CHAPTER 40

687 17 0
                                    

DAMINA'S POV


3 YEARS LATER...

YURI EMILY and YUMI EMERY. I never thought I could have these two great blessings in just nine months of bearing them in my womb.

"Mama, whewe's Papa?" bulol na tanong ni Yuri.

Even if they are still 2 years old and coming 3 years next two months, ay alam ko na kung sino sa kakambal ko ang mamasgirl at papasgirl. It's obvious that Yuri is papasgirl. Everytime she did not see her father, she'll ask you nonstop. And Yumi is both mamasgirl and papasgirl.

They are identical twins. Kung hindi mo sila lubusang kilala ay malilito ka kung sino sa kanila si Yuri at Yumi dahil wala namang kaibahan ang kanilang mukha. Everything are the same.

Pero sabi nga ng karamihan na ang lahat ng tao ay hindi magkatulad dahil kahit kambal ay may pagkakaiba. Which is true. There are two different signs I noticed to determine which of them is Yuri and Yumi.

First are their personality. Si Yuri ay mayumi, hindi palatawa, at palaging natutulog. Habang si Yumi ay kabaliktaran naman sa kaniyang kakambal. Burara si Yumi. Palatawa. Talkative. At palaging active. Iyakin din. Kay Yumi lang kami mahihirapan sa pagtulog ng maayos. Kapag iiyak si Yumi tuwing madaling araw ay mahimbing lang na matutulog si Yuri. Parang walang nangyari. Pero bata pa sila. Alam kong magbabago pa sila kapag malaki at ganap na dalaga na.

Second are their birthmarks and it can be found on their napes. Pareho ang porma at kulay ng kanilang birthmarks pero magkaiba ang laki. Circle ang shape at kulay brown. Kay Yumi ay malaki, kasing laki ng 1 peso. Habang kay Yuri ay maliit, kasing liit ng centavo.

Ngumiti ako at kinarga si Yuri. "Papa is working, baby."

She put her thumb finger inside her mouth. "He'll come home late, Mama?"

"No. Later, papa will come home. Why? Do you miss him already?"

She nodded her head repeatedly.

Kinakabahan akong napatingin sa kinaroroonan ni Yumi nang marinig ko ang malakas na kalabog. Nadulas ito at nauntog ang ulo sa sahig. Ibinaba ko si Yuri at agad siyang nilapitan.

She's crying so hard and loud. Kinarga ko siya at hinagod ang kaniyang likuran.

"Hush, baby. It's okay. It's okay. Mama is here. Where's hurting?"

Kahit umiiyak ay nagawa niya pa ring ituro ang likuran ng kaniyang ulo.

"Kiss ni Mama ang ulo para mawala na ang sakit?" Mahina ngunit malambing kong tanong.

Tumango siya.

"Mama!"

Napatingin ako sa pintuan nang marinig kong tinawag ako ni Yibo. Humahangos siyang pumasok sa loob ng kuwarto.

"Ano po ang nangyari? Ba't umiiyak si Yumi?" Tanong niya kaagad.

Soundproof itong kuwarto namin ni Cali at dahil nakabukas ang pinto ay mukhang narinig niya ang ingay.

Hinalikan ko ang ulo ni Yumi.

"Nadulas, Anak. Mukhang pinaglalaruan na naman niya ang kaniyang gatas. Pakipunas naman, Yibo. Baka dadaan ang kapatid mong si Yuri diyan." pakiusap ko.

"Mama, it's still huwt!" Ngawa ni Yumi habang nakahawak pa rin sa likod ng kaniyang ulo.

"Opo, Ma." tugon ni Yibo sa pakiusap ko.

"Thank you, Anak." binalingan ko si Yumi. She's still crying. "Kiss ulit ni Mama." Saad ko. Tumango siya kaya hinalikan ko ng paulit-ulit ang kaniyang ulo.

His Personal Stripper (HIS SERIES #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon