Chapter II

75 2 0
                                    

Chapter II

“Kieth”

“Kieth Dane Cabret”

Yan yung pangalan na nakalagay sa I.D. Aktong tatawagin ko siya ng mapansin kong wala na ito sa aking paningin. Di ko na binigyan ng pansin ito at dali daling umalis dahil trapik ang byahe.

Kalahating oras pa bago mag simula ang klase ng ako’y makarating sa aming campus. Dali kong hinanap ang silid na aking paglalagian sa oras na iyon. Kita ko ang mga dati kong kamag-aral na naglalakad sa hallway at nakikipag kamustahan. Simpleng ngiti lang ang iniabot ko sa kanila at dumiretso na sa silid. Agad kong inupuan ang sa may bandang sulok, malapit sa bintana.

First day nun at kadalasang eksena ay maagang mag dismiss ang professor at mga introductions para sa mga bagong kaklase. Habang nag hihintay ay aking kinuha ang earphones ko at nagpatugtog. Hindi na ako pumili ng kanta at agad pinindot ang play button. Kasabay nito ay pagkuha ng notebook, hobby ko kasi mag drawing. Hindi kasi ako magaling mag express gamit ang mga salita, sa halip ay dinadaan ko sa mga imahe, sa mga larawan na nililikha ko. Tahimik lang ako sa klase. Nakikinig ako pero di ganun kaaktibo sa mga aktibidad na kanilang ipinapagawa. Mas pinili ko na lang magpatugtog sa isang tabi habang hinihintay ang paglipas ng kamay ng orasan.

*Tumingin sa relo. 11:43 a.m.*

Napasilip ako sa bintana, at tinignan ang aming campus. Maganda ang panahon, tama lang ang init, hindi masakit sa katawan o pakiramdam. Makikita mo rin ang mga ibon na nag liliparan sa bawat puno. Mga studyante na naglalakd sa mga hallway at naghahanap ng mga bagong kaibigan.

Di ko namalayan na ako na lang pala natira sa klase. Mukhang tinamad pumasok ang aming professor.  Lakas ko talaga mag daydream. Mag Alas-dose na pala. Dali dali akong tumayo at lumabas ng campus.  Dala na rin ng gutom ay naghanap na ako ng makakainan. Dinalaw ko ang mga kadalasan kong puntahan ngunit ang mga ito ay puno. Hindi ko na kinaya ang kulob ng tiyan at nag-lakad patungo sa waiting shed. Doon ay umupo at naghintay ng masasakyan patungo sa pinakamalapit na mall.

Habang nag hihintay ay napansin ko ang isang studyante sa kabilang dulo ng aking kinauupuan. Umiiyak. Malungkot. Mukang problemado. Tipong sobrang bigat ng dinadala. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Tantya ko ay kasing edaran ko lang ito. Maitim at manipis na buhok.  Mga nasa 5’3 ang taas.

Hindi ko mawari kung bakit ako’y naiwang nakatitig sa kanya. Wala akong ideya ngunit gusto ko siyang lapitan upang kausapin. Naiwan ako sa ganitong estado ng bigla siyang napalingon sa akin.

Agad agad akong lumingon palayo at tila’y napahiya. Bakit ko nga ba siya tinititigan? Ano bang meron? Namumula ako sa hiya dahil hindi ko alam paano ipapaliwanag ang aking sarili sa kanya. Gulong gulo ako. Naisipan ko na lang manahimik saglit at tumungo. Iniisip ang susunod kong gagawin.

Makalipas ang ilang segundo ay naisipan kong lumingon. Ang lakas ng kabog sa dibdib ko. Tila mga tambol na nagsisitunugan. Huminga akong malalim at pinakalma ang sarili. Napag desisyunan kong makasakay na agad upang maka-iwas. Oo. Ganun na nga. Para makaiwas. Sa aking paglingon ay muling kumabog ang aking dibdib. Para akong istatwa sa nangyari. Sino mag-aakala? Sino makakaisip na ganun ang gagawin niya? Kahit ako’y di inakala na ganun ang ikikilos niya.

“K.. Ki… Kieth?!”

Imperfect InfinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon