CHAPTER 01

46 9 0
                                    

Chapter 01

TRIGGER WARNING: ABUSE


"She's spent so much of her life masking her emotions that it's no surprise her personality is somewhat uncomfortable..."

I stopped to take a deep breath, now, this is what uncomfortable is.

"So uhmm.." napalunok ako kasi hindi ko na alam sunod kong sasabihin, "That is what my painting is all about" I smiled wryly and looked at my work.

It was painting of a girl holding a beautiful mask while she is smiling awkwardly. I don't know if it does look awkward ba, pero para sa akin, awkward siya. Kasing awkward nitong pagtayo ko rito sa harap ng mga kaklase ko.

Ngumiti pa ako nang mas awkward.

Sana all nakaupo.

"Okay, that's a nice artwork Ms. Quizon, take a seat."

Tumango lang ako nang dahan dahan bago tuluyang pumunta sa upuan ko.

I stared at my artwork once again, is this me?

Am I my painting? Did I spent majority of my life trying to paint my emotions?

"Sure ka na ba, Apple? Alam mo namang pwede ka mag stay dito sa akin di'ba? Kaya kita pag aralin anak." Itinigil ko muna ang pag-eempake ng mga gamit at nilingon si Mama.

"Ma, di'ba napag-usapan na natin 'to?" Umupo ako sa kama at huminga nang malalim, "Huwag mo sanang isipin na dahil lang gusto ko doon mag-aral kasama si papa ay kine-kwestyon ko na ang kakayahan mong paaralin ako."

Tumungo ako, iniiwasang makita niya ang mga mata kong paiyak na. Baka isipin niya taliwas sa nararamdaman ko ang mga sinasabi ko. "Pati di'ba? Matagal ko nang gusto makasama si Papa, feeling ko doon mabubuo pagkatao ko kasi finally makakasama ko na siya."

Suminghot si mama at dahan-dahang lumapit sa akin, tumayo lang siya sa harap ko. Niyakap ko ang bewang niya at ibinaon ang mukha ko sa tiyan niya, I let my tears pour down.

"Di lang ako sanay na di na kita kasama, basta after college, babalik ka rito sakin ha?" Kinapitan niya ang magkabila kong pisngi para maharap siya, "Napag-usapan niyo na ni Jayden na sa iisang bahay lang kayo kapag nagta-trabaho na di'ba?"

Patuloy pa rin akong nahikbi habang tumatango.

"Besh, basta dadalaw kami doon ha? Kapag sembreak at nakaipon kami, magbabakasyon kami doon."

Yumakap ako nang mahigpit kay Julia, I'm gonna miss my bestfriend so bad. We've been together for almost 9 years already, this is gonna be the first time na malalayo kami sa isa't-isa.

Lumingon naman ako kay Kianna na mas malakas pa ang hagulgol kesa kay Mama.

"Eto naman parang tangi! Di naman ako sa ibang bansa pupunta sira!" Niyakap ko na rin siya, mas yumakap naman siya nang mahigpit.

Habang nakayakap kay Kianna, inabot ko naman ang kamay ni Jayden na naluluha na pero pinipigilan lang.

Andito kami ngayon sa Airport dahil ngayon ang flight ko papuntang Bohol. Kasama namin sila Jayden, Julia at Kianna. Si Maine naman ay hindi nakasama, kasi as usual, di siya pinayagan ng mama niya. Si Mac naman na boyfriend ko ay may family reunion raw sa Quezon kaya hindi makasama. Okay lang, kasi baka magbago pa isip ko sa pag-alis if andito siya.

Pero as if naman pipigilan niya ako, e isa nga siya sa mga nagtulak sa akin na doon mag-aral para raw makasama ko si Papa at malayo ako sa mga kaibigan ko. Ewan ko ba doon, hindi niya makasundo mga kaibigan ko.

Painting the Hollow Flaws (Flawed Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon