JAS: 006

253 2 0
                                    

Aux Diñaflor

7:00 p.m.

Lou:

Pokpok shuta ka

Nag-chat sa'kin si Miggy

Aux:

Luh ano sabi n'ya?

Lou:

Niyayaya akong mag gig do'n sa bagong bukas na cafe sa Mabini

Kasama sina Ian

Aux:

Ano sagot mo?

Akala ko ba, pahinga ka muna

T'saka diba, paos pa 'yong boses mo?

Sayang naman 'yong gamot mo d'yan

Lou:

Uu pero hanggang bukas na lang 'tong tini-take ko

Aux:

So pumayag ka?

Anong nangyare sa "magpapahinga muna ako kasi nakakapagod na talaga."

Lou:

Ay beh

Kapag opportunities na ang lumalapit syempre grab the chance na!

Heller?

T'saka diba? Chance ko na rin talaga 'to!

Aux:

Na alin?

Lou:

Na maka-moment 'yong Miggy Base, isa sa mga ultimate crush ko kaya hihindi pa ba 'ko?!?!?

Ano ka ba teh!

Walang pagod pagod pag si crush na ang usapan

Aux:

Di ko gets kasi lahat naman ng poging lalaki, ultimate crush mo na automatic

Lou:

HAHAHAHAHAHA gago pasmado bunganga ha

Aux:

T'saka akala ko, grab the chance na para kumita ng pera

Moment with crush lang pala habol mo do'n

Lou:

Ang pera hindi basta-basta nauubos

Aux:

Pero ang pasensya mo na magka-jowa na, kunting-kunti na lang?

Lou:

Mali!

Pero ang mga poging lalaki, madali rin maubos ng mga kapwa rin nilang may ano

Aux:

Ano

Lou:

Mga kapwa nilang may wanpepti

Aux:

Takte

Malala kana Lourie Jahlia

Lou:

Ah basta g ako sa sabado

Minsan na nga lang lumapit 'yong grasya, tatanggihan ko pa

Ano ako? Lord?

Aux:

Baka demonyita kamo

Lou:

Sabing suntukan na lang, e.

Just A SuddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon