Chapter 1

59 11 4
                                    

Chapter 1






“NAHIHILO NA AKO SA ‘YO!” sigaw ni mama sa akin.

Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy ako sa pagpapabalik-balik ng paglalakad at hindi ako mapakali. Putspang gala!

Of course, I was surprised after seeing him outside.

Bakit siya nandito? Pamangkin ba talaga siya ni Aling Didit? Bakit ngayon pa? Kung kailan break na kami?

Sinapo ko ang noo ko at para akong mawawalan ng balanse. Masama ang loob ko at gusto kong magwala kung hindi lang ako masasampal ni mama.

“Ano ba ang problema mo, anak?!” tanong ni mama, masama na ang tingin sa akin. “Isa pa, tatamaan na talaga kita.”

Napasinghal ako at padabog na lang naglakad papunta sa taas. Wala na rito si Justine dahil kailangan niya nang umuwi para tumulong sa pamilya niya. Si papa naman ay umalis para magtrabaho. Kami na lang tuloy ang natirang tatlo tapos bumalik pa sa pagtulog si kuya. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na ako nagpapabalik-balik dito. Hindi ko alam ang gagawin ko! Nakaka-frustrate.

“Kailangan ko siyang makausap!” desididong sabi ko sa sarili. “Pero paano? Baka mapalayas ako nang wala sa oras ‘pag nalaman ni mama!”

Isinara ko ang pinto at pabagsak na nahiga sa kama. Niyakap ko ang maliit kong stuff stoy, nakanguso.

“Sana ikaw na lang ang j-in-owa ko, at least hindi mo ako i-g-ghost,” wala sa sariling sambit ko. “Kasi ako ang mang-g-ghost sa ‘yo ‘pag may bago na akong stuff toy.”

Naihagis ko ang manika sa inis. Bumagsak iyon sa sahig. Ganito pala ang dukha, manika lang kayang ibato. Kulang tuloy ang pag-d-drama ko dahil walang cellphone ang nabasag. Baka ‘pag ginawa ko ‘yon, hindi na ako ibili ni mama ng bago.

Tumayo ako at naglakad palapit sa binata. Nakatitig ako sa bahay nina Aling Didit na nasa tapat lang namin. I didn’t expect this! Magkapit-bahay nga talaga kami ng kainternet love ko!

Hindi nagtagal ay may lalaking lumabas ng terris. Walang emosyon ang mukha ni Andrix at halatang inis na inis base sa nakakuyom na kamao. Hindi ko maiwasang mapaisip kung bakit ganito ang reaksiyon niya mula pa kanina. Para siyang galit. Galit ba siya dahil pinagsisisihan niya ang pakikipaghiwalay sa akin?

Habang nakatitig ako sa kaniya ay natukoy ko kung bakit nakakaramdam ako ng pagkawirdo. Iyon ay dahil makulit siya sa chat at palaging tumatawa sa call. Pero bakit ganito siya in person? He looks so intimidating, na kapag lumapit ka sa kaniya at sinubukang kausapin ay sisigawan ka niya kaagad.

Sinamaan ko siya ng tingin. Wala akong pakialam kung intimidating ka. Ikaw ang dapat matakot sa akin! You ghosted me! Ikaw kaya ang i-ghost ko?!

Naramdaman niya yata ang masamang tingin ko dahil nagtama ang mga mata namin. Sa kabila ng inis ay parang may kumiliti sa puso ko, unti-unting kumalma ang tingin ko sa kaniya. Wala namang nagbago sa reaksiyon ni Andrix, may inis at galit pa rin akong nababasa sa mga mata niya. Bagaman ang pagkakakuyom ng kaniyang kamay ay nawala.

“What?!” He hissed.

Napahawak ako sa dibdib ko. Siya pala ang galit sa akin, hindi naman ako nainform.

Lumapit ako sa kama ko at dinampot doon ang cellphone ko. Mabilis din akong bumalik sa bintana habang nag-d-dial sa number ni Andrix. Masama ang tingin ko sa lalaki habang ginagawa ko iyon. Alam ko ang number niya dahil nagbigayan na kami noong may kami pa.

Noong may kami pa...

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Andrix nang tumunog ang cellphone niya.

The Ghoster [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon