupo sa aking tabi. Tahimik ang paligid, tila wala akong naririnig. Kahit na kami’y napapaligiran ng mga dumadaang sasakyan, mga busina ng iba’t ibang behikulo at mga estudyante mula sa ibang paaralan. Muli ay tinignan ko siya, bumalik siya sa malungkot niyang estado. Tila may malalim na iniisip. Gusto ko malaman kung bakit kaya’t naglakas loob akong magtanong. Pinakalma ko ulit ang aking sarili at humugot ng hangin. Saba'y tanong:
“Bakit ka pala malungkot?”
Simpleng tanong para malaman ang bigat na nadarama niya. Tahimik pa rin siya. Ngunit ilang segundo ay huminga siya ng malalim at nagsalita.
“Di kasi ako nakapasok sa dalawang klase ko. Kainis. Ang higpit nung guwardya sa akin. Nawawala kasi sa akin ung school ID ko. Di ko maalala kung san ko naiwan. Nakakainis talaga. Hindi pedeng mawala yun”
Bakas sa mukha niya ang lungkot at bigat ng dinarama. Di ko mapigilang malungkot at maawa sa kaniya. Yumuko ako't nanahimik dahil di ko alam kung paano ako makakatulong sa kaniya. Maya maya't muli siyang tumingin sa akin at nag balik ng tanong:
“Oo nga pala, paano mo nalaman pangalan ko?”
Bigla akong nagising sa mga sinabi niya.
"School ID. Pangalan niya? Ang slow mo Xavier. :/ Nasa’yo nga pala ang ID niya. Ang tanga mo. Nabanggit mo pangalan niya dahil nga nasa'yo ang ID niya kaya mo alam. Ngayon matutulungan mo siya sa problema niya." sabi ng aking utak sa sarili. Voice over daw kumbaga.
“Ah oo nga pala. Shit. Ang tanga ko. Saglit lang ha.” sabi ko kay Kieth.
Agad kong binuksan ang aking bag at kinuha ang school ID niya. Medyo nagkagulo ung mga gamit ko sa loob kaya’t natagalan. Maya maya’y nakuha ko ito at sabay abot sa kaniya.
“Eto nga pala ung ID mo. Pasensya na at natagalan bago ko ma realize. Nahulog mo ito kanina nung nagkabangaan tayo. Tatawagin sana kita nun pero nagmamadali ka at nawala agad. Nagmamadali din ako ng mga oras na iyon kaya't di ko na muna pinansin.”
Hingi ko ng pasensya sa kaniya't sabay tungo dahil nahihiya.
Kinuha niya ang aking ini-abot at maya maya'y muling nanahimik ang paligid. Katahimikan na nakakabingi at nakakarindi. Di ko alam ang magiging reaksyon niya. Inaasahan ko na magagalit siya dahil sa akin ay hindi siya nakapasok sa kanyang klase. Dahil sa pagkawala ng ID niya ay kaya siya naging malungkot. Ngunit maya maya'y.
"Salamat"
Tama ba ung narinig ko? Salamat? Nagulat ako sa hindi inaasahang reaksyon na nanggaling sa kaniyang mga labi.
"Ha? Ano sabi mo?" Sambit ko.
Tumingin siya sakin na may ngiti sa kaniyang labi't sabay sabing
"Salamat. :)"
Ang init na bumalot ay unting nawala. Ang init ng tanghali ay unting napalitan nang kalma ng hangin. Tila’y pinapagaan ang loob namin at iniaangat ang mabigat na sensasyon kanina. Tinignan ko si Kieth at bakas ng ngiti ang umaaninag sa kaniyang mga labi. Parang isang bata na nakuha ang kanyang paboritong laruan mula sa bunutan. Masaya at punong puno ng galak. Maari mo na ring sabihin na tumama sa lotto, pero sigurado mas masaya siya kung ganoon.
Sa mga pangyayari na ito ay di ko namalayang napangiti din. Napakagaan sa loob na nagawa kong makatulong sa isang taong kamakailan ko lang nakilala. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Pinagmasdan ko siyang muli, at ngayo’y malapitan na. Ibang-iba ang aura na umaagos sa kaniya. Nakakahawa ang kanyang mga ngiti. Ang saya na naidulot ko sa kanya ay tunay. Sabay abot niya ng kanyang kanang kamay at sambit mula sa kanyang mga bibig.
“Salamat. Kieth nga pala. Kieth Dane Cabret. Ikaw? ”
*Handshakes*
“Xavier... Xavier John Juarez .”
[Chapter End]

BINABASA MO ANG
Imperfect Infinity
Teen FictionA BoyXBoy story. Is the love for just friends? or something more than that?