CHAPTER 7

748 20 3
                                        

Enjoy reading, Honeys<3

DEANDREE sighed while looking at the woman who have a pale skin and dry lips. Basa pa ang pisnge nito dahil sa luha.

"Such a tough woman." Bulong niya rito at pinunasan ang mga luha nito.

Sa damdamin niya ay unti-unti ng umuusbong ang galit sa mga taong umabuso sa dalaga. How dare them hurt such an innocent kid! Kahit natutulog ang dalaga ay maingat niya itong pinadapa.
Napalunok siya habang unti-unting itinataas ang laylayan ng damit nito.

Kailangan niyang kuhanan iyon ng litrato para may ebidensiya silang hawak. Kaya naman niya kahit wala iyon pero mas mapapadali kapag meron siyang hawak na katibayan. Kinuhanan niya ang lahat ng pasa at sugat sa katawan ng dalaga. Kakausapin niya na lang ang dalaga tungkol dun kapag nagising na ito.

Nang matapos ay binuhat niya ang dalaga at pumanhik sa nag-iisang kwarto ng condo niya. Nang mailapag niya ang dalaga sa malapad na kama ay tinitigan niya muna ang mukha nito.

Napaisip siya, dahil sa estado ng dalaga ay hindi pa sila pwedeng mag-file ng kaso. Malamang ay takot pa ito sa mag-asawang kumupkop rito. Paano niya ito haharapin? Baka kapag nasa korte na sila ay hindi na ito makapag-salita ng maayos, siya nga ay hindi niya pa maririnig ang ilang nangyari rito kung hindi pa ito lasing. Ramdam niyang hindi pa ito handang ikuwento ang buong nangyari. Ang kailangan niya na lang gawin muna ay hintayin ito at tulungang maka-recover. Pero paano nga ba niya tutulungan ang dalaga? Sa anong paraan ba para mapadali ang paggaling nito?

He let a frustrated sighed. Kahit siya ay hindi alam kung paano mag-uumpisa.
Kesa naman as tumunganga siya ay tatawagan na lang any mga kaibigan niya baka sakaling makihingi siya ng kahit kaunting payo.

Napabuntong hininga siya nang maalalang wala naming matino sa mga kaibigan niya.

"Oh, wait.. tama. Si Clinton pala, pwede akong humingi  ng tulong sa kaniya." Napa-ngiti siya sa naisip. Ang alam niya ay nagkaroon din ng truama ang asawa nito dati at nagpa-therapy rin iyon at tapos narin ang session nito at masasabi niyang maayos na nga ito.

"Hello" halos pasinghal na bati sa kaniya ng kaibigan.

Napailing-iling na lang siya bago sumeriyoso. "May itatanong lang sana ako sayo."

"Bilisan mo sa pagtatanong dahil namomroblema ang asawa ko ngayon dahil hindi na daw nila ma-contact ang kaibigan nila." Mababakas ang pagod sa boses ng kaibigan.

Napailing na lang siya. Hindi parin nawawala ang pagiging inosente ng asawa ng kaibigan. "Ilang oras na bang nawawala ang kaibigan niya at parang problemadong-problemado iyang asawa mo?"

"Ilang linggo na daw na hindi nagpaparamdam sa kanila. Atsaka pwede ba magtanong ka na kung ano man iyang itatanong mo. Buntis ang asawa ko at ayaw kong namomroblema siya, tutulungan ko pang hanapin ang kaibigan nila." Nakikinita niyang nakabusangot na ang mukha nito.

Tumikhim siya bago nagsalita. "May nakilala kasi akong katulad ng nangyari sa asawa mo no'ng magising ito sa hospital." Ang tinutukoy niya ang pagwawala ng asawa nito dati sa hospital matapos nila itong mailigtas sa nanay nito at sa lalakig nagngangalang Archie. "Anong ginawa mo para mapakalma siya?"

Saglit na natahimik ang nasa kabilang linya. "Hindi biro ang magkaroon ng truama dahil nakita ko na iyon sa asawa ko. Wala akong ibang maipapayo kundi ang ilayo muna ang taong tinutukoy mo sa mga tao, gaya ng ginawa ni Hera sa akin dati, maski ako ay iniwan niya." Napatawa ang kaibigan ng mahina. "Kung pwede ay dalhin mo sa lugar kung saan marerelax ang utak nila. At huwag mong pipililitin kong ayaw niyang tabihan mo siya dahil baka mas lalong ma-trigger ang trauma nila. Hayaan mo lang dahil darating ang araw na sila mismo ang yayakap sayo." Mahabang lintaya ng kaibigan. Oo para sa kaniya iyon na ang pinakamahabang sinabi ng kaibigan niya.

Escaping Hell (Dark series book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon