Chapter 12
"TAO PO!"
Ang paalam ko kay mama ay magbabanyo lang ako pero namalayan ko na lang ang sarili kong tumakbo pauwi at ngayon, nasa harap na ako ng gate nina Aling Didit. Mabuti na lang talaga at nasa loob si kuya kaya hindi niya ako nakita, pero kung sakali man, hindi 'yon magsusumbong kagaya ni Justine. Mukhang bet niya rin si Andrix, e.
Magkapatid nga talaga kami.
"Ano 'yon, aber?!" mataray na tanong ni Aling Didit. Naglakad siya palapit sa akin at may dala pang walis dahil kasalukuyan siyang naglilinis ng bakuran. "'Yong utang niyo, natatandaan niyo pa ba?"
Napakamot ako sa batok. "Change topic, Aling Didit. Hindi naman ako ang umutang, e."
"E, ANONG PINUNTA MO RITO KUNG HINDI KA NAMAN MAGBABAYAD?!"
Napatakip ako sa tainga ko. "Chill ka lang po! 'Yong pamangkin niyo po ang sadya ko talaga. Nasaan po si Andrix?"
Pinadilatan niya ako ng mga mata, nagpamewang pa. "Anong kailangan mo sa pamangkin ko?!" tanong niya. "HINDI! ISA KA MGA BABAE NIYA ANO? BAWAL!"
Napapikit ako. Ang hirap pumasok.
Tinitigan ko si Aling Didit habang nag-iisip ng paraan kung paano siya mauuto. May naisip naman ako kaagad kaya matamis ko siyang nginitian. Kasintamis ng pagmamahal ko sa pamangkin niya.
"Ah, ano kasi, tita..." Napangiwi ako. Wow, tita. "May nirerecommend kasi sa aking trabaho si Andrix, rocket rocket lang, gano'n!"
"Oh, tapos?"
"E, alam niyo na tita," paninimula ko na kunwaring nahihiya. "Hiyang-hiyang na ako sa inyo, gusto ko na magtrabaho para makabayad sa utang namin. Gustong-gusto ko na talaga makabayad sa inyo. Napakabuti niyo po kasi."
Napansin ako ang paglambot ng ekspresyon niya. Pinigilan siyang mapangiti saka inismiran ako. "At si Andrix ang kailangan mo para makapasok ka sa trabahong 'yan?"
Tumango ako. "Opo!"
Lumiwanag ang nakasimangot niyang mukha kanina. Muntik pa akong mapatalon nang magsimula siyang buksan ang gate ang gate. Sabik na sabik akong pumasok lalo na nag sabihin niya sa akin kung saan ang kwarto ni Andrix. Kumaliwa lang daw ako sa pag-akyat ko sa taas at pumasok sa ikalawang pinto.
Kumatok nga ako. Iyong malakas at sunod-sunod.
"WHAT THE?! STOP KNOCKING!"
Ay, nagalit.
Idinikit ko ang tainga ko sa pinto at pinakinggan kung may kasama ba siya sa loob. Baka mamaya, may chicks siya riyan, makaistorbo pa ako.
Muli akong kumatok nang malakas.
"WHAT DO YOU NEED, AUNTIE?!"
Hehe, auntie raw.
"I JUST TOLD YOU, I'M TIRED! STOP FORCING ME TO GO OUT!"
Huminga ako nang malalim at hindi na kumatok. Gusto ko pa sana kaso baka mas magalit pa siya. Mukhang may topak ang isang 'to ngayon.
Hinawakan ko ang doorknob at pinihit iyon para buksan. Bumungad sa akin ang madilim na kwarto ni Andrix. Nakadapa si Andrix sa kama at may suot na headphone, nakasiksik sa unan ang mukha niya dahilan para hindi niya ako makita. Kung hindi ko lang alam na kwarto niya ito, baka napagkamalan ko nang haunted house dahil bukod sa madilim ay makalat pa.
May headphone... Paano niya ako narinig?
Naglakad ako palapit sa bintana at binuksan iyon.
"THE HELL-FLAIRE?!" Napatingin ako sa kama ni Andrix nang may marinig akong kumalabog. Dali-dali siyang bumangon at hinila ako palabas ng kwarto. Hindi na ako nakapagpumiglas hanggang sa makalabas kami. Nanlalaki ang mga mata nito. "What are you doing here?!"gulat na tanong niya.
BINABASA MO ANG
The Ghoster [Completed]
Fiksi Remaja[PUBLISHED Under Ukiyoto Publishing] A teenager woman named Flaire Oliveros who fell in love with a man she just met on the internet. Andrix Elyazer. After a months of being in a relationship, Andrix cheated on her. Nagising na lang si Flaire na iba...