Chapter 3

34 7 0
                                    

Chapter 3









“NASAAN KA BA?” tanong ko kay Andrix na kasaluyang katawagan ko sa phone. May naririnig akong tunog ng mga sasakyan at sari-saring boses mula sa mga random persons.

Pumihit ako patagilid ko kama ko para yakapin ang unan. Pinaglaruan ko ang stuff toy na hawak ko sa kabilang kamay at ipinatong ang phone sa tainga ko. Alas dyes na ng gabi ngayon, wala akong ibang ginagawa kundi makipaglate night talk sa internet boyfriend ko.

Andrix Elyazer.

“I went outside to eat, currently walking—ah! I found where to eat already,” rinig kong tugon niya.

“Huh? Gabi na, ah! Wala bang food sa bahay niyo? Bakit hindi ka na lang magluto?”

“Nah, too lazy.”

Natawa ako. “Ang tamad mo.”

“I just said.” I imagined him, rolling his eyes that made me giggled even more.

Narinig ko ang mabilis niyang paglalakad. May mga bumati pa siya at alam kong nasa loob na siya ng isang restaurant ngayon. Yayamanin.

“Can you suggest some food to eat?” tanong sa akin ni Andrix.

Kumunot ang noo ko. “Bakit ako? Panlasa mo ‘yan, ikaw na pumili. ‘Wag mong sabihing pati kulay ng damit na susuotin mo itatanong mo pa sa ‘kin?”

Amdrix chuckled. “Damn. You sounds like a mother.”

“Huwag mo akong murahin, nagpapakatotoo lang ako sa ‘yo. Hindi pwedeng lagi kang asa sa iba,” masungit na sabi ko.

“I just ask what to eat tsk. Dali na, choose.”

“Ano bang nandiyan?” Malay ko naman sa mga pagkain sa isang restaurant. Duh? Isa lang akong dukha rito sa gilid na walang ibang ginawa kundi humarot. Mabuti na lang at hindi ko pa nararanasan maghost dahil baka gumuho ang mundo ko. Never! Subukan lang talaga ni Andrix, ipapakain ko sa kaniya lahat ng sandok sa bahay nila.

“Uhh, they have baked chicken, sisig, toccino, mochaccino, and ice cream. Wait, I’ll send you the menu,” sabi niya. Hindi nagtagal ay tumunog ang phone ko kaya kinuha ko iyon sa ibabaw ng tainga ko. May sinend siyang picture ng menu kung saan ko makikita ang mga foods na pwedeng orderin.

“Okay, I suggest you to order all of this—”

“Hey!”

“Charot! Ito na lang, baked chicked, hotdog, siopao, kare-kare and mochaccino.”

“How about ice cream?” pahabol na tanong niya.

“Yes, isama mo na rin!” Tumawa ako.

“Okay.”

Narinig kong sinabi niya sa waiter lahat ng sinuggest ko. Pagkatapos ay tumahimik ang paligid niya kaya muli na akong nagsalita. Ilang segundo rin kaming nag-usap bago dumating ang order niya.

“Kamusta food?”

“Good. I paid a lot,” tugon niya naman.

Humalakhak ako. Tingnan mo ‘to, nagsuggest na nga, siya pa nagreklamo. Gago. Kung hindi ko lang siya mahal, e. Tsk. Ekis, self. Ang korni.

“Ganito na ang gagawin ko palagi. I’ll go outside then you decide what I eat.”







“BAKLA, ‘YONG SINAING MO!” Isang napakalakas na sigaw ni kuya ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Napakurap-kurap ako at tumayo mula sa pagkakahalumbaba sa mesa. Awtomatikong nilingon ko ang lutuan namin pero wala naman akong nakita.

The Ghoster [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon