"May iba ka pa bang pupuntahan pagkatapos nito?" ,tanong ko kay Lia. Kasalukuyan kaming nasa grocery store upang mamili ng pagkain nila. Hindi siya kumuha ng cart dahil konti lang naman daw ang bibilhin niya dahil dalawa lang naman sila ng nakakabatang kapatid niya. But I inisist, I told her na pag yumaman siya ay saka niya ako bayaran.
Humarap siya sa akin at inilagay ang limang pancit canton sa cart na dala-dala ko. Marami na din naman ang pagkaing nakalagay dito. "Uuwi na din agad ako. Worth of ilan ba ipapahiram mo sakin? Ayos na yung 1,000 lang, Astral!"
"If that's what you need, pero pwede mo naman dagdagan. Don't worry, I'm using my own money here. Hindi toh malalaman ng parents ko" ,pagsisigurado ko sakanya. Hindi naman kami gaano kayaman pero sobra-sobra ang binibigay na allowance sakin ng parents ko. Tinapik niya lang ako at sabay na kami pumunta sa counter. Kagaya ng sinabi niya kanina, almost 1,000 lang ang nagastos namin.
"Don't worry, I'll pay you sooner. Medyo gipit pa kasi ako ngayon ih!" Kanina pa siya huminhingi sa akin ng sorry kesyo baka isipin ko daw na she just friended me because of benefits. Hindi naman ako ganun mag-isip. And I know, hindi siya ganung tao. If ever she betrays me, then so be it. I guess it's life.
At least now I know how it feels to have a friend.
Umalis na kami sa grocery store at bumalik sa school. Iyon kasi ang sinabi ko sa driver namin na may gagawin kaming school project kaya doon niya nalang ako ihatid at sunduin.
"Mauna na ako, Astral. Hindi na ako sayo sasabay kung sakaling pasabayin mo ako. Nakakahiya na sobra tong ginagawa ko!" Natawa siya.
Siniko ko siya nang mahina. "It's okay, Lia. Atleast I had fun today! Thanks to you!" She hugged me before waving goodbye.
"Take care! I'll just message you once I come home!" ,sigaw nito pero naglalakad na siya palayo. I just smiled. It feels good to have a friend.
I messaged my driver that I'd be waiting for him at the first gate of our school. Alas-kuwatro palang ng hapon pero medyo madilim na agad. Tumabi ako at sumandal sa may poste. Pinapanood ang mga taong dumadaan habang hinihintay ang sundo ko. Siguro ay mga sampong minuto ay nandito na rin iyon. Medyo malayo din kasi ang bahay namin sa school na pinapasukan ko.
I yawned because I was feeling sleepy already. Pero hindi ko naman magawang ipikit ang mga mata ko kahit sobrang antok na ako.
"You seem tired. Nag-enjoy ka ata masyado."
Napatingin ako sakanya at umayos ng tayo. Tumabi siya sa akin at kapwa kaming tumingin sa kalsada. "Inaantok na ako." ,maikling sagot ko. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "How's your day?" Ako naman ang nagtanong sakanya.
"It's good since you're here with me." I chuckled. Nasasanay na lang talaga ako sa mga banat at biro niya. He looked at me but looked away immediately. "Kidding aside, nakakapagod din. Buong araw ay nag-assist kami sa mga athletes since malapit na ang Palarong Panlalawigan. Takbo doon, takbo dito. Nakakapagod. Buti na lang at hindi ka nanalo last election sa SSG dahil mapapagod ka lang."
Natawa ako sa kwento niya. I remembered that time. Wala naman kasi talaga akong balak sumali pero ninominate ako nung isang babae na hindi ko naman kilala. Wala tuloy akong choice kung hindi ipagpatuloy yun.
"Yeah you're right! Kahit hindi naman ako SSG ay nakakapagod pa din maging students."
Tumango-tango siya. "Well, that's the life of a dreamer. Hindi ka naman mapapagod kung hindi ka nangangarap, Astral." I smiled when he said my name. I don't know, I just love it when someone calls my name.
"You're so serious."
He laughed and looked at me. "Yeah, I am, but there's someone who thinks I am always kidding. Any tips para seryosohin naman niya ako?" He put both his hands in his pocket while waiting for my reply.
I just shrugged my shoulders. "I don't know since we think the same way."
He let out a sighed. "Whatever, Astral! Wala pa ba yung sundo mo? Gusto ko na din kasi umuwi."
Nagtataka ko naman siyang tiningnan. "Sasabay ka ba sakin pauwi? Hindi ko alam address mo but you can tell my driver, Xave! You should have said earlier! I thought you're just here to annoy me."
Bigla naman itong tumawa. I squinted my eyes while looking at him. 'May mali ba sa sinabi ko o weird lang talaga ang lalaking ito paminsan-minsan?'
He stopped laughing when he saw that I was already getting angry. "Hindi ako sasabay. I am actually also waiting for my driver. Hinihintay lang talaga kitang makasakay sa kotse niyo para malaman kong nasa maayos ka. But thanks for inviting me to join you for a ride. Very much appreciated!" Hindi pa rin mawala ang ang ngisi sa kanyang labi.
Malay ko ba na may hinihintay din pala siya? As if we're close and I already know everything about him. This was the first time I had caught up with him while I was waiting for my pick-up.
She patted my head kaya naman nagulat ako. "Andyan na ata yung sundo mo. Kanina pa tayo pinagmamasadan nung manong driver ih!" Sabay nguso niya sa driver namin. Agad akong kumaway sa sundo ko at ngumiti. Matanda na ito siguro ay mga nasa mid-50 s na din. My parents can't let him retire yet because they trusted him so much, although the oldness in my driver's face is already evident. Even his wife is also working for us ever since I was just a two year old kid. They were like me and Aino's second parents, or more like grandparents, whenever our parents were too busy because of their work.
Humarap ako kay Xave na nakaayos na din ng tayo at mukhang aalis na din. "Mauna na ako. Salamat sa pagsama sakin sa paghintay ng sundo ko. Very much appreciated." May pagkasarkastikong sabi ko bilang ganti sa pagtawa niya sa akin kanina.
Tumango siya ng nakangiti. " No worries, Astral. Tell your parents that once your driver retires, they should hire me. So I can always look for you."
Ngumiwi ako.
"My parents don't want me to die yet, Xave." Maikling sagot ko atsaka na siya tinalikuran. Narinig ko pa ang pagtawa niya pero hindi na ako lumingon pa.
This day has been great for me.
*_*

YOU ARE READING
RAINDROPS FALL
Teen FictionAstral Zacera used to think that Xavier Vinares was the storm that she didn't want to let in, no matter what. But little did she know, she was the torrential rainfall that would destroy the man's harmonious life.