♡Before you read, Please Follow me😊. Thanks in advance😘♡
*Author*
Ito ang kaharian ng Fiore, ang Neutral na bansang may bilang na labingpitong milyon na populasyon, ang mundo na puno ng mahika, binibili at binibenta ang mahika dito araw-araw. Mahalaga ang tungkuling ito sa buhay ng mga taong taga rito. Ginagawang propesyon ng mga taga rito ang kanilang taglay na kapangyarihan.
Ang mga taong ito ay kilala bilang mga salamangkero, nagmula sila sa iba't ibang Guild na gumagawa ng kanya kanyang misyon para sakanilang komisyon. Maraming bilang ng Guild ang meron sa bansa.
Sa isang partikyular na syudad ay merong isang kilalang guild kung saang isinilang ang mga taong gumawa ng alamat at isisilang palang para ipagpatuloy ang nasimulan.. Ang Pangalan ng Guild... FAIRY TAIL.
.
Ang daungan ng bayan, HARGEON.
"Ah Excuseme po sir." sabi ng isang stuff sa train.
"Natsu, nandito na tayo sa Hargeon, bilis bumangon kana dalian mo jan." pukaw ni Happy kay Natsu na nakadapa na sa sobrang pagkahilo.
"Okey lang ba sya?" -Stuff sa train.
"Oo naman, lagi talaga syang nagkakaganito." sagot ni Happy.
"Ayoko na, hindi na ako sasakay ng train kahit kailan." nahihilong sabi ni Natsu.
"Kung tamang inpormasyon natin dapat nandito si Salamander sa bayang ito.. Tayo na?" sabi ni Happy saka niyaya si Natsu palabas dito sa train.
"Magpapahinga muna ako saglit." sabi naman ni Natsu habang nakadungaw sa bintana ng train.
Makalipas ang ilang sandali...
"Iligtas mo ko! Happy!!!!!!!" sigaw ni Natsu habang tinatangay na ng Train palayo.
"Umalis na yung Train." nanlumong sabi ni Happy habang sinusundan ng tingin yung train na nakalayo na.
🔹️🔹️🔹️🔹️🔹️Sa Kabilang Banda🔹️🔹️🔹️🔹️🔹️
*Lucy Pov*
Ako si Lucy😉. Nadito ako ngayon sa isang tindahan ng mahika, dito sa bayan ng Hargeon, pero bigla ko nagulat sa sinabi ng matandang nagtitinda dito.
"Ano?! Meron lang nag-iisang tindahan ng mahika dito sa buong bayan?" gulat kong tanung.
"Oo, mas pinagkakatuwaan ng mga tao dito ang pangingisda kaysa sa mahika" sagot ng matandang tindero.
"Haay!" napabuntung hininga nalang ako, nakakadismaya naman.
"Wala ka halos makita dito na gumagamit ng mahika kaya ang tindahan nato ay tinayu para magbenta sa naglalakbay na mga salamangkero."- Tindero.
"Haay, kung ganun wala din pala ako mapapala sa lugar nato." nakapamewang kong sabi.
"Wag mo naman sabihin yan, para malaman mo meron akong binibentang bagong gamit na gustong gusto ng mga babae." sabi nito habang may kinakalkal sya.
"Heto tignan mo ang itsura nito, ito ang tinatawag na Colors Magic nagagawa nitong Palitan ang kulay ng suot mong damit depende sa gusto mo." Sabi nya habang pinangalandakan sakin ang isang bagay saka inidemo pa nya kung paano gawin..
Hindi ako interesado kaya tumingin tingin nalang ako sa ibang paninda nya.
Tindero: "Nagpapalit ng ganito!"
Ako: "Meron na akong ganyan"
Tindero: "Ganyan!"
Ako: "Ang hinahanap ko ay ang malalakas na Gate Keys"
BINABASA MO ANG
Fairy Tail Watty (Tagalog Version)
AdventureCredit to the Original Owner of the Story HIRO MASHIMA Introduction: Totoo nga bang may buntut ang mga Fairy or totoo nga bang may mga Fairy? Isa itong walang hanggang misteryo o walang hanggang pakikipagsapalaran.. Ito ang kahulugan ng Pangalan...