*Author*.
◇MAGNOLIA STATION ◇
"Haaaahhh😬😬😬bakit ba naman kase kailangan ko pang makasama ang isang tulad mo." inis na inis na reklamo ni Natsu.
"Linya ko yan😬 kung kailangan ni Erza ng tulong, kakayanin ko mag-isa na tulungan sya😬 naintindihan mo yon😬😡?" nanggigigil din sa inis na sabi ni Gray.
"Samaan no syang mag-isa! Ayoko naman talaga sumama eh! Wala kong pakialam sainyo😬!" sumbat ni Natsu.
"Sige maiwan ka para mabugbog ka uli ni Erza pagkatapos ng mission namin!" sabi ni Gray.
Pinagtitinginan na sila ng mga tao dito sa train station dahil sa pagtatalo nila.
.
"Kunwari hindi natin kilala yung dalawang yun ah." nakayukong sabi ni Lucy na nakaupo sa may waiting area habang kandong nya si Plue.
"Bakit nandito ka pala Lucy?" tanong ni Happy na habang kumakain ng isda na nasa tabi nya.
"Dahil ang sabi ni Mirajane--"
*Alaala ni Lucy*
"Siguradong mag-aaway yung dalawa kapag hindi nakatingin si Erza kaya Pakiusap pigilan mo sila kung maaare😊." paghingi ng pabor ni Mirajane.
"Pipigilan ko sila!?😱" gulat na reaksyon ni Lucy.
*Present Time*
"Hindi mo sila pinipigilan." sabi ni Happy.
"Pero kase😟." ani Lucy.
Patuloy parin sa pagtatalo at panggigigil sa isa't isa yung dalawang mokong.. parang tiger at lion na nasa kahon ng katol.
"Pasensya na, naghintay ba kayo?" biglang dumating si Erza.
At yung dalawang nagtatalo ay biglang nag-iba ang expression ng mukha nila, mula sa mabangis ay ngayon ay parang mga batang takot na takot sa ina.
"Ah😃 nandito na si Erza😀!" nakangiting sabi ni Lucy pero bigla syang namuti sa gulat ng makita ang dala ni Erza.
Para kasi itong lumilipat ng bahay sa dami nyang dala.
"Ang dami!" sabi ni Happy.
"Napakadami nyang dala😱😱!" sigaw na reaksyon ni Lucy.
"Dapat magkaayos tayo ngayong araw!" patalon talon pang sabi ni Gray habang kaakbay si Natsu.
"Oo!" sabi ni Natsu na gumagaralgal ang boses.
"Heto na naman ang pangalawang Happy😑!" ani Lucy sa inaasal ni Natsu.
.
"Tama, yan ang pinakamaganda ang magkaayos tayong lahat." sabi ni Erza saka bumaling kay Lucy.
"At sino ka naman? Naalala ko nakita kitang kahapon sa Fairytail." tanong ni Erza kay Lucy.
Sa sandaling ito ay nakatalikod sya doon sa dalawang mokong kaya nagbangisan na naman sila ng tingin.
"Ako ang bagong miyembro ng Fairytail, Lucy ang pangalan ko." sagot ni Lucy kay Erza.
"Simabihan ako ni Mirajane na sumama sa mission nyo, Salamat sa pagtanggap nyo sakin." dagdag pa nya.
"Wala yun ano man, Ako si Erza, Lucy pala ang pangalan mo." sabi ni Erza at saglit na lumingon doon sa dalawa.
BINABASA MO ANG
Fairy Tail Watty (Tagalog Version)
AdventureCredit to the Original Owner of the Story HIRO MASHIMA Introduction: Totoo nga bang may buntut ang mga Fairy or totoo nga bang may mga Fairy? Isa itong walang hanggang misteryo o walang hanggang pakikipagsapalaran.. Ito ang kahulugan ng Pangalan...