Batangas Part 5

6 1 0
                                    

Chapter 19
Empress POV

Pagkatapos namin magdinner nagtayo kami ng bonfire sa tapat ng resort nagkayayaan kasing tumambay.

'Oh guys eto barbeque at isaw' sabi ni miller habang naglalakad papalapit samin dala yung mga pagkain.

'Wow nays ikaw nagluto nito best?' Tanong ko

'Oo naman kaya masarap tikman mo na dali'-miller kaya tinikman ko oo nga masarap

'Ano best?' Excited na tanong nito

'Oo nga masarap nays improving haha' pangaasar ko ei kasi naman diba super tamad nyan pagdating sa pagluluto o pagiihaw o ano pa man.

'Anders tikman mo to masarap' ibinigay nya kay anders yung isaw

'Nah. Hindi ako kumakain nyan' bagot na sabi nito

'Ah itong isa masarap din to' yung barbeque naman yung inabot nya

'Ayoko din' bagot ulit na sabi nito kaya naman nalungkot si best

'Ah best halika dito ka palit tayo pwesto dalii' magkatabi kasi kami ni anderson nakapabilog kami ei katabi kasi ni miller si clark kaya pinalipat ko sa pwesto ko para tabi sila ni anders haha. Nagtataka naman na tumingin sakin si anders

'Oh problema mo?' Tanong ko dito

'Bakit ka lilipat' kunot noong tanong nito

'Gusto ko kasing katabi si clark diba clark' sabay siko ko dito

'Oo wag kana magselos pars tatabi lang naman ei dyan kana kay miller' haha buti naman at sumakay sakin to si clark very good

Miller POV

Maygad kinikilig naman ako at magkatabi kami ni anders ang galing talaga ni best , kaso lang parang badtrip sya bakit kaya?

'Anders may problema ba?' Tanong ko hindi ito sumagot kaya hinayaan ko nalang

'Empress may pick up lines ako sayo' napatingin ako kay clark sa sinabe nya pati nadin si anders

'Ano yun?' Nakangiti sabi ni best

'Tae ka ba?' Tanong ni clark

'Yaaah ang baboy mo clark mukha ba kong tae? *pout*' ang cute ni best waaah

'Kasi hindi kita kayang paglaruan' naks bumabanat ba sya? Haha etong si clark obvious naman na gusto nya si best pero bagay naman sila ei kaya boto ako sakanya

'Ayiii ang mais mo clark haha' pangaasar ko

'Hindi bagay baduy' sabi naman ni anders. Kung ipick up lines ko kaya sya baka mawala yung pagka badtrip nya? Hehe oo nga nuh galing mo talaga miller

Anderson POV

'Anders alam mo ang bobo mo' napatangin ako kay miller ng magsalita ito tss. Kinunutan ko lang sya ng noo

'Kasi ikaw ang BOBOo sa buhay ko' huh? Ano bang pinagsasabi nito tss badtrip

'Yieee si best bumabanat' anong nakakatawa dun? Buti pa kung si empress yung nagsabi nun ei ah alam ko na nagkakabanatan nadin naman makisali nako.

'Empress oxygen kaba?' Napatingin ito saakin

'Bakit?'-empress

'Hindi kasi ako mabubuhay pagwala ka' haha ok ang corny pero taena na ngumiti sya lalo tuloy akong naiinlove shit

'Hahaha ang cheesy mo' at least ngumiti sya

'Sus kinikilig ka naman' pangaasar ko

'Hindi ah asa ka pa' sus hindi daw haha ang sarap talaga asarin nito nakakainlove

Clark POV

'*yawn* inaantok nako' sabi ni empress na humihikab alas dose nadin kasi

'Tara hatid na kita sa kwarto mo' pagpriprisinta ni anders , damoves din to ei

'Ah wag na kay clark nalang ako' sabay tingin nya sakin

'Tara na clark , anders samahan mo si best ha ikaw nadin ang maghatid sa kanya sige good night' sabay hila sakin patayo. Alam ko naman na nirereto nya si miller kay anders at kawawang anders hindi man lang mapansin ng gusto nya tss tss. Pagdating namin sa tapat ng room nila nagpaalam nako

'Sige empress good night' nakangiti kong sabi

'Good night din clark' nakangiti nya ding sabi hayss that smile jan ako nahulog ei.

BEST OF FRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon