Chapter 5

33 8 0
                                    

Chapter 5



“A-ANO ‘TO?!” Pakiramdam ko ay malapit na akong maiyak.

Mas lumapit pa si Andrix sa akin kaya napaatras ako. Seryoso talaga ang mga mata niya habang titig na titig sa mukha ko. Oh, god, precious! Seryoso ba siya? Seseryosohin niya na ba ako?

Wow, bet ko ‘yon.

Ito na ba? After months of paglalampungan, seryoso na ba?

Parang kinilig naman ang apdo ko.

Pero hindi, kailan attitude muna ako.

Kinagat ko ang ibabang labi ko at masamang tumingin kay Andrix. Siguro sa kakaganto ko sa kaniya, isa na akong antagonist na walang ginawa kundi magmaldita sa mga mata niya.

“HOY ANDRIX!” Sinimulan ko na ang speech ko. Napaatras siya, pero lumapit naman ako. “Mas kupal ka pa sa kapitbahay namin na kung makasingil, akala mo hindi babayaran!" sigaw ko.

Napatingin siya sa mga taong nanonood sa amin. Dahil lunch break, marami ang pakalat-kalat na namang eatudyante. Ang lahat ng mga kakulto ni mama ay nakatigil at nanonood sa amin. Pansin ko tuloy ang pamumula ng tainga ni Andrix.

Isa iyon sa mga napansin ko sa kaniya. Ayaw niya ng eskandalo dahil nahihiya siya.

Pero dahil dakila akong bida-bida, walang may pakialam. Tuloy lang ang buhay, sumasabay sa agos ng puso kong nagdadalamhati.

“You mean my auntie?” Andrix finally asked.

Napakurap ako. “Huh?! Hindi, ah! Bakit ba nadamay ang auntie mo rito? Huwag mo baguhin ang usapan,” maagap na sabi ko. “Ang sabi ko anong pumasok sa utak mo at naniwala sa joke ko kanina?”

Natigilan siya.

“That was a joke?”

Ay, hindi ba?

"Oo! Uto-uto ka kasi. O' ano? Alam mo na ang pakiramdam ng niloko? Next time, ipaparamdam ko naman sayo kung gaano kasakit ang ipagpalit—"

Bigla niyang inangat ang daliri niya at idinikit sa labi ko. Ginalaw ko ang labi ko para maalis iyon. Bahagya siyang nagtaka.

“You talk too much.” Hindi ko siya pinansin dahil ay sa halip ay pinaglaruan ko ang daliri niya sa bibig ko. Inalis niya tuloy agad. Killjoy! Hindi ko pa na-kiss, eh. “Didn't you know how irritated I am to your damn loud voice? One question, and you seems like to create a thousand of essay.”

Napanguso ako at umismid.

“Bakit parang kasalanan ko?”

Huminga siya ng malalim, sinapo ang noo. Parang sugar papa naman ang dating niya. Okay, sorry daddy ko!

“So... It was nothing? What you said earlier was a joke?” mahinahong tanong niya. Medyo nagulat ako. “Alright.”

Akma na siyang maglalakad nang hawakan ko ang braso niya. Ibinalik niya ang masamang tingin sa akin. Siya pa ang galit.

“Pity ka kaya pwede namang pag-usapan.”

“Nah, I don't bear with someone who make fun with me,” masungit na sagot niya. “Hindi rin naman kita type.”

Hindi na rin nagtagal si Andrix dahil nilampasan niya na ako para umalis. Naiwan akong tahimik na nakatayo sa daan. Pagtingin ko sa likuran ay ang masamang tingin ni Thea ang sumalubong sa akin, nakakrus pa ang braso. Mukhang alam na niya na nauto ko siya kanina. Yan, puro landi kasi. Bagal nama makagets.

For the last time, muli kong nilingon si Andrix. Hindi na siya lumingon sa akin.

Pinuntahan ko na si Justine para ayain maglunch. Nandoon ang mga kaklase niya kaya agad nila along binati para chumika. Tinanong nila ang about sa issue kanina at sinagot ko naman ng totoo. Pansin ko ngang hindi naman nagsasalita si Justine, inaayos niya lang ang gamit niya para makasama na sa akin.

The Ghoster [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon