***
It's been a week. Na palagi akong pinagalitan ng guard dahil palagi akong walang Id. Hindi ko na matandaan kong saang lupalop na ang id ko basta ang alam ko lang ay pinagtawanan na ako ng mga kaibigan ko dahil mukha daw akong fashionista na badoy pagbaba ko galing sa room namin. Sling na lang ang naiwan sa leeg ang Id ko...hindi ko alam. Hindi ko alam kong gusto ko bang isauli 'yon o nahulog nalang sana sa kanal. Kong nahulog 'yun..wala na akong Id? Pero kong napulot man 'yun...parang ayaw ko makita ang nakapulot nun, nahiya ako. Napaka pangit ko doon sa picture. Ewan ko kung sino ang sisihin ko 'yung nag picture sa 'kin o 'yung mukha ko. Nakakainis!
Nilibot ko na ang buong paaralan namin at pati na rin ang loob ng guard house. Pero wala. Sana ako ang makapulot.
Napatigil ako sa binabasa ko na may tumawag sa cellphone ko. Gusto ko sanang i-reject 'to pero hinayaan ko nalang na tumunog 'yon hanggang sa tumigil ng kusa ang tunog. Babalik na sana ako sa pagbabasa ay tumunog naman ulit. Huminga ako ng malalim at nagtimpi sa inis. Padabog ako tumayo sa hinihigaan ko.
"Hello." Sagot ko sa tawag.
"Nasaan ang, Papa mo, Ineng." As usual si Auntie na naman.
Bumuntong hininga naman ako, "Ah, nasa labas po, iibigay ko lang 'to kay, Papa, Auntie." Bumaba ako at nakita ko si Mama sa kusina.
" 'Ma, nasan si Papa?" Tanong ko ng makita ko siya sa kusina na may kinukwenta yata. Tinignan niya ako at nagtaka.
"Baka nasa labas. Bakit?" Taka niyang tanong at binalikan ang ginawa niya.
Nagpatuloy ako sa pagbaba, pinakita ko sa kanya ang phone ko, "Si Auntie, tumawag." Sagot ko. Nagpabuntong naman ang Mama ko at napailing.
"Hanapin mo sa labas."
Lumabas naman ako hinanap si Papa. Nang makita ko si Papa ay pinuntahan ko agad siya na nakaupo sa upuan at nagpapahangin.
"'Pa." Tawag ko sa kanya. Lumingon naman agad siya. Binigay ko sa kanya ang cellphone ko, "Si Auntie, tumawag." Sabi ko at agadd naman niya 'yun tinggap.
Umupo ako kung saan umupo si Papa at naghintay na matapos ang pag-uusap nila. Inangat ko ang ulo ko at pinahinga sa sandalan ng upuan. Pinatong ko ang dalawa kong paa sa upuan at yinakap ang mga 'to.
Ang daming stars na kumikinang at parang saya nilang tignan. Maliwanag rin ang buwan gaya rin ng star ang saya at ang ganda nikang tignan. Subrang tahimik na ng paligid at siguro nagpapahinga na ang mga trabahante ngayon. Ano kayang feeling na dito matutulog sa labas? Hindi ba nakakatakot? Malamok pa naman dito.
"Magkano ba 'yan?"
Pumintig ang tainga ko sa salita na 'yon. Magkano na naman. Sa daming salitang sinabi ni Papa sa telepono ay ang 'Magkano ba 'yan' lang ang malinaw sa akin. Obvious naman na tumawag lang si Auntie dahil sa pera na naman. Gusto kong magalit at pagsalitaan ng masasakit na salita para naman magising sila na may binubuhay ang Papa ko dito.
Hindi naman mukhang bangko ang Papa para hingian ng pera nila. Wala ba silang hiya na natira sa kanila? Palagi nalang ba ang Papa ko o hindi naman si Mama ang palaging hiningian ng pera dahil...hindi na nakakatuwa. Magkadugo kami pero..inaabuso na nila ang Mama at Papa ko, eh! Hindi porket nandito kami sa siyudad ay may marami na kaming pera. Hindi ko talaga sila maintindihan. Lahat nalang bayarin nila ay ipapaubaya sa Papa ko. Pati kuryente nila at tubig sa Papa ko pa tatakbo at hihingi ng pera. Nasaan ba ang asawa niya?! Nakakabwesit! Tangina!
YOU ARE READING
Tell me why?
Teen FictionThe cover photo is not mine. Credits to the rightful owner. On-going.