Enjoy reading, Honeys.
Tulala lamang siya habang nakatitig sa maputlang katawan ni Tiffany. Muntik na ito kahapon dahil masyado na raw maraming dugo ang nawala sa katawan nito. Kinailangan pa nilang maghanap ng magdodonate ng dugo na katulad nang kay Tiffany. Wala siyang pahinga mula kahapon at magdamag niya itong binantayan. Hindi siya umalis sa tabi nito. Natatakot siya na baka kapag nagising ito ay magwala na naman ito. Atleast siya ay kilala na nito.
Marahan niyang hinawakan ang pulsuhan nitong may benda. Pinakatitigan niya ang mukha nito.
"Anong ginawa nila sayo? Bakit marami kang sugat sa likod?" Nagtagis ang bagang niya nang maalala ang sinabi ng doctor kahapon.
Nahirapan sila kahapon dahil hindi na nagre-response ang katawan nito dahil daw sa masyadong napagod iyon. Bukod doon ay marami na raw na dugo ang nawala sa katawan nito. Hindi lang ang pulso nito ang nagdurugo, pati rin pala ang likod nito ay may mga sugat din na ayon sa doctor ay bakas ng latigo. Ang iba ay naghilom na ngunit ang iba ay nagdurugo parin.
"Where the hell did you came from?"
Nakakaramdam siya ng awa para sa dalaga ngunit mas nangingibabaw ang galit niya sa tao o mga taong gumawa non sa dalaga. Hindi makatarungan ang dinanas nito kahit hindi pa naman niya alam ang buong nangyari rito.
Paano na lang pala kung hindi niya ito nakita no'ng gabing iyon? Ano kaya ang mangyayari sa dalaga? Paano kung hindi siya ang kumupkop dito?
"Pangako, pagbabayarin natin ang mga gumawa niyan sayo." Kumuyom ang kamao niya.
Ang gusto niya lang linawin ay kung sino ang may kagagawan n'on sa dalaga.
Ilang oras ang binilang niya bago ito nagmulat ng mata.
Tinitigan niya lang ang walang buhay nitong mga mata. Mayamaya lang ay nagsilaglagan ang mga luha nito.
Mabilis niya itong dinaluhan. "Hey, it's okay. I'm here." Bulong niya rito.
Kahit umaagos ang mga luha sa mga mata nito ay nanatili paring blanko iyon.
"BAKIT HINDI PA AKO PATAY?" nanghihinang tanong niya. Why? Why god wont let her die? Para saan? Para mas maghirap pa ang buhay niya? Hindi pa ba sapat ang mga dinanas niya? Kulang pa ba? Kasi hindi na niya kaya pa. Ayaw niya na at gusto na niyang magpahinga. Mahirap ba iyon?
"Kasi hindi ka pa pwedeng mamamatay. Hindi ka pwedeng mamatay dahil marami ka pang dapat na tapusin. Kailangan pa nating pagbayarin ang mga taong nagkasala sayo." Pagkausap sa kaniya ng binata.
"Pero ayaw ko na. Hindi ko na kaya pa." Sumbat niya rito.
"No, you must be tired but it doesn't mean that you are going to give up. Rest if you are tired." Napaka-seryoso nito habang nagsasalita.
"Hindi ko alam kung ano ang dinanas mo at hindi ko din maramdaman kung anong sakit ang nararamdaman mo sa mga oras na ito, but please, Fight for your life. Sigurado ka ba na walang masasaktan kapag nawala ka? Sigurado ka ba na walang iiyak kapag nawala ka? Kasi ako, hindi ako naniniwalang walang masasaktan kapag nawala ka." Dagdag pa nito. Na nagpatahimik sa kaniya.
Isa sa dahilan kung bakit gusto niya ng tapusin ang buhay niya dahil hindi niya alam kung paano magsisimulang muli. Kung saan siya kakapit? Kung saan siya uuwi?
"I don't know anymore." Bulong niya sa kawalan.
"Rest. You need it" saad nito at marahan na sinuklay ang buhok niya gamit ang daliri.
Their closeness was soffucating her, pero wala siyang naging reklamo. Magsisimula siyang labanan ang takot niya dahil hindi niya dapat iyon maramdaman.
Ipinikit niya ng mariin ang mga mata at kinagat ang pang-ibabang labi. Ayaw niya ng matakot! Gusto niyang labanan ang takot niya.
BINABASA MO ANG
Escaping Hell (Dark series book 2)
Ficción GeneralTIFFANY RODRIGO has a luxiury life before. What she wants is what she get, her parents were well-known when it comes to bussiness. But everything has changed when her parents died, she became messirable, her life was dragged in hell when her aunt to...
