DAMINA'S POV
NILAPITAN ko si Ivy na nagwawalis sa bakuran.
"Ivy, nasaan nga pala si Kuya Caliste mo?" tanong ko sa kaniya.
Kakagising ko lang at hindi ko nakita si Cali.
Nilingon niya ako saglit. "Umalis, Ate."
Kumunot ang noo ko dahil sa isinagot niya. Ganito kaaga? "Saan daw siya pupunta?"
Kinuha niya ang dustpan. "Hindi ko po alam. Sabi niya po ay babalik lang daw siya mamayang hapon."
Tumango ako. Siguro trabaho. Nag-inat-inat ako. Ang sarap sa pakiramdam na bumalik ka na sa tahanan na kinalalakihan mo. Sa loob ng dalawang taon ay bihira lang akong makakauwi. Tuwing katapusan lang ako makakauwi.
Umupo ako sa maliit na upuan. "Kumain na ba si mama?"
"Opo, Ate. Si Kuya Caliste po ang nagpapakain sa kaniya."
Nangalumbaba ako. "Ikaw ba ang nagluluto?"
Humarap siya sa akin at nameywang. "Hindi po. Pagwawalis lang po ang ginawa ko ngayong umaga. Si Kuya Caliste na po ang gumawa ng lahat. Siya ang nagluto ng pagkain. Siya ang umaalalay kay mama sa paglabas ng kuwarto, sa pag-upo sa kaniyang wheelchair, siya rin ang nagdala sa banyo kay mama upang paliguan."
"Si Kuya Caliste mo ang nagpapaligo kay mama?"
"Hindi. Hindi, Ate. Nakakahiya kung pati sa pagligo ay siya. Ako po ang nagpapaligo kay mama. At si Kuya Caliste ang nagpapakain. Marami siyang ginawa bago umalis ng bahay." sagot niya.
Napatango ako. I never thought that Cali would do all these things. "Teka, anong oras na ba? Kung ginawa niya ang lahat, maaga kayong gumising? Pati si mama?" nakakunot noong tanong ko.
"Alas-otso po ay nagsimula na akong magwalis dito. Hindi ko alam kung anong oras na ngayon."
Tumingin ako sa langit. "Wala namang araw. Baka alas-sais pa ng umaga."
"Ate, nood-nood ka rin minsan ng balita, may bagyo po ngayon kaya makulimlim ang langit." malditang sagot niya.
Tumayo ako at pinanliliitan siya ng mata. "Ang taray mo na ngayon sa akin ah." nilapitan ko siya. "May kakampi ka na? Ha?"
"Opo hahahahahaha." malakas niyang tawa habang pilit na iniiwasan ang mga kiliti ko.
"Sino? Sino, Bebe? Ha?" kiniliti ko siya sa tiyan.
"Hahahahaha, Ate! Tama na po. Mayroon po ako ngayon!"
Napahinto ako sa isinigaw niya. Pinaharap ko siya sa akin. "Anong mayroon?" nagtataka kong tanong.
Namula ang pisngi niya at umiwas ng tingin.
Dumukwang ako ng kaunti upang magkapantay ang mukha namin. "Ivy, niregla ka na?"
Dahan-dahan siyang tumango. Ngumiti ako at hinawakan siya sa balikat.
"Ate, huwag mo nga akong tingnan. Nahihiya ako. Ang dami kong hiya ngayong umaga. Naman eh!" Atungal niya.
Kinurot ko ang pisngi niya. "Ba't ka naman mahihiya? Ate mo ako. Natural lang naman iyan bilang babae." nakangiting sabi ko. "Dalaga na ang baby ni ate. Kailan ito nagsimula?"
Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya. "Ngayon lang po. Kaninang umaga. Pero kasi, Ate...ay, nakakahiya."
"Wala ka bang sanitary pads kaya nahihiya ka? Bibilhan kita ngayon. Ano pa ang gusto mo?"
Umiling siya at napakamot sa kaniyang ulo. "May sanitary pads na po ako."
Inipit ko ang ilang hibla ng buhok niya sa likod ng kaniyang tainga. "Kung mayroon na, anong problema?"
![](https://img.wattpad.com/cover/284868058-288-k125509.jpg)
BINABASA MO ANG
His Personal Stripper (HIS SERIES #1) ✓
RomanceWARNING : MATURED CONTENT / R-18 / RATED SPG STATUS: COMPLETED✓ Maduming babae ang kadalasan na isinisigaw ng karamihan. Mababaw ang lipad kung ituring ng lahat. Bansag niya'y magdalena.Sa isang madilim, mausok at maingay nagtatrabaho si Damina Xris...