02

39 2 0
                                    

Nilagay ko ang mga gamit ko sa loob ng bag ko at sinuot na ang bag sa likod ko para makapunta na sa next subject. Baba na naman ako sa hagdan-hagdan palayan. Lalabas na sana ako nang tinawag ang apelyido ko.


"Monduerto, magwalis ka muna sa mga kalat bago ka lalabas" masungit na ani ng guro namin. Maganda sana kaso ubod ng sungit.


Bakit ako? Ang dami namin, ah, ako pa talaga. "Mga walang hayop!" inis kong sabi na ako nalang pala ang nandito sa loob ng classroom. Ayan, galaw pa ng pagong, eh!. Nagsimula na lang ako maglinis kaysa ma late pa ako sa next sub ko.


"Nandito pa sa ilalim ng table ko"


"May kalat pa dun"


"Ayusin mo paglagay ng mga upuan, Monduerto"


Tumakbo na ako bumaba sa pagmamadali. Late na ako nito, eh! Muntik pa ako ma slide sa pagmamadali, muntik na talaga mapasubsob kung hindi pa ako napahawak sa railing. Subrang higpit ng kapit ko sa railing dahil sa takot at kaba. Muntik na 'yun, ah. Napahawak ako dibdib ko....ang bilis ng tibok.


Uminit ang pisngi ko sa hiya at mas lalo lumakas ang tibok ng puso ko. Ang dami palang tao dito. Nagpractice ata at napahinto dahil sa kahihiyaan ko na muntik na ma slide. May iba pa nakatingin pa sa'kin, ang iba bumalik na sa pag practice, at may napahawak pa sa bibig dahil sa kaba. May dalawang grade 10 pa na aakyat ata at pinagmasdan ako, ewan ko kung ano ang iniisip nila. Kilala ko ang mukha nila pero 'di ko alam ang name nila. Sa second pa talaga ako umiksina kung saan ang daming grade 10 dito na... mga gwapings.



"A-Ah, sorry po" yumuko ako pagkatapos ko sabihin 'yun at bamaba ng subrang hinhin na parang walang nagyayari na kahihiyaan. Nang hindi na nila ako kita ay tinakbo ko na ang daan papunta sa room kung saan ang next subject ko.



Nakakahiya ka talaga! Oh my gosh! Parang gusto ko na magpalit ng mukha sa subrang kahihiyaan ng ginawa ko kanina. Sana maganda pa rin ako sa gitna ng muntik na akong ma slide. Jusmeyo!


Ayon, pagdating ko kanina late na ako. Mabuti nalang mabait 'yung teacher namin. Subrang bait niya talaga sa'kin , ako kasi ang taga sulat ng black board. May marami siyang ipasulat na mga lesson at nakakangalay talaga pero hindi ko naman kailangan magsulat sa kwaderno ko dahil bibigyan niya ako ng soft copies.



Ang daming tao! Recess time ngayon at meron lang kami forty-five minutes. Sumasakit na'rin ang noo ko dahil nalipasan ako ng gutom. Ayaw ko kasi kumain ng lunch dahil mawawalan ako ng gana lalo na kapag papasok na ako. Kaya ang lunch ko pinagsabay ko sa recess na. Alas dos medya naman ang recess namin.


Ina- announced na malapit na ang exam namin kaya kailangan na namin mag seryoso at gawin kung anong kulang namin. Mabuti nalang at nagawa ko naman ang mga project ko sa wastong oras at na submit ko ng on time. Wala na akong dapat problemahin pa. Sa exam nalang ako mag fo-focus at sa clearance namin. Every grading ang clearance namin. Hindi gaya noon na sa paglapit ng pagtatapos ng klase ang clearance, peri ngayon ay iba na para daw hindi hassle at hindi mabigat sa'min.


Bago ako natulog ay nag chat pa kami ng mga kaibigan ko ang daming chika at inaasar pa ako nila na ang malas ko daw ngayong araw. Nagkita kasi kami kanina ng crush ko paglabas ko ng hallway sa cr. Nasa may hagdanan sila nag stand by kasama ang mga kaklase niya at may bitbit siyang guitar. At ang malas pa ay may dala akong mop na basa pa at tumutulo pa ang tubig galing sa mop. Inuutusan kasi ako ng teacher ko na kumuha ng mop sa cr at mopin ko ra ang lobby. Sinasabihan pa nila si Gelo na tulungan daw ako dahil nahihirapan ako, syempre nakakahiya 'yon, no! Inaasar naman ako ng mga kaibigan ko. Dahil sa hiya ay tumakbo ako papunta sa room namin at hindi na sila nilingon ng magsimula na mag mop pero dahil feeling ko na tinitignan pa ako nila ay nilingon ko parin pero paglingon ko kung saan sila kanina ay wala na pala sila. Assuming.


Tell me why?Where stories live. Discover now