Chapter 11

21.9K 577 21
                                    

NAGISING si Krizzia na wala si Killian sa tabi niya. She sighed and stretch her arms, he must be back to his work dahil hindi nito natapos kagabi. After eating and taking a picture together, hindi niya pinalabas sa kwarto si Killian. She even made sure na mahimbing ang tulog nito bago siya natulog.

"Good morning!" Rayze greeted. As usual, may dala itong paper bag at inilapag sa coffee table.

Krizzi smiled, "morning, breakfast ko?" She asked and forced herself to sat, kahit tinatamad pa siyang bumangon.

"Yep." She answered popping the 'p'.

"Si Killian?" Krizzia asked. Inabot niya ang nakapatong na pony tail sa side table at tinali ang magulong buhok niya, kinusot din niya ang mata at pasimpleng hinilamos ang mukha dahil baka may muta pa siya sa mata at panis na laway sa gilid ng labi. Not that she's drooling while sleeping.

"Ahh, he's working and if nag aalala ka kung nag-almusal na siya... Yes, he already had breakfast." Sagot nito.

Krizzia chuckled and nod her head. Hindi na alam ang sasabihin para ipagpatuloy ang nasimulan nilang conversation, palasalita lang siya at may lakas na magmura kung matagal na niyang kakilala ang isang tao. Just like what she's doing when she's with Angelyn.

"I was really genuinely curious what's your relationship with Killian aside from being his friend. Ikaw ba 'yung sinusuyo niya? Nililigawan?" Biglang tanong ni Rayze.

Krizzia bit the side of cheek. She forced herself first to leave the soft bed, baka makatulog na naman siya bigla dahil sa sobrang lambot nito. And the scent of Killian was attacking her nostrils, isa sa dahilan kaya ayaw niyang tumayo.

"Yeah, he's been courting me since then. We're still figuring out how our relationship will work, in short, it's complicated." Alanganin ang ngiti na ibinigay ni Krizzia kay Rayze.

It's her who's making their relationship complicated. Pwede naman niyang sagutin nalang si Killian, at lagyan ng lebel ang kung ano man ang meron na namamagitan sa kanilang dalawa. After all, pumayag na siya na may mangyari sa kanilang dalawa at magtabi sa iisang kama. Cuddling and kissing.

She's too afraid of her mother reaction, lalo na at hindi maganda ang huling pagkikita nilang dalawa. And the fact that she's being silent, ayaw na ayaw niyang nananahimik ang mommy niya. Iniisip palang niya na may balak na naman itong gawin sa kanya at kay Killian, libo libong boltahe na ang dumadaloy sa ugat niya, enough to gave her a severe panic attack again.

"Oh, okay!"

Kumunot ang noo ni Krizzia sa sagot ni Rayze, she even picked up her phone and started tapping it. Pinagkibit balikat nalang ito ni Krizzia. Naghilamos muna siya bago umupo sa sofa at inumpisahan na kainin ang almusal niya. It's still early at hindi pa naman tumatawag si Angelyn sa kanya. That means her husband is still in the house.

It was just a simple breakfast, bread and coffee. Na binili siguro ni Rayze sa tapat na coffee shop nitong building. Killian already called Rayze outside kaya tahimik na naman ang buong kwarto. She picked up her dirt and threw it on the trash bin.

Bago pa siya tawagan ni Angelyn, kumilos na si Krizzia. She take her time cleaning her whole body in the shower, and making her self pretty kahit magiging baby sitter siya for a day. Nang matapos siya, she picked up her small bag and phone na naka charge.

"It's her decision, not mine. Convince her again or maybe it's better to change the male lead. That's more convenient, don't you think so Director Art?"

Malumanay ang boses pero naiiritang mukha ni Killian ang nabungaran ni Krizzia pagkalabas niya ng kwarto. Good thing he was alone.

"Hmm, I don't care. Ang safety ng mga talent ng Agency ko ang top priority namin dito, and she already backed out. I wonder why?"

LCS8: Killian Hernandez (Completed)Where stories live. Discover now