CHAPTER THREE

8 3 0
                                    


Xave isn't talking to me like he used to three days after I said those words. Binabati pa din naman niya ako every morning. Inaasar at ginugulo paminsan- minsan pero hindi na katulad ng dati na kahit maging sa pag-uwi ay dala-dala ko ang pang-aasar niya. I think it's a good idea for him to distance himself from me. He finally did something correctly at last! Maybe he just loves the idea of me and does not totally mean it. And those words I said to him woke him up. 


 Lumabas ako ng room dahil free time namin ngayon. Ang boring kasi, wala akong ka-close o kahit kaibigan man lang doon. Sa halos labing-pitong taon ko dito sa mundo, bilang lang sa daliri ko ang mga naging kaibigan ko. Pakiramdam ko ay may problema ako in terms of socializing. Only Xave has the courage to talk to me.

 Umupo ako sa bench na halos kaharap lang ng room namin. It has a mango tree at the center, kaya hindi masyadong mainit. Madalas ay tinatamabayan ito ng mga lalaki kong kaklase pero dahil busy sila maglaro sa cellphones nila ay nagsisiksikan sila sa dulo ng classroom namin.

 Binuksan ko ang librong dala-dala ko at binasa ito. Kaagad ko din naman itong isinarado dahil walang pumapasok sa utak ko at wala akong maintindihan kahit isa. Maging ang mga bida dito ay hindi ko magawang kabisaduhin. Napabuntong-hininga nalang ako at tumingin sa ulap.

 'The life I have is too boring.' 

 Nakakaiyak.

 "Nag-eemote ka ba?" 

 Agad akong napalingon sakanya. I pouted my lips even though I don't usually do it, especially to someone I am not close to. Umupo siya sa tabi ko kaya umusog ako. 

 He laughed. "Nakaka-miss ka din pala , noh?", tumawa siya saglit. "I seriously missed talking to you,  Astral." ,mahinang sambit niya pero diretso lang ang tingin nito sa mga taong dumadaan. 

I smiled. "I also missed talking to you."

 Agad siyang napalingon sa akin na parang napaka-imposibleng sabihin ko ang mga salitang iyon.

 'Should I not have said that?'

 Hinawakan niya ang magkabila niyang pisngi bago tumingin ulit sa akin. Hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi. "Don't put any other meaning to that , Xave. Na-miss kitang kaaway. Yun lang yun!", dagdag ko. 

But the smile on his face never fades. 

 "Still, The fact that you said you missed me makes my heart flutter. Alam na alam mo talaga kung paano ako pakiligin!" ,he giggled. Napailing na lamang ako. Sandali kaming natahimik. 

I stared at him for a minute nang bigla siyang lumingon sa akin. "Do you like me?" ,I asked him. He was caught off -guard. Hindi siya nakapagsalita agad.

 Xave is not easy to read. Hindi mo alam kung gusto ka niya romantically or trip ka lang niya asarin o maging kaibigan. He teases me, he teases others. He cares about me and also others. He smiles at me and also at everyone else. His feelings might be misunderstood by someone because of the way he treat others. 

 He bit his lower lip and smiled. "If I say I like you, you'll distance yourself from me and, at worst, ignore me forever but if I say I don't like you, you'll be devastated, and I don't want you to cry since your tears are so expensive. Mukha ka pa namang  mamahalin!" Natawa ako sa sagot niya.

 'Hindi ba't parang masyadong mahaba iyon para sa tanong ko?'

 "Fine , wala naman talaga akong pakialam kung sagutin mo yun or hindi. Curious lang ako the way you treat me. But if I were you, don't fall in love with someone like me." ,seryoso kong sambit dito. I saw how serious his face got after he heard what I said. Tumango-tango siya sa akin.

 "Ikaw ba?" 

 "Huh?" ,nagtatakang tanong ko.

 He stared at me. "Do you like me?"

 Mahina akong natawa dahil sa tanong niya. "You're too dangerous for me." I simply answered. 

 ----- 

Matapos ang pag-uusap naming iyon ay mas gumaan ang pakiramdam ko sakanya. I learned to understand his jokes and the way he treated me. We are slowly becoming friends.

"Ate , I don't want this!" , napalingon ako sa nakababata kong kapatid habang pilit na tinatanggal ang spider man t-shirt na idinamit ko sakanya. He's chubby kaya naman medyo nahihirapan siyang tanggalin ang damit niya mag-isa.

 Natawa ako. "Come here , Aino! Ate will take it off!" ,utos ko dito. Tumakbo naman ito palapit sa akin. Muntikan na ngang madapa , buti nalang ay nasalo ko siya kaagad.

 'Ang kulit talaga kahit kailan!'

Hinubad ko ang damit niya at pinapili siya ng gusto niya. "I want Batman shirt , Ate! Blue!" Tumango ako sakanya at ngumiti.


Tumayo ako at hinanap sa cabinet niya kung ano yung sinasabi niya sa akin pero wala akong makitang kulay blue na Batman. "Aino , Batman is color black not blue!" ,pasigaw kong sambit dahil nasa kama siya at medyo malayo sa akin.

 "Huh?" ,rinig kong sabi niya. "Black Batman!" , biglang sigaw nito at tumakbo na naman palapit sa akin. Kinuha ko yung kulay black na batman t-shirt at ipinakita sakanya. 

 "You want this?" ,tanong ko dito. Ngumiti naman ito at tumango. I pinched his cheeks. Sinuot ko ito sakanya pagkatapos ay inamoy-amoy ko siya bago yakapin nang mahigpit.

 "Aaah, I can't breath , Ate!", nahihirapang sambit niya kaya naman natatawa ko siyang pinakawalan.

 "Kiss Ate, Aino! Dali na!" Nakanguso siyang lumapit sakin at hinalikan ako sa magkabila kong pisngi. "Five more ,please?" ,I said with a pleasing eyes. Parang robot naman siyang sumunod sa akin.

 "One *tsup* , two *tsup* , three *tsup* , four *tsup* ... and five *tsuuup* mwuah!" ,nakangiti siyang humarap sa akin bago pinusan ang aking pisngi gamit ng maliit niyang mga kamay. Ngumiti ako sakanya.

 I stayed silent for a while and smiled at him. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin.

 "Please, Aino, adore Mommy as much as you do now. If she's tired or depressed, give her kisses. When she's scared or lonely, hug her. Always make her feel special.  Do you get what I mean?" He looked at me so confused. 

 I tried to put a smile. 'Why am I even doing this? He's just three years old. He doesn't know anything yet.' 

 I patted his head and kissed his forehead. "I'm sorry , Aino. I should also be the one doing that and not just you." I whispered and hugged him.

*-*

RAINDROPS FALLWhere stories live. Discover now