Batangas Part 2

8 1 0
                                    

Chapter 16
Anderson POV

Putek kanina pa ko badtrip simula sa byahe pano naman kasi kung makatitig yung kaibigan ni empress sakin kala mo tutunawin ako , oo nakikita ko dahil sa gilid ng mata ko saka di naman ako ganun ka insensitive para di maramdaman yun bwisit. Nandito kami ngayon sa resort nila clark ng magyayang mag break fast si empress mga 8 narin kasi kami nakarating dito.

'Tara guys breakfast na muna tayo nagutom ako sa byahe ei'
Pagaaya nito ang takaw talaga nito napuna ko lang

'Ang takaw mo' sabi ko dito

'Hoy hindi no gutom lang ako'-empress

'Weew? Ang takaw mo kaya , kaya ang taba mo ei' pangaasar ko haha

'Hoy anong mataba ka jan? Bwisit to' sabay hampas sakin sa balikat

'Mataba kana flat chested kapa hahaha' ang sarap talaga nitong asarin ngayon lang ako nagkaron ng time asarin to nung slave ko pa kasi sya pinapahirapan ko lang yan ei kaya ngayong friends na kami aasarin ko naman sya hahaha

'Heh manyak ikaw nga dyan ano ei ano' nagiisip pato ng sasabihin

'Ano? Wala kang maasar sakin no? Gwapo na kasi ako'

'Che bwisit mayabang' ayun nag walk out haha

'Gwapo naman' pahabol ko. Ang sarap nya asarin kesa pahirapan ewan ko ba simula dun sa nagyaring kiss hindi ko na maintindihan yung nararamdaman ko ang weird.

Empress POV

Ughh bwisit na anderson yon porket pogi na laki ulo na bwisit talaga yun ughh bakit ba hindi sya nagmana sa best friend nya ang bait bait ang opposite ng ugali nila kaya ayun nagwalk out ako wala na kong gana kumain kaya pumunta na muna ko sa room namin ni best

'best buti kapa nakakapagasaran kay anders kainggit ako kasi di nya masyadong pinapansin gawan mo naman ng paraan oh' kawawang best friend hays saka di ako natatawa makipagasaran sa mokong na yun nuh

'oo tutulungan kita saka anong buti pa ko? Ei halos balatan ko na ng buhay yun sa inis ko ei'

'Wag ganun best mahal ko yun iba nalang'

'Haha para kang timang' umakting pa kasi syang umiiyak

'Basta ha wag kang mafafall sa kanya kasi di ko alam kung anong gagawin ko kung sakali' magemote daw ba?

'Haha sira asa ka pa kay clark pwede pa pero dun sa mokong na yun na walang alam kundi pahirapan ako at asarin ughhh sana talaga hindi na lang ako pumayag maging friends at slave nya at the first place' bwisit kong sabi

'ano best nakipagfriends sya sayo?' Ay oo nga pala di ko pa nasasabi sa kanya

'Oo hindi na niya ko slave kasi nagsasawa na daw sya kaya friends na lang daw kami ewan ko ba sa takbo ng utak nun'

'Edi ok mas matutulungan mo kong mapalapit sa kanya diba? Kasi friends na kayo' oo nga noh edi mapapadali pala ko

'Oo nga noh haha edi maganda'

-

Clark POV

Hays ang ganda talaga nya lalo na the way na ngumingiti sya lalong nakaka fall. Nandito ako ngayon sa sofa ng resort na tanaw mo ang dagat tinitignan ko lang si empress na nakikipag asaran kay anderson si miller naman nakatitig lang kay anders pansin ko dito she likes my bestfriend kung tumitig kasi grabe hindi naman sya pinapansin ni anders. Si empress posible kayang mainlove sya kay anders? At ganun din si anders? Well wala pa naman ako nakikita sa mga mata nila na nahuhulog na sila sa isat isa kaya may pagasa pa ko kay empress yeah i like her since the first we met na love at first sight kumbaga basta ang alam ko gusto ko sya gustong gusto.

Miller POV

Hays ampogi talaga ni anders no doubt kaya nainlove ako sa kanya ei kahit snob sya ayos lang kahit medyo nagseselos ako minsan kasi mas close sila ni empress kesa sakin pero ok na din mas mapapadali si best na paglapitin kami

'Hoy ano ba wag mo ngang sirain yung sand castle ko' inis na sabi ni empress

'Sus ei ang pangit mo naman gumawa ei' pangaasar naman ni anders

'Ah ganon ah' nilagyan ni empress si anders ng buhangin sa ulo kaya gumanti si anders

'Hoy ano ba itigil mo nga yan'-anders

'Ayoko'-empress

'Ah ganun ah halika dito' ayun naghabulan sila na parang bata nakakainggit lang at the same time nakakaselos pero hindi naman ako dapat magselos kasi alam ko naman na walang malisya.

'Imposible naman na mafall si best kay anders hindi oo tama imposible' sabi ko sa sarili ko

'Pero si anders imposible din kayang hindi sya mainlove kay empress?' Nagulat ako sa nagsalita sa likod ko si clark.

'Edi mainlove sya alam ko naman na hindi ako tataluhin ng bestfriend ko may usapan kami at alam nya yon kay imposible' sabi ko

'Well' nagkibit balikat lang ito. Mahal ko si anders at alam yun ni empress kaya sobrang imposible.

Author's note: hello :) nabilisan ba kayo sa story? Part kasi yun ng storya , marami pangmangyayari kaya sana wag kayo mabored guys suportahan nyo ko dito sa first story ko... pramis gagalingan ko pa ang paggawa para magandahan kayo GOD BLESS :*

BEST OF FRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon