Enjoy Reading, Honeys<ü
AFTER A WEEK OF BEING BUSY, The six of them went to Lucas' Bar, the Twilight Club. Ngayon lang sila nagkaroon ng time dahil sobrang naging busy silang lahat, mula mga school activities at mga thesis.
Sofia was emotional seeing Tiffany's friends prepared a Welcome party for her.
And to Tiffany who seen her friend; Sofia, with teary-eyed, she went beside her and hug her from side.
Hera, too went beside them. "Welcome to our Family" She cheerfully welcome Sofia.
Lucas, Kyle and Joshua did the same.
"Inuman na." Masayang sigaw ni Joshua.
Binatukan naman ito ni Kyle. "Gago! Kakarating lang natin dito."
Nalukot ang mukha ni Joshua. "Eh, ano namang gagawin natin, alangan namang maglalaro pa tayo?"
Napangisi si Lucas. "Why not?"
The five of them except Hera, looked at Lucas flatly.
"Ang tatanda na natin." She smiled sarcastically.
"Ewan ko kasi dito kay Lucas, tumatandang paurong." Segunda ni Kyle.
Tumabi si Hera kay Lucas. "Bakit? Pwede pa naman tayong maglaro kahit matanda na tayo ah."
Naningkit ang mga mata niya kay Hera. "Seryoso? Hello! May anak ka na, be." Paalala niya rito.
"Eh, ano naman?" Tanong ni Hera.
Wala palang nabago sa kaibigan niya kahit kunti. Hera will always be Hera.
"Pagbigyan niyo na, hindi nakapaglaro 'tong si Hera noong bata pa, e. Palibhasa puro tulog lang ang ginawa." Pagtatanggol ni Joshua kay Hera.
Sa huli, natagpuan na lang niya ang sariling naglalaro ng mga pambatang laro katulad nang lagi nilang ginagawa. They play, sing along. Ang bawat minuto ay sinulit nila hanggang sa mapagod silang anim.
Ang bawat isa ay hinihingal ngunit hindi nabura ang mga ngiti sa labi ng mga ito.
Hindi nagtagal ay nakarating ang asawa ni Hera para sunduin ito.
"Bakit pawis na pawis ka?" Tanong ni Professor Clinton kay Hera habang pinupunasan ang mukha nito pababa sa leeg.
Masayang nagkuwento si Hera sa asawa na parang bata.
Nakatutok lang ang atensiyon niya sa mag-asawa. Hindi siya makapaniwalang ang strikto at cold na professor ay makikita niyang sobrang lambing sa kaibigan niya, ang kinakatakutan at kinahuhumalingan ng halos lahat ng mga kababaehan sa Donovan University ay asawa na ngayon ng kaibigan niya.
"Mauna na kami." Paalam ni Professor Clinton, kinuha nito ang bag ni Hera at ito na ang nagbitbit.
Nang mawala na sa paningin nila ang mag-asawa ay nagkatinginan silang mga naiwan at sabay-sabay na tumawa kahit na wala namang dahilan.
"Mga baliw." She muttered.
Kunot-nuong kinuha niya ang cellphone nang marinig na nagri-ring iyon. Kumalabog ng malakas ang dibdib niya nang mabasa ang pangalan ni Deandree. Tumikhim muna siya bago niya sinagot ang tawag.
Hindi siya nagsalita at hinintay na mauna ito.
"I'm outside, come over here or else I'll get you there myself." Nangunot ang noo niya dahil sa tono ng pananalita nito. He sounds so strict and domineering, things that is new to her.
"H-hello...ikaw ba iyan?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"I'm counting from one to ten, kapag hindi ka pa bumaba diyan, bubuhatin kita pababa." Tunog nagbabanta ito. Sa sobrang pagkalito niya kung bakit ganun ang binata ay mabilis niyang iniligpit ang mga gamit niya.
"Uuwi na ako mga babes. See you tomorrow." Nagmamadali siyang kumaway sa mga ito at halos tumakbo na para lang mabilis siyang makababa.
Natagpuan niya si Deandree'ng nakasandal sa mamahaling kotse nita, nakapamulsa at diretso ang tingin sa kaniya. Nakapamewang na hinarap niya ito.
"Bakit?" Kalmadong tanong niya rito.
BINABASA MO ANG
Escaping Hell (Dark series book 2)
General FictionTIFFANY RODRIGO has a luxiury life before. What she wants is what she get, her parents were well-known when it comes to bussiness. But everything has changed when her parents died, she became messirable, her life was dragged in hell when her aunt to...
