Chapter 2

380 12 1
                                    

"TULONG, TULONG" sigaw ko ng pagkalakas-lakas habang mabilis na tumatakbo dito sa madilim at malawak na kagubatan. Hindi ko pa napupungahan itong lugar na ito.

Patuloy lang ako sa pagtakbo sa masukal at napakadilim na kagubatan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung nasaang parte na ako ng kagubatan. Patuloy lang ako sa pagtakbo, lumingon ako sa aking likuran at nakita kong hinahabol pa rin ako ng dalawang hindi pangkaraniwang nilalang na dahilan ng aking pagtakbo.

Halos kalahating oras na din akong tumatakbo. Pagod na ako, basang-basa na ang buong katawan ko ng sarili kong pawis. Pagod na pagod na ako sa pagtakbo. Pero kailangan kong tumakbo para makaligtas ako sa dalawanv nilalang na humahabol sa akin.

Ang naaalala ko lang, tapos na kaming maghapunan ni Mama. Tapos umakyat na ako upang matulog pero hindi pa ako nakakatagal sa aking pagkakatulog. Bigla na lang narinig kong nabasag yung salamin ng aking bintana. Agad akong nagmulat ng mata at nakita kong may dalawang lalakeng nakatayo. Pero hindi ko makita ang kanilang mukha.

Agad akong tumayo at dinampot kung ano man ang nadampot ko. Hinawakan ko yung vase na nadampot ko ng dalawang kong kamay at iniharang ito sa harapan ko upang protekhan yung sarili ko.

Umatras ako, umabante naman silang dalawa at nakita ko ang kanilang mga mukha. Sobrang puti ng kanilang balat, at napakaitim ng kanilang mga mata, at may mga maiitim na ugat na nakapalibot sa kanilang mata.

Nakatingin sila sakin, nagsimula ng manginig ang buo kong katawan. Pinagpapawisan na din ako sa kaba at nerbiyos na nararamdaman ko. Bigla kong naisip si mama, ano kaya yung lagay niya. Sinaktan kaya siya, sila lang bang dalawa ang narito o madami sila. Ano ang pakay nila sakin. Yang ang mga tanong sa isip ko.

Tinitigan ko silang dalawa at ganon parin ang mga mukha nila. Nanlilisik ang mga tingin nila sakin.

"TULONG" sigaw ko, pero bigla silang umabante at bumukas ang kanilang kanina pang nakasaradong bibig. Napako ako sa kinatatayuan ko at parang biglang naging semento ang buong katawan ko dahil sa aking nakita. May dalawang matulis na bagay sa magkabilang gilid ng kanilang bibig. At alam ko kung ano iyon, PANGIL.

Mas lalong nag-itim ang kanilang mga mata pati na rin ang mga ugat na nakapalibot dito. Isang bagay lang ang naisip ko kung ano sila, BAMPIRA. Pero paano, paanong nangyari yon. Hindi sila totoo, tanging sa mga kwento lang sila nabubuhay.

Umabante ulit sila at nasa harap ko na sila. Itinaas ko ang vase na hawak ko. Iniwasiwas ko ito upang hindi sila makalapit pa pero hindi sila natinag at lumapit pa.

"TULONG" sigaw ko, at umakyat ako sa kama. Tumalon ako sa kabilang gilid ng kama. Nasa kabilang gilid sila. Nagtingin silang dalawa at biglang humarap sakin. Bigla silang tumalon sa lugar ko at tanging nagawa ko lang ay ang ihampas ang hawak kong vase sa ulo ng isa sa kanila. Nabasag ang vase sa lakas ng hampas ko. Bumagsak naman ang bampira na hinampas ko.

Bigla akong tumakbo para tumakas pero nahawakan ako ng isa sa balikat ko at ibinalandra ako sa kama. Sumubsob ako sa kama ng pagkalakas-lakas. Tumihaya ako at biglang tumalon ang bampira sa ibabaw ko at sinakal ako. Hindi ako makahinga pero hindi ko gustong mamatay sa palad nila. Marami pa akong pangarap. Marami pa akong plano sa buhay namin ni Mama.

Naalala ko bigla si mama. Hindi, hindi ako pwedeng mamatay. Walang mag-aalaga kay mama. Patuloy lang sa pagsakal sa akin ang bampira at mas hinigpitan pa niya ang sakal niya sa leeg ko.

Hindi ako makahinga pero sinipa ko ng malakas ang maselang parte niya dahilan upang bumagsak siya sa kama. Napa-ubo ako dahil sa biglaang haning na pumasok sa lalamunan ko papuntasa baga ko.

Tumayo ako kaagad at tumakbo sa pintuan pero hinawakang ng isang bampira ang binti dahilan upang bumagsak ako. Sinipa ko ang mukha niya at nabitawan ako. Agad akong tumayo at lumabas ng pintuan pero pagkalabas ko ng kuwarto ko. Bigla na lamang akong nasa isang madilim at masukal na gubat na tinatakbuhan ko ngayon.

Napakadilim ng gubat, ang lalaki at lalabong ng mga puno, tanging ang napakalaking bilog na buwan lamang ang nagbibigay liwanag sa kagubatan. Tanging tunog lamang ng mga dahon ng puno at iba't-ibang huni ng insekto at ibon ang maririnig mo. Wala akong makitang ilaw ng mga kabahayan, sobrang dilim.

Bigla akong napalingon sa likod ko dahil may biglaang tunog ng paggalaw akong narinig. Nakita ko ang dalawang bampira na nakatayo at nanlilisik na nakatingin sakin.

Lumingon na ako sa likod upang tumakbo dahilan upang tumakbo at habulin ako ng dalawang bampira. Takbo lang ako ng takbo. Wlang distinasyon na tinatahak dahil hindi ko alam ang lugar ng gubat na ito. Patuloy lang sila sa paghabol sa sakin.

Pagod na pagod na ako, wala akong maiingan ng tulong. Hjndi ko na alam ang gagawin ko. Ano ang lagay ni mama. Okay lang ba siya, nasa mabuti ba siyang kalagayan. Paano kung may ibang bampira na umatake sa kanya. Paano kung wala na siya. Bigla na lang bumuhos ang mga luha ko dahil sa isipan na iyon.

Patuloy lang ako sa pagtakbo. Pero nahinto ako sa aking pagtakbo at parang tinakasan na ako ng arili kong kalukuwa dahil sa kamalasan ko. Isang kweba ang nasa harapan ko. Wala na din akong mapupuntahan sa magkabilang gilid ko. Lumingon ako sa likuran ko at malapit na ang dalawang bampira sakin.

Hindi ko alam kung papasok ako sa kweba dahil naiisip ko na baka may ibang nilalang sa loob. Pero pumasok parin ako, pagpasok ko, wala akong naapakan at bigla na lang akong nahulog.

"AHHHHHHHH" sigaw ko habang nahuhulog ako sa loob ng napadilim na kweba. Nakapikit ang dalawang kong mga mata dahil sa takot na aking nararamdaman.

"TUUUUULLLLOOOOOONNNNGGGG" sigaw ko ulit at bigla kong minulat ang aking mga mata. At si mama ang bumungad sa akin na may pag-aalala sa kanyang mukha. Bigla kong niyakap si mama habang nanginginig ang buo kong katawan. Sobrang basa ang buong katawan ko ng aking pawis.

Mahigpit ang yakap ko kay mama. At niyakap na rin ako ni mama

"Damian, okay ka lang ba. Anong napaginipan mo" nag-aalalang tanong sa akin ni mama habang hinahagod ng kamay niya ang aking likuran upang pakalmahin ako. Hindi ako sumagot bagkus mas hinigpitan ko pa ang yakap ko.

"Damian" sabi ni mama at inilayo niya na ako sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Anong napaginipan mo" tanong ni mama

"M-may hu-humahabol po sakin" ang nauutal kong sabi "Na g-gusto akong patayin"

Nakita ko naman na nabigla si mama pero bigla ring nawala.

"Okay ka lang ba"

"Opo" sagot ko

"Namukhaan mo ba yung gustong pumatay sayo" tanong sakin ni mama

"Opo pero hindi sila tao mama" sagot ko habang nakatingin kay mama

"Anong ibig mong sabihin"

" Bampira sila" sagot ko at nakita kong nabigla at natakot si mama dahil sa sinabi ko. Natulala si mama

"MA" sabi ko"Ma, okay ka lang" yugyog ko kay mama. At bigla namang natauhan si Mama. Tumayo si mama mula sa pagkaka-upo sa kama ko at hinawakan ang balikat ko.

"Dam, matulog kana, bangungot lanv iyon. Hindi magkakatotoo. At isa pa alam mo namang hindi nangyayare ang panaginip diba" sabi ni mama at tanging tango lanag ng ulo ko ang naisagot ko.

"Matulog kana" lumabas na si mama ng kwarto ko at pumunta muna ako sa c.r ng kwarto ko upang ayusin ang sarili ko. Umihi muna ako, at pagkatapos naghugas ng kamay. Tumingin ako sa salamin at nakita kong may marka sa leeg ko na umiilaw. Kumurap ako at nakita kong wala naman na yung marka.

Epekto siguro ng panaginip ko kung bakit ano-ano na lang yung naiisip ng utak ko. Bumalik na ako sa kama at natulog na.

.....................

Hello guyz!!! Sa wakas natranslate ko na tong chapter na ito sa tagalog. Kasi sirsly, full english itong story na ito. May 16 chapters na nga ehh. Kaso naisip kong gawin na lang tagalog. Kaya ayun ginagawa kong tagalong every chapter.....

Votes,Favorite, Comments are highlu appreciated. Thanks in advance guyz!!!!!

The ProphecyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon