Chapter 7

47 7 0
                                    


Chapter 7








“HEY!” hindi ko namalayang sinundan pala ako ni Andrix paglabas ko ng gymnasium. Hindi ko siya pinansin dahil nagpatuloy ako sa paglalakad. Naramdaman ko na lang ang paghawak niya sa braso ko para pigilan ako sa paglalakad. “What the fuck is your problem?”

Sinamaan ko siya ng tingin. Kapal ng apog mong maghabol, ‘pag ex na, ex na. Wala nang comeback!

Habol ka pa, ah.

“Wala kang pakialam,” pilit kong pinaseryoso ang boses ko. Ang totoo ay naghuhurumintado na ang puso ko, sunod-sunod at mabibilis ang kalabog. Hindi ko akalaing ganito ang epekto ng simpleng paghawak niya.

The odastity! This is the first time! The first time he touched me. Simula noong unang pagkikita namin ay hanggang tingin na lang ako, ang nagawa ko lang ay maramdaman siya sa malapitan. Oh, my god.

Huwag kang marupok, mainis ka! Ekis, self. Babatukan kita.

Natigilan ako sa pagtitig sa kaniya nang bitiwan niya na ako. Nakaramdam tuloy ako ng kaunting panghihinayang.

“Ganiyan ka ba magpapansin sa akin? Lahat na lang ng sasabihin ko kokontrahin mo?" inis na tanong ng walang pusong si Andrix.

Halos manlaki ang mga mata ko. “Hindi ako nagpapapansin sa 'yo,” offended na sabi ko. I tried to calm myself still.

“Then what?” Hinawakan niya na naman ako sa braso.

“Ano bang pakialam mo? Wala ka nang pakialam. Bitiwan mo nga ako. Ikaw yata 'tong nagpapansin sa akin, e!” This time, ako na ang humila sa braso. No, walang dapat panghinayangan. Tama si Justine, hindi makakabuti kung patuloy akong lalapit sa lalaking ito.

“What—”

Hindi ko na hinayaang makatapos pa sa pagsasalita si Andrix dahil walang hiya ko na siyang tinalikuran. At para hindi niya na ako sundan, tumakbo na ako paalis hanggang sa makalayo. Hingal na hingal ako nang makarating sa tapat ng classroom namin. Dito na lang siguro ako mag-l-lunch. Bahala si Justine, inuna niya pa ang chess kaysa kumain. Nakaengkwentro ko pa tuloy si Andrix.

Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko para pigilan ang pagngiti. Ang taray mo, Flaire. Forever na ang humahabol sa ‘yo. No ekis. Isang check para sa kagandahan mo.

Habulin mo ako mahal ko...

I laughed inside my head. Hindi lang tawa, humalakhak pa ako.

Oh, my god! Nababaliw na yata ako.

Natural lang naman na kiligin ako dahil gusto ko siya. Pero hindi na natural kung ipagpapatuloy ko pa ang pagkahumaling sa kaniya. He's a bad influence. At isa pa, gulo lang ang dala niya. Baka nga magalit pa sa akin mama nang dahil lang sa kaniya.

Huminga ako ng malalim. Nagdesisyon na ako.

Petition to stop my feelings towards him.

Tama!

Iniwasan ko na si Andrix sa mga nagdaang araw. Hindi ko alam kung pansin niya ba iyon pero tingin ko ay hindi naman dahil nakikita ko pa siyang may kasama tuwing natatanaw ko siya sa malayo. Ako lamang talaga itong assumera na umiiwas kahit wala naman siyang pakialam sa existence ko.

May time na nakakasalubong ko siya pero nakaiwas ako ng tingin, kahit ramdam kong tinitigan niya ako nang harapan. Bulgar pa sa bulgar, wala talagang kahihiyan sa katawan. May time rin na nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin pero hindi siya umiiwas, ipinapangalandakan niya talaga na patay na patay siya sa akin. Ekis.

The Ghoster [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon