DAMINA‘S POV
NGUMITI ako nang idilat ko ang aking mga mata. Sobrang gaan ng pakiramdam ko pero sobrang sakit ng aking katawan. We did it countless times. Hinawakan ko ang kamay ni Cali na nakayakap sa tiyan ko. Nakatalikod ako sa kaniya habang siya ay nakaharap at nakayakap sa akin sa likuran.
Dahan-dahan ko siyang hinarap. May mga love bites sa leeg, balikat, at dibdib niya. How wild were we? Ngumiti ako nang dumilat siya.
“Morning.” namamaos niyang bati.
“Morning.” bati ko pabalik.
Hinalikan niya ako sa noo at niyakap ako nang mahigpit.
“Let‘s get up. May trabaho ka pa. Maghahanda pa ako ng agahan.” bulong ko.
“Birthday ngayon ni mama kaya wala akong trabaho.”
Tiningala ko siya. “Who's mama?” nagtataka kong tanong.
“Your mom.”
“And who gave you permission to call her mama?”
Dumilat siya at ngumiti. “Siya mismo. It was yesterday morning, she told me that I should address her as mama because I am his son already.” sagot niya.
“How did you knew that today is her birthday?”
“I am not your man for nothing.” sagot niya.
“Ate! Gising na ba kayo?”
Napasulyap ako sa pintuan nang marinig ko ang boses ni Ivy.
“Ate? Kuya? Ate Mina?”
“Yes, Ivy! Just a minutes. Lalabas na ako.” namamaos kong sagot.
Binalingan ko ng tingin si Cali na ngayo'y nakapikit. “If you're still sleepy, just sleep here. Lalabas lang ako.” saad ko.
Hinawakan ko ang braso niyang nakayakap sa akin at inalis. Umupo ako.
Hinila niya ako at niyakap. “I still want to cuddle you.” bulong niya.
Ngumiti ako at dinampian siya nang isang magaang halik sa labi. “You‘re getting cheesier each day.” nakangiti kong sabi.
“Am I?”
Tumango ako. “Bitaw na. Baka naiinip na si Ivy kakahintay sa akin sa labas.”
Ngumiti siya at dahan-dahan akong binitawan. “Susunod ako sa paglabas.” saad niya.
Dumapa siya ng higa. Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kama. I'm only wearing an underwear. Napatingin ako sa braso at hita ko. Ang daming mga love marks. Nilingon ko si Cali na ngayo'y nakangiting nakatingin sa akin.
“Look what you did!” bulalas ko.
“Look what you did to me as well.” sagot niya.
Kinuha ko ang unan at hinampas siya. Tumawa siya. Tumayo ako at pumunta sa cabinet. Kinalkal ko ang mga damit ko. Kinuha ko ang pajama at ang turtleneck long sleeves. Isinuot ko ito at tiningnan ang sarili ko sa salamin. May isang love bite sa kaliwang panga ko. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko upang matakpan ang marka. Lumabas ako ng kuwarto. Naabutan ko si Ivy na nagwawalis sa sala.
“Ivy...”
Tiningnan niya ako. “Morning, Ate.”
Ngumiti ako at naglakad papunta sa upuan. “Morning, beh. Bakit mo nga pala ako tinawag?” umupo ako.
Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. “Birthday ngayon ni mama. Anong gagawin natin? Anong ihahanda natin?” nakangiti niyang tanong.
“Just the usual. Pupunta tayo sa Simbahan upang magsimba at kakain sa labas. Why? Do you have any plans?”
BINABASA MO ANG
His Personal Stripper (HIS SERIES #1) ✓
RomanceWARNING : MATURED CONTENT / R-18 / RATED SPG STATUS: COMPLETED✓ Maduming babae ang kadalasan na isinisigaw ng karamihan. Mababaw ang lipad kung ituring ng lahat. Bansag niya'y magdalena.Sa isang madilim, mausok at maingay nagtatrabaho si Damina Xris...