CHAPTER 27

601 17 6
                                    

Enjoy reading, Honeys.

KINABUKASAN nang magising si Tiffany ay daig pa niya ang nalumpo. Hindi niya maigalaw ang binti dahil pakiramdam niya ay para siyang hinahati sa sakit. Ipagpapasalamat ba niya na ba na nakakaramdam na siya ng sakit ngayon? Napabuntong hininga na lang siya. Hindi niya magawang magpasalamat dahil sa sakit na nararamdaman niya.

Dumako ang mata niya sa binatang natutulog sa tabi niya.

"So Handsome." She murmured.

Nang kumirot na naman ang pagkababae niya ay hindi niya napigilang hindi hampasin ng unan ang natutulog na si Deandree. Tutal ay kasalanan naman nito kung bakit siya nasasaktan ngayon. Hmp!

Si Deandree naman ay napabalikwas ng bangon dahil sa unan na humapas sa mukha niya.
Pupungas-pungas na humarap ito kay Tiffany na hindi na maipinta ang mukha dahil sa iniindang sakit.

"What? Why did you—" Natigilan si Deandree nang mapansin ang itsura ni Tiffany.

"G*go ka! Ang sakit!" Reklamo ni Tiffany. 

Deandree started to panic. "Where? Saan ang masakit? What happened?" Sunud-sunod na tanong nito. Halatang walang ideya kung bakit may iniindang sakit ang dalaga.

Napapikit na lang ng mariin si Tiffany bago binatukan ng malakas si Deandre. "Shuta ka! Nagtatanong ka pa talaga! Ikaw kaya ang pasukan ng malaking t*t* hindi ka mawawasak?"

Deandree's lips parted. Ilang beses siyang napakurap-kurap. Hindi siya makapaniwalang magiging kasalanan pa pala niya iyon, e samantalang ito naman ang umararo sa pagkalalaki niya.
"But...you are the one—"

"Anong ako?" Malakas ang boses na tanong ni Tiffany.

Napangiwi na lang si Deandree. "Sabi ko nga kasalanan ko." Bulong niya sa hangin.

Tiffany groaned in annoyanced before she slowly get up. Ilang beses pa siyang napamura nang sumigid muli ang kirot. Dahan-dahan siyang naglakad papuntang banyo, ngunit hindi pa man siya nakakalayo sa kama niya ay binuhat na siya ni Deandree.

NAGPA deliver na lang sila ng breakfast nila mula sa fastfood chain. Pagkatapos nilang mag-agahan ay binuhat ulit siya ni Deandree pabalik sa kwarto niya.
At dahil wala silang mapuntahan ng binata dahil sa makirot nga ang pagkababae niya ay napag-desisyunan nilang manuod na lang ng movie sa loob ng kwarto niya. Ang pinili nilang movie ay iyong mga comedy lang.

They spent their whole day talking each other, doing corny stuff, such as cuddling, but it doesn't matter, both of them are happy at what they are doing.
Sinulit na niya ang binata dahil alam niya kung gaano ito ka-busy na tao. Ang kompaniyang naiwan kasi ng mga magulang niya ay ito na ang namamahala. Hindi niya iyon mahawakan dahil nga sa wala siyang alam sa mga bussiness‐business na iyan. Ang kursong kinuha niya ay Fashion Designer kaya naman walang connect iyon sa Enterprises ng mga magulang niya.
Magmula nang bata pa siya ay pangarap na niyang maging Fashion Designer at balak na sana niyang mag-shift ng kurso buti na lang ay pumayag si Deandree'ng maging president ng kompaniya nila. Gusto daw nitong matupad niya ang kung ano mang pangarap niya at kung saan siya masaya. Nanatili parin namang nakapangalan sa kaniya ang kompaniya ngunit hindi siya ang namumuno doon.
Hindi niya na talaga maisip kung sakaling hindi siya natagpuan ni Deandree, tulad ng palagi niyang sinasabi, siguro ay wala na siya ngayon sa mundo. 

WEEKS passed in she is now okay. Hindi niya kasama ang binata dahil may meeting itong kailangang puntahan atsaka isa pa ay ayaw niya ring isama ang binata sa pupuntahan niya.

Sumakay siya ng elevator na maghahatid sa kaniya pababa. Nang nasa labas na siya ay naghinatay siya ng taxi'ng maghahatid sa kaniya sa pupuntahan niya.
Hindi naman nagtagal ay nakasakay narin siya. Sinabi niya ang address bago umandar ang kinalululanan niya.
Panay ang buntong hininga niya habang nasa daan pa siya, hindi niya maipaliwanag ang eksaktong nararamdaman. Ang alam niya ay kanina pa nanlalamig ang mga palad niya.

Escaping Hell (Dark series book 2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon