Imperfect Infinity

273 3 3
                                    

May mga bagay talaga na sadyang hindi para sa’yo, kahit na ilang beses mong inisip at naramdaman na ikaw ang mag mamay-ari nito. Hindi man natin akalain, ay siya pa lang nakatakda. Sa mundo na ginagalawan, paano mo masasabi na ang isang bagay ay sadyang inilaan para sa’yo?

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Haaaa….”

Alas siyete na ng umaga ng ako’y magising sa mahimbing kong pagtulog. Di ko pa rin mai-alis sa aking isipan ang pangalan niya. Di ko pa rin mabura ang sakit na nadarama. Isang taon na ang nakakalipas ng ako’y saktan niya at iwan na nag-iisa, sa isang tabi, habang sumasabay sa pagbuhos ng ulan ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata. Hindi parin malinawan ang aking isipan sa kung ano man ang dahilan, kung bakit ako’y na lugmok sa isang tabi, tulala sa kawalan.

“Xavier! Bumangon ka na dyan at kumain!”

Dahil sa malalim kong pag-iisip, di ko namalayan ang oras. Agad akong bumalikwas at dali-dali kong tinungo ang banyo upang ako’y makapag gayak.

Hi, ako nga pala si Xavier John Juarez. Labing walong taong gulang at naninirahan sa Paco, Manila. Ako ay kasalukuyang nasa ika-tatlong taon sa kolehiyo at kumukha ng kursong Bachelor of Science in Information Technology sa isang kilalang unibersidad dito sa siyudad. Sa edad kong ito, ako ay may taas na 5’6, kayumangging balat, at katamtamang pangangatawan. Ako ay nagmula sa dekalidad na pamilya. Ang aking ama ay isang enhinyero sa isang tanyag na kompanya sa Canada, habang ang aking ina ay nag-aasikaso ng kanyang maliit na negosyo. Ako ay pangalawa sa tatlong magkakapatid. Ang aking kuya ay kasalukuyang nagtratrabaho sa Japan bilang English teacher at ang bunso ay nasa ika-apat na taon sa high school. Ang buhay ko ay umiikot sa bahay at eskwela. Mataas ang hinahangad sa akin ng aking mga magulang palibhasa sila ay mga perfectionist.

Mag-aalas otso na ng ako’y umalis. Habang binabaybay ko ang daan ay siya pa rin ang aking iniisip. Di ko namalayan na sa malalim kong pag-iisip ay may nakabangaan ako.

*Baaag*

“Pasensya po. Hindi ko po napansin. Pasensya…”

Agad kong tinulungan na damputin ang mga nahulog naming gamit at inayos. Dali-dali ko naman siyang tinulungang makatayo at muli’y humingi ng pasensya sa aking nagawa. Bago ko pa man masabi ay naiwan akong tulala sa kanyang mabighaning ngiti. Ang buhok niyang magulo, ang labi niyang kay sarap halikan, at ang malalim niyang pag tingin. Tila’y isang angel kung tuturingin. Para akong istatwa nang mga oras na iyon. Bigla niyang inayos ang mga gamit at sabay alis. Minamasdan ko siya habang unti unting siyang lumayo. Kasabay ng kanyang paglayo ay aking napansin ang tila kakaibang gamit na nakasiksik sa aking libro. Kinuha ko ito at nalaman na ito pala ay kanyang school I.D.

“Kieth”

[Itutuloy]

Imperfect InfinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon