"Dear Diary,
For over a centuries, I have lived in secrets. Hiding in the shadows. Alone in the world. Until now.I am a Vampire. And this is my story.
-STEFAN (thevampirediaries)"
-----------------------------------------
Nasa kalagitnaan na ng pagdidiscuss ang prof namin about sa mga pag-aaralan namin buong school year sa a.p. Ang topic namin for the first quarter ay ang history ng bayan namin, which is the "MYTHIC HILLS".
Pag-aaralan namin kung kailan itinatag, sino ang nagtatag, mga importanteng pangyayari sa lugar, mga di malilimutang kasaysayan.
Paano ito nabuo bilang isang bayan. Paano pinagyaman ng mga tao ang bayang ito. Ilan lang yan sa mga sinabi ni prof na pag-aaralan namin.Pero may isang bagay na mas naging interesado ako. Ito ay ang mga kwentong bayan, alamat, at di-pa napapatunayang kwento sa bayan ng MYTHIC HILLS. Ilan na dito ay ang mga nilalang na alam kong sa mga libro,alamat,kwento,pelikula, at palabas lang makikita, ito ay ang BAMPIRA, MANGKUKULAM, AT TAONG-LOBO. Sinabi din ni prof na mayroong matinding digmaan na naganap sa pagitan ng tatlong uri ng nilalang na ito. Kasama din umano ang mga mortal na tao sa sinasabing digmaan.
Ayon din kay Prof, pag-aaralan din namin ang sabi-sabing dahilan kung bakit matalik na magkaaway ang tatlong nilalang na ito.
Dahil sa mga yan, maraming bagay at katanungan ang umiikot sa aking isipan. Isa na sa mga ito yung panaginip ko tungkol sa dalawang nilalang na humahabol sakin, na sa palagay ko ay mga bampira. Isa pa ay ang pagkapadpad ko sa kagubatan at makakita ng lobo.
May ibig sabihin ba ang mga iyon????? Bakit ko nararanasan ang mga ito? May kinalaman ba yun sa kasaysayan ng Mythic Hills, o coincidence lang ba ang mga ito at wala itong kinalaman sa kasaysayan.
Bumalik lamang ako sa reyalidad ng bumukas ang pintuan ng room at pumasok ang dalawang lalaki. Isa na dito si Robert, marahil kaibigan niya yung kasama niya.
Nakatayo sila sa pintuan, at inilibot nila ang kanilang mga mata sa buong room na wari bang may hinahanap sila. Nakatitig lamang ako sa kanilang dalawa, pero ang utak ko ay nakatuon kay Robert. Nahinto ang paghahanap ni Robert ng mapadpad ang kanyang mga mata sakin.
Kasalukuyan kaming magkatitigan, nakita kong nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Robert, ekspresyon na gulat na gulat at di-makapaniwala.
Naputol lang ang aming titigan ng magsalita na ang Prof na silang dalawa ay umupo na.
Mabilis natapos ang discussion ng prof namin tungkol sa bayan namin which is some introduction na kalahati lang ang pumasok sa isipan ko. Simula kasi nung dumating sina Robert at Vincent (ung guy na kasama niya, na kaibigan niya) ay hindi na ako nakapagpokus sa pakikinig sa prof namin. Ewan ko ba kung bakit pakiramdam ko ay pareho silang nakatingin sakin. Isang beses ko silang tiningnan sa lugar nila at nakita ko silang nakatingin sakin. Matagal ko din silang tinitigan pero hindi sila natinag sa pagtingin sakin. Ako na lang ang nag-iwas ng tingin dahil di ko kayang makipagtitigan sa kanilang dalawa, hindi pala sa kanilang dalawa, kay Robert lang pala ako nakatingin.
Isang rason pa kung bakit ako hindi mapakali habang nagdidiscuss si Prof ay dahil kila David at Exian. Sila yung dalawang lalaking titig ng titig sakin kanina sa lab at kasama ni Daniel sa c.r. Nakatingin parin sila sakin hanggang ngayon na hindi ko alam kung bakit. Matangkad silang dalawa at malaki ang kanilang pangangatawan na tila ba araw-araw silang naggi-gym. May kagwapuhan din sila pero nakakatakot talaga sila dahil mga tingin nila at may kakaiba sa aura nila. Sobrang puti din ng kanilang balat tulad ng kay Daniel.

BINABASA MO ANG
The Prophecy
VampiriProphecy says, there is child that will be given birth by a mortal. But this child had a Four souls. Three souls of immortal being and one soul of mortal. Also, prophecy says that this child is the most powerful creature in the world. What will yo...