CHAPTER 19

758 20 0
                                    

DAMINA‘S POV

IDINILAT ko ang mga mata ko nang maramdaman kong may malambot na bagay ang dumapo sa aking binti.

Sobrang bigat ng mga mata ko. Natitiyak kong sobrang namamaga ang aking mga mata, lalong-lalo na't buong magdamag akong umiiyak. Napatingin ako sa paanan ko. Dinadampian ng bulak ni Caliste ang dalawang binti ko.

Nilingon niya ako at nginitian. “Good morning, babe. Did I woke you up? Sorry. Nilalagyan ko lang ng Betadine ang sugat mo.”

Umiwas ako ng tingin at inilayo sa kaniya ang binti ko pero hinawakan niya ito agad at hinila pabalik sa kaniya.

“Stay still. Marami ang mga sugat mo sa binti. Sorry for this, babe. Patawad sa lahat ng ginawa ko sa iyo kahapon.” mahinang sabi niya.

Binawi ko ang dalawang binti ko at umupo. Tumayo siya at naglakad palapit sa mesa.

“I prepare you some foods. Here.” inilagay niya sa gilid ko ang isang tray ng mga pagkain. “Eat your breakfast.”

Tumayo ako. “Busog ako. Salamat sa mga pagkain na hinanda mo.”

Napatingin ako sa kaniya nang hawakan niya ang kamay ko. Ang mga mata niya ay nakatingin sa akin na may pagsusumamo.

“Babe...”

“Oras na ba ng trabaho ko?” seryoso kong tanong.

“Ha?”

“Oras na ba para pagtatrabahuan kita, Caliste? Are you horny right now? Kailangan na ba kitang pagsilbihan gaya ng pinag-uusapan natin noon?”

Napanganga siya sa sinabi ko.

“Babe.”

Binawi ko ang kamay ko. “Labas lang ako.”

Tumalikod ako at lumabas ng kuwarto. Bumaba ako ng hagdan at lumabas ng bahay. Naabutan ko si lola na nakaupo sa upuan na yari sa kahoy habang pinapakain ang mga alaga niyang manok.

“Lola...” tawag ko sa kaniya.

Lumingon siya sa akin at ngumiti.

“Halika, Apo. Tulungan mo akong pakainin itong mga manok.”

Ngumiti ako at lumapit sa kaniya. Umupo ako sa tabi niya at kumuha ng mais sa balde.

“Ang dami po ninyong manok, Lola. Mga ilan po ito?” Tanong ko habang naghahagis ng mga mais.

“Siguro lampas treynta. May limang  nangingitlog pa sa pugad at ang iba ay mga sisiw pa. Nasa tangkal. Ikinulong ko dahil baka kainin ng mga pusa rito.” sagot niya.

“Ang dami mo palang alagang manok, Lola.”

“May pinaghahandaan ako nito.”

Kumuha ulit ako ng mais at isinaboy isa-isa sa mga manok.

“Ganoon po ba, ‘la."

“Oo. Hindi mo ba ako tatanungin kung saan at kanino ko inihanda itong maraming manok?”

Nilingon ko siya. Nakangiti si lola habang nakatingin sa mga manok na tumutuka.

“Para kanino po?”

Nilingon niya ako. “Para sa apo kong si Enerio. Nakipag-pustahan ako sa ama ni Enerio. Kapag ikakasal ang apo ko bago siya lumampas sa treynta na edad ay bibigyan ko siya ng isang daang mga manok.” pahayag niya.

“Ang dami naman po niyan, Lola. Aanhin po ng ama ni Caliste ang ganito karaming manok?”

“Hindi ko rin alam.”

His Personal Stripper (HIS SERIES #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon