Kanina pa ako nakatunghay dito sa isang lalaki sa harap ko. Ang gwapo niya talaga, kainis!. Pero nung lumapit ang girl sa harapan nya bigla ko nalang inalis ang tingin sa kanya. Umupo ako sandali sa may canteen banda sa likoran nya. Napatingin nalang ako bigla sa harapan ko nang lumuhod sya at may ibinigay sa akin. " para sa'yo" sabi nya at parang nahihiya pa. Di ako makapag-salita at patuloy parin akong nakatitig sa kanya. "hindi mo ba! kukunin?" asked nya ulit. Pero ako nakatitig padin sa kanya. "HEY!!" Napagising ako sa pagkasigaw nya at napatayo bigla. "te-teka ba-bakit ako??" sabi kong itinuturo ang sarili ko. Tumayo din sya at niyakap nalang ako, then ibinulong nya. "ikaw kasi ang nagustuhan kong maging date sa prom night". Bigla syang kumiti at lahat ng students ay nag-sigawan. "AYIIIEEHHHH" sigaw nila.
