CHAPTER 11

34 8 1
                                    

Chapter 11

-


Nagtitigan pa kami ng ilang minuto ni Aiden bago siya tuluyang umiling at tumingin sa harap. Tumungo siya, huminga nang malalim, humarap sa akin at umiling.

"No..." Umiiling pa rin siya, "I mean yes, but no."

Nakatitig pa rin ako sa kaniya, hinahayaan siya na hanapin ang mga salita na gusto niyang sabihin.

"I mean, I like you, but no..." Umiling ulit siya at tumingin sa akin, tinaasan ko naman siya ng kilay, hinihintay ang mga sunod niyang sasabihin, "I like you but I don't want to take advantage of your condition. I mean you can think straight, duh, but I don't want to take advantage of your vulnerability."

Tumingin na ako sa harap, hinihintay pa rin siya dahil baka may sasabihin pa siya.

"Do you get me?" I just shrugged. He stared at me while my eyes were in front, and when none of us spoke for a few minutes, he restarted the engine and drove away.

"Gusto mo ba kumain muna bago umuwi?" I only nodded. "Mag take out na lang tayo." Tumango lang ulit ako.

I don't want to talk, hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Hindi rin naman ako sigurado kung totoo ba yung nararamdaman niya.

E paano kung totoo? Anong sasabihin ko? Anong gagawin ko?

E ako? Ano ba nararamdaman ko?

I like his company. I feel comfortable around him, but do I like him?

Tumingin ako sa kaniya habang nag ddrive siya.

Saan ba 'to siya galing? Seryoso ba siya?

Natatawa na lang ako sa mga naiisip ko. I only snapped back to reality when we stopped over at Jollibee, he ordered food through drive thru.

"Gusto mo na ba umuwi?" He asked while we are waiting for our food.

It's only passed 5 PM, maliwanag pa naman, "Kung wala na tayong pupuntahan, pwede rin na umuwi na lang." Ngumiti ako sa kaniya.

Natigilan naman siya sa action ko, nawala lang ang atensiyon niya sa akin ng buksan ng crew ang bintana sa tapat ng sasakyan upang iabot ang order namin.

Aiden restarted the engine, and none of us said anything. I didn't realize how long I had been staring at the structure, trees, and house as we drove past until I fell asleep.

Nagising na lang ako nang may umaalog-alog sa upuan ko. Napalingon ako sa paligid at napansin na ang sasakyan niya ay nasa tabi ng parang isang dagat, tanaw ko rin ang bundok mula sa malayo.

"Nasaan tayo?" Tanong ko kay Aiden na nakaupo pa rin sa driver's seat.

"Laguna De Bay."

Nanlaki ang mata ko, "We? Eto yung lake!?" Gulat na gulat kong tanong.

Umirap lang siya sa akin bago tuluyang bumaba ng sasakyan. Yabang ah, porket crush ako.

Umirap lang din ako bago tuluyang bumaba sa sasakyan.

Ipinatong niya sa harap ng sasakyan ang mga pagkain na inorder namin kanina, habang ako naman ay nakatulala sa ganda ng nasa harap ko.

Papalubog na ang araw.

"My beautiful sunset." Bulong ko sa aking sarili.

"Ha?" Nagulat ako kay Aiden nang lumitaw siya sa tabi ko na may kapit na portable chair, "Upo ka dito oh, anong sabi mo?"

Umiling lang ako, "Grabe lagi ka may dalang portable chair?" Natatawa kong sabi.

Umirap lang siya at umupo sa harap ng sasakyan niya, inirapan ko rin siya ulit. Patarayan pala kami e.

Inabot niya sa akin ang burger at peach mango pie na order ko kanina. Siya naman ay umorder ng spicy chickenjoy at spaghetti.

Nakatulala pa rin ako sa lumulubog na araw sa harap ko habang kinakain ang burger ko.

I just realized that we can view many of the world's treasures no matter how far we travel, but sunset? It will never fail to impress you, no matter where you are on the earth.

"You love sunsets?" Aiden asked and I only nodded.

I continued eating my foods, paminsan ay sumusulyap ako sa spaghetti ni Aiden, parang nakakatakam e.

"Gusto mo spaghetti?" Alok sa akin ni Aiden.

"Ayoko. Carbonara gusto ko e."

"Wow. Sorry ha? Spaghetti lang kasi kinaya ko."

"Okay lang, forgiven."

"Lakas mo ah." Sarkastiko niyang sabi.

"Wala kasi akong sakit e."

Parehas kaming natahimik, pinagpatuloy ko lang ang panonood sa araw na tuluyan nang nilalamon ng dagat. Ang paligid ay nilalamon na rin ng dilim.

"What I said earlier." Tyaka lang ako napalingon kay Aiden nang magsalita siya. "I like you, for real."

Tumingin ulit ako sa harap para hindi siya ma-awkwardan.

"I never expected that I will have to say this while eating spaghetti in front of a lake." Napangiti ako dahil nakakaya niya pa rin mag biro kahit alam ko namang nahihirapan na siya.

"Let's just pretend that I did not said those words. I don't want you to be uncomfortable around me." I heard him sigh, "I'm not expecting any answer right now. I will wait until you heal."

Tumungo lang ako dahil wala ako masabi. Grabe, ang tapang niya naman?

"Pero hindi kita minamadali na mag heal, ha? Allow yourself to heal at your own speed. Please take your time." Dugtong pa niya.

"Kung makapag salita ka, parang sure ka na if mag heal na ako, sa'yo ako mapupunta ah?" Biro ko sa kaniya.

"Siguro nga hindi ka sa akin mapupunta when that time comes, but I will make sure that when you're finally healed I will be there. I will be at the finish line clapping for you." Tas pumalakpak rin siya na parang nasa finish line na ako.

"Uhm, what if instead of waiting for me on the finish line, you will walk with me until we reach the finish line?" Sabi ko naman sa kaniya.

"Hmm, pwede rin." I smiled kasi di niya talaga pinag isipan, um-agree lang siya agad.

"Habang papunta tayo sa finish line, baka ma-realize mo rin na you are just infatuated. Baka naguguluhan ka lang kasi lagi tayo nagkikita sa Semicolon."

"Apple..."

"I don't want you to get mixed up, Aiden; we're both in healing process right now." We're each fighting our own battles; maybe you're just just overwhelmed by my presence? " Putol ko sa pagsasalita niya.

Nanatili naman siyang tahimik.

Ilang minuto pa ang lumipas na parehas lang kaming nakatulala sa madilim na lawa, tanging ang mga bituin, buwan at mga ilaw mula sa malalayong bahay at building ang nagsisilbing liwanag namin.

I gazed up at the sky and was amazed by the number of stars visible tonight.

Hindi ko na inaasahan na mag sasalita pang muli si Aiden kaya tumayo na ako at niligpit ang inupuan ko. Hinayaan ko naman muna siya na i-proseso ang mga sinabi ko, baka na-realize niya na tama nga ako.

Na baka infatuation lang yung nararamdaman niya.

Maglalakad na sana ako palapit sa pintuan ng sasakyan niya nang matigilan ako dahil sa mga binitawan niyang salita...

"Did you know that physical touch is my love language, but you... "

"...you had me falling before I even touched your skin. So, don't even think about questioning my feelings for you again."


;

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 24, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Painting the Hollow Flaws (Flawed Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon