Prologue

80 0 0
                                    

I was just about to do my rounds when Jerome appeared, gusto ko ng tumalikod at lumayo dahil ako ang hinahanap nito pero huli na ang lahat.

"Ally!"

Napapikit na lang ako at saka humarap rito, matamis ang ngiti niya sa akin, I couldn't help but smile back.

"Oy, sama ka 'di ba?"

"Ewan ko, marami pa akong gagawin eh, I still have a lot to do here"

"Hey!"

Napalingon sa nagsalita, si Kian, approaching us.

"Oy, Kian, is it true na madami pang gagawin si Ally?"

"Huh? Hindi ah, tapos na shift niyan, ayaw lang umuwi, kanina ko pa pinapauwi 'yan eh"

Medyo lumapit ako kay Kian at saka kinurot ang tagiliran nito, napapitlag ito at marahang lumayo sa akin.

"Ba't ka nananakit? Totoo naman eh, I'm just speaking the truth"

"Oh tignan mo, minsan lang 'to Ally eh"

"Hindi nga ako sigurado, Kian, ikaw na bahala d'yan, may pupuntahan pa kong pasyente"

Pinandilatan ko ito upang gawin niya nga ang sinabi ko, naglakad na ako palayo, hayst, am I coming with them? Baka I'll end up almost getting into a hook up again once I come, I sighed, bahala na nga, binuksan ko ang pinto ng kwarto ng pasyente ko, lumingon agad ito sa akin, Doctor Reyes was there, nag-iwas ito ng tingin, his sister on the other hand smiled at me.

"Doc Ally!" sambit ni May.

"Hi May! Kumusta?"

"Okay na, Doc, inayos mo na ang puso ko eh" sambit niya.

Natawa ako sa sinabi niya, she has an artial septal defect, a heart disease, she's been carrying it ever since she was born, ngayon lang pumayag ang mga magulang niya na gamutin na siya ng maayos, through operation, they took the risk and trusted me with it, as a cardiothoracic surgeon and like a sister to her, I did my very best to save her, and I did, Mage was there too, as much as possible we don't want him involve dahil magkakaroon ng pressure but he insisted that he'd help, he promised not to panic or anything, kaya pumayag na rin ako, I was in charge all-over the operation.

I checked May and gave her some things to remember.

"Protect your heart from now on, alagaan mo lalo ang sarili mo lalo na at maayos na ang puso mo"

"Yes Doc Ally"

Ngumiti ako rito at saka hinawi ang kanyang buhok, nagpaalam na rin ako sa kanya at saka lumabas na ng kwarto, I checked my other patients, after all of that ay pumunta ako sa opisina ko, natigilan ako ng makita si Kian at Jerome roon na nagtatawanan.

"Siraulo ka kasi eh, bigla mong hinalikan ayun tuloy binatukan ka"

"It was worth it though, that kiss was so satisfying"

"Ay naku Kian, aasa ka lang, alam mong wala kang pag-asa kay Ally"

"Kaya nga worth it eh, even though we didn't have a relationship, I still had a chance to kiss her"

"At sinong nagsabing pwede niyo akong pag-usapan?" sabat ko sa kanila ni Jerome.

Lumingon ito sa gawi ko, Jerome laughed, umiling lang ako at saka pumasok na sa opisina ko, I sat on my swivel chair and fixed my things.

"Sasama ka na?" tanong ni Jerome.

"I don't know, I'm just fixing my stuffs para makauwi na ako"

"Ehe"

One Night changes Everything Where stories live. Discover now