"AAAAHHHH!!!!" sigaw ko ng pagkalakas-lakas ng maramdaman ko ang pambihirang sakit sa buong katawan ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko.
"AAARRRRGGGHH!!" Sigaw kong muli ng maramdaman ko ang panibagong sakit.
Nasa kalagitnaan ako ngayon ng gubat na hindi ko alam kung saang lugar ito. Ang tanging alam ko lang ay ang hindi ko pa napupuntahan ang lugar na ito. Hindi ako pamilyar sa paligid.
Nakatayo lamang ako sa hugis bilog na clearing sa kalagitnaan ng gubat. Mataaas ang sikat ng araw. Naglalakihan,nagkakapalan at nagtataasan na mga puno ang nakapaligid sa akin, nababalutan naman ng kulay berde at makapal na damo ang lupain ng bahaging ito.
Tanging ako lang ang naririto, walang mga kabahayan sa paligid, pati hayop ay wala kang makikita. Sadyang tanging ako lang ang naririto. Kahit mga huni ng mga ibon o kaya naman tunog ng mga insekto ay wala kang maririnig.
Hindi ko alam kung paano ako napadpad dito. Tanging naalala ko lang ay ang pakikipagkilala ko kay Robert. Sa pagdilat ng mata ko, agad na akong narito sa lugar na tila ba may malaking parte sa buhay ko. Nakakasilaw ang sikat ng araw pero ang nakakapagtaka ay kung bakit wala akong nararamdamang init sa aking balat gayong sobrang tirik na tirik ang araw at walang hangin akong nararamdaman.
"AAAAAHHHHH!!!!!" sigaw ko ng magsimula muling dumaloy ang pambihirang sakit sa buo kong katawan.
"TULONG! TULONG!" sigaw ko kahit alam kong wala akong mahihingan ng tulong. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ko pa naramdaman ang ganitong klase ng sakit sa katawan.
"AARRRRGGHHH!" sigaw ko ulit ng maramdaman ko ang panibagong sakit, sa oras na ito ay doble ang sakit. "AHHH!!" sigaw ko ng maramdaman ko ang matinding sakit sa ulo ko, inilagay ko na ang mga kamay ko sa magkabilang gilid ng ulo ko upang maibsan ang sakit na nararamdaman ko ngunit walang nangyayari. Patuloy parin ang pambihirang sakit sa buong katawan at ulo ko.
Napaluhod na ako sa damuhan dahil sa sakit na aking nararamdaman. Nagsimula na ring pumatak ang aking mga luha dahil hindi ko na kaya ang sakit.
"AAAAAHHHH!!!" sigaw ko ng panibagong sakit ang dumaloy sa katawan ko papunta sa ulo ko. Patuloy lang ako sa pagluha habang hawak ko ang magkabilang gilid ng ulo ko.
"TAMA NAAAA!!!!" sigaw ko, naramdaman ko namang nagsimulang manginig ang buong katawan ko. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak, habang nanginginig ang buo kong katawan dahil sa pambihirang sakit.
Isang sigaw ulit ang aking pinakawalan ng maramdaman kong parang pinupunit ang aking mga laman at balat. Narinig ko ring naglalagutukan ang aking mga buto at pambihirang sakit ang katumbas nito. Naramdaman ko namang nagsimulang mabali ang aking mga buto dahilan upang ako ay sumigaw muli.
Patuloy lang ako sa pagsigaw at pag-iyak. Naramdaman ko namang ang pakiramdam na hinahatak ang aking mga laman at balat. Tila goma ang aking mga laman sa aking katawan dahil sa nararamdaman kong pagkakahatak ng mga ito. Nakita ko namang napupunit na ang mga suot kong damit.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Bakit? Ano itong nangyayari? Anong ibig sabihin nito. Ilan lang yan sa mga katanungan na umiikot sa aking isipan.
"AAAAAHHHHH!!!!" isang malakas na sigaw ang aking pinakawalan ng maramdaman ko ang sobrang sakit at napahiga na lamang ako sa damuhan at nawalan ng malay. Ilang saglit lang ay iminulat ko na ang aking mga mata at pinagmasdan ko ang aking paligid. Nasa kalagitnaan parin ako ng kagubatan. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at pinagmasdan ang paligid, nahinto ang aking pagmamasid sa isang lugar ng mapansin ko sa di kalayuan ang isang napakalaking puting aso. Sobrang laki at sobrang puti ng aso ngunit may bahid at kahalong matapang na kulay pula ang balahibo ng aso. Nakakapagtaka dahil kahit kailan ay wala akong nakikitang aso na may balahibong kulay pula.

BINABASA MO ANG
The Prophecy
VampireProphecy says, there is child that will be given birth by a mortal. But this child had a Four souls. Three souls of immortal being and one soul of mortal. Also, prophecy says that this child is the most powerful creature in the world. What will yo...