CHAPTER 07

24 9 0
                                    

Chapter 07

-

"Oh, basta ibabalik niyo bukas ng buo si Maine ha?" Hindi ko na alam kung ilang beses na iyon nasabi ng Mama ni Maine, pero sagot pa rin kami nang sagot ng, "Opo, Tita." Para lang makasama si Maine sa swimming na plinano nila Kianna.

"Ayan ha! Baka pag nagttrabaho na tayo ang next time na makakasama ka sa outing natin, Maine!" Pang aasar ni Kianna kay Maine pagkasakay namin sa family car nila Jayden. Si Jayden ang magddrive para sa amin papunta sa isang resort sa Unisan, Quezon.

First outing namin ito na kumpleto kami, sa tagal na naming magkakaibigan, first time payagan ni Maine. Maine's parents are highly strict. She is rarely allowed to come with us whenener we have a bonding session. Kaya madalas sa kanila na lang kami natambay para makasama pa rin siya.

"May kasama ba tayo na caretaker doon sa resort, Kia?" Tanong ni Julia pagkapasok naming sa sasakyan.

"Oo, pero sa bukod ata siya na kubo magsstay habang nasa villa tayo." Sagot naman ni Kianna habang inaayos ang kanyang neck pillow.

Ako naman ay sa tabi ni Jayden umupo, wala akong balak matulog sa buong biyahe para may karamay si Jayden. "Okay ka lang diyan?" Tanong niya sa akin, tumango lang ako bilang sagot at may pinindot-pindot sa sasakyan para magpatugtog.

Hindi rin naman matagal ang biyahe namin kaya hindi na talaga ako natulog habang nakikipag kwentuhan kay Jayden at Maine, si Kianna naman at Julia ay tulog na tulog.

"Waah! Sulitin na natin 'to, dahil bubugbugin na naman tayo ng school works pag nagsimula na school year!" Sigaw ni Kianna habang tumatakbo palapit sa mga alon.

Next month ay start na ng school year, second year college na sila, ako naman hindi ko pa alam kung may mac-credit ba sa mga subjects ko. Hindi pa rin naming napag-uusapan ni Mama ang plano sa pagbalik ko sa school.

"Mag lunch na muna tayo bago maligo!" Sigaw naman ni Jayden na naglalakad na palapit sa villa naming, habang dala-dala ang mga pagkain na binili namin sa fast food na nadaanan kanina.

Mabilisan kaming kumain dahil excited na sila mag picture taking, pagkatapos kumain ay nagligpit lang kami at kaniya-kaniyang ayos na.

I was staring at myself in the mirror, dressed in a maroon high neck two-piece swimsuit that complemented my morena complexion and curvy figure.

"Wow! Ngayon ka na lang ulit nag swimsuit ah!" Napalingon ako kay Jayden na nakasuot naman ng yellow plunge swimsuit, which somehow revealed her cleavage. Her mestiza skin tone complemented her yellow swimsuit well. Jayden has more curves than I do, but they're in the correct places. Our hair is likewise jet black, although mine is straight and hers is wavy.

Ngumiti na lang ako bilang sagot. Right? Ngayon na lang ulit ako nag swimsuit simula ng maging— Umiling ako nang mabilis upang maiwasan mag isip.

Ayoko naman masira itong outing namin just because of my thoughts.

Naabutan naman naming nagppicture taking sila Kianna at Maine paglabas namin ng villa.

Kianna was dressed in a white long-line bikini top and a high-waisted bikini bottom that emphasized her hourglass figure and matched her tanned skin tone, while Maine is dressed in a black ruched one-piece swimsuit that complements her light complexion and apple figure.

"Mag sunblock muna kayo, oh!" Sabay bato ni Julia sa amin ng sunblock. She is dressed in an olive-green lace-up one-piece swimsuit that complements her slim figure and fair skin.

"Oh! Oh! Group picture!" Hila-hila ako ni Kianna patakbo sa shore, pagdating doon binitawan niya ako at agad siyang naghanap ng paglalagyan ng camera niya. Walang iba tao dito sa resort kaya wala kami mapakiusapan na picturan kami.

Painting the Hollow Flaws (Flawed Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon