*Author*"Aaahh😫..Anung..klaseng..Salamangkero ba yung nakalaban natin?😫" tanong nung maliit na VB habang magkapatong parin sila ng kasama nya dahil hindi na makagalaw sa nangyari.
"Mama, nakakita ako ng fairies." sabi naman nung isa.
"Sira na ang buong lugar.. anu kaya? Kung puntahan ko nalang si Lucy?.. sino nga ba ulit sila?" sabi ni Natsu.
"Mercenaries kame!" sagot nung dalawa.
Biglang kumislap ang mga mata ni Virgo habang nakatihaya parin sa sahig.
🔹️🔹️🔹️🔹️🔹️
Dito naman tayo kila Lucy at Everlue.
"Anung kalaban ng letiratura? Ang tulad kong may pinag-aralan at katungkulan, ako sinasabihan mo ng ganyan?" galit na sabi ni Everlue na hawak parin ang mga kamay ni Lucy.
"Dika marunong tumingin ng babae dahil sa pamimili palang ng katulong talo kana!" sabi ni Lucy.
"Wala kang karapatan laitin ng mga magaganda kong blonde na katulong." sabi ni Everlue saka mejo iniangat nya ang kamay ni Lucy na hawak nya.
"Aaaahhhh!" daing ni Lucy dahil napayuko na sya sa ginawa ni Everlue.
"May nakita kang Mapa ng kayamanan? San nakatago ang mga yon? Sabihin mo ang sikreto ng librong hawak mo, magsalita ka kung ayaw mong baliin ko ang kamay mo!" sabi pa nito.
"Aaaaahhhhh!!!... Bleeeeeeee!!" pang aasar ni Lucy na nakalabas pa ang dila.
Kaya naman naasar ng sobra si Everlue.
"Ano?!!!😬" nasabi nito at diniinan pa ang pagkakakapulupot nya sa mga kamay at braso ni Lucy kaya napadapa na sya.
"Hindi mo siguro naiintindihan ang sitwasyon mo.. ako ang nagpagawa kay Kemu Zaleon na isulat ang libro na yan para sakin, ibigsabihin ang sikretong makikita sa libro ay pag-aari ko!" sabi ni Everlue.
Nahihirapan na si Lucy pero--
"Haaaaaaaahh!!!" biglang dumating si Happy at pinwersa nya ng sipa ang mukha ni Everlue.
Kaya nabitawan nya si Lucy.
"Happy!!" masayang tawag ni Lucy.
"Ang galing mo, astig ka- Haaa!!" papuri pa nya dito pero bigla nawala ang pakpak ni Happy at nahulog ito sa tubig imbornal.
"Ano bang ginagawa ng pusang yan?😬" inis na tanong ni Everlue.
"Awo si Yappy blbkfdzbjhcss" (Ako si Happy)
Kalahati lang kasi sa ulo nya ang nakaahon sa tubig kaya ganyan sya magsalita.
"Halika itigil mona yang ginagawa mo!" pagyaya ni Lucy.
"Masharap saparap wang tubig." sabi Happy habang naglalaro parin sa tubig.
"Tubig kanal ang nilalanguyan mo." - Lucy.
Nilabas ni Lucy ang Giant Crab Key nya.
"Nag-iba na ang ihip ng hangin, kung ibibigay mo sakin ang librong hawak ko baka patawarin kita, talagang galit na galit ako sayo!" sabi ni Lucy kay Everlue habang dinuduro nya ito gamit ang susi.
"Aba, isa ka palang Celestial Wizard, mahilig ka magbasa ng mga libro pero hindi mo alam gamitin ang mga salita.. ibigsabihin na nag-iba na ang ihip ng hangin ikaw na ang may pag-asang manalo." - Everlue.
Patuloy parin naglalaro si Happy sa tubig.
"Pero ang kakampi mong pusa na nasa tubig hinding hindi matatalo ang diver magic ko!" dagdag pa nito saka biglang lumitaw ang magic circle sa likod nya saka sumisid sya sa ilalim ng sahig kaya nag iwan ng malaking butas ang kaninang tinatayuan nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/292342121-288-k700021.jpg)
BINABASA MO ANG
Fairy Tail Watty (Tagalog Version)
AdventureCredit to the Original Owner of the Story HIRO MASHIMA Introduction: Totoo nga bang may buntut ang mga Fairy or totoo nga bang may mga Fairy? Isa itong walang hanggang misteryo o walang hanggang pakikipagsapalaran.. Ito ang kahulugan ng Pangalan...