Chapter 14

21K 620 64
                                    

SINUKLAY ni Krizzia ang buhok niya gamit ang mga daliri niya habang naghihintay kay Angelyn. They have to attend a seminar today. At sa kabutihang palad, Killian is busy with their friend. Ang huling balita nito sa kanya ay nagtatapon sila ng mga bote ng alak.

"Kri! Get in!" Angelyn shouted.

Isang artista van ang pumarada sa harap niya. The usual van na laging gamit noon ni Kyst kapag sinusundo ang mag-ina sa dati nilang school na pinagta-trabauhan. Agad siyang sumakay at tumabi kay Angelyn, she looks lively and her face glowing.

"Iba talaga kapag nasa tamang tao ka na no?" Nakangising tanong niya kay Angelyn. Pabiro niyang pinisil ang mamula mulang pisngi nito. "Ganda mo oh!"

"Marunong mag-alaga si mister e," angelyn answered and shrugged.

Krizzia grinned. "Sabihin mo muna 'Salamat Krizzia!'" She playfully said.

Pabirong umirap si Angelyn na ikinatawa niya. They keep on entertaining each other while they're on their way. Wala siyang idea kung saan gaganapin ang seminar nila, at tinamad na siyang alamin.

Nagkulitan lang silang dalawa ni Angelyn, she kept asking how's her relationship with Killian. She's too opened to Angelyn, pero hindi ganoon ka open na ik-kuwento niya ang kababalaghan na ginagawa nila at kung paano siya nito muntikan ng lumpuhin noong isang araw.

"Wala bang pag-asa si Killian sayo? Pilyo lang naman ang isang 'yon pero mabait si Killian." Angelyn said persuasively.

Umangat ang isang kilay niya. "Tangina ka, may sinabi ba akong masamang tao ang siraulo na 'yon? Isa pa, hindi ako pumapatol sa gago!" She answered. Yeah right, hindi siya pumapatol sa gago. Krizzia mentally rolled her eyes. Gusto niyang palakpakan ang sarili ngayon sa kasinungalingan na lumalabas sa mismong bibig niya.

"Hindi na siya gago ngayon!" Parang bata na sagot nito sa kanya, bahagya pang nakasimangot ang mala anghel na mukha nito.

"Para kang timang gaga!" Natatawang ani niya habang nakatingin kay Angelyn. "May tatlong anak ka na, Angelyn. 'Wag mo akong artehan!"

"Well, he's really a nice guy. I haven't seen him with other woman than you, lagi nga yatang nakadikit sayo. See? Hindi pa kayo loyal na siya sayo!"

Krizzia laughed. Sapo pa nito ang tiyan.

"Ngayon alam mo na ang pakiramdam ng ma frustrate dahil sa love life ng kaibigan mo? Gaga! Galingan mo pa ang pagbebenta mo kay Killian, hindi pa tumatalab!" Pang-aasar niya kay Angelyn.

Kung kinukuha lang agad ni kamatayan ang mga taong nagsisinungaling, siguradong siya ang nasa unahan sa listahan. She kept lying about what she really feels for his ex bestfriend. Ex bestfriend dahil matagal ng certified asungot sa buhay niya, manliligaw, at boarder sa unit niya si Killian.

She's not yet ready to admit to him and to herself that she might be feeling the same way. Krizzia's mind were having a battle. Kung nagugustuhan na ba niya si Killian dahil gusto na ng puso niya? O nagugustuhan niya lang ito dahil laging nasa tabi niya si Killian and he was just that 'Panakip butas' to her shitty and messy life.

Hindi pa siya sigurado.

Even though she feels butterflies in her stomach, that sweet sensation every time he'll touch her, t'wing tumatalon ang puso niya kapag hinahalikan siya nito.

Krizzia was scared of the possible outcome if she say those words.

"Nagtatampo ako sayo," Agad siyang lumingon kay Angelyn dahil sa sinabi nito. "We're friends for God knows how long! Bakit hindi mo sa akin sinabi na lagi kang isini-set ng mommy mo sa mga blind dates? Bakit hindi mo sinabi sa akin na ganoon pala ang trato niya sayo simula noong mangyari ang insidente na 'yon? Ang sabi mo ayos lang naman. But I was really surprised when she suddenly caused a scene... Tapos, nakita pa kita na halos hindi na gumalaw."

LCS8: Killian Hernandez (Completed)Where stories live. Discover now