Chapter 1
Estrella's POV
"Kumain ka na?" Tanong sa akin ni Reina pagkatapos niyang makalapit sa akin. Nagkita kasi kami sa may waiting shed kung saan kami sasakay para makapasok sa school namin.
Umiling ako bago sumagot. "Hindi pa, pero nag-coffee naman ako eh," sagot ko. "Tsaka diba hindi naman talaga ako nagb-breakfast?" Dugtong ko pa.
"Tsk tsk." Sabi niya sa akin na umiling iling pa. "Sabi ko na nga ba. Mabuti nalang at kabisado ko na yang mga sagot mo sakin. Oh eto," Sabay abot niya sakin ng isang lunch box at hindi na ako pinagsalita pa at ipinilit nang ipahawa sa akin iyon dahil alam niyang tatanggihan ko lang naman iyon.
"Nako Era, tigilan mo'ko hindi mo ako madadala sa mga reasons mo ha. Hindi maganda sa katawan ang nagpapalipas ng gutom, lalo na ang breakfast. Kaya kumain ka," Tumingin pa muna siya sa relo niya para tignan ang oras at muling tumingin sakin. "Meron pa naman tayong 1hr and 30 mins, at 15 mins lang ang biyahe kaya kumain ka pagdating natin don. Sasamahan kita." Sabi niya na utos na rin dahil alam ko namang hindi ko na siya mapipigilan. Napangiti nalang ako sa pagiging generous ng kaibigan ko.
Alam na alam niya na talaga kung paano ako patatahimikin. Mas ate ko pa nga siya kung umasta samantalang ako naman yung mas matanda sa kaniya. Hindi nga lang halata sa height naming dalawa dahil medyo mas mababa ako sa kaniya.
"O siya sige na po inay, kakain na po," natatawang sambit ko sa kaniya na inirapan lang ako kaya mas lalo akong natawa. Maya-maya ay may huminto nang jeep sa amin kaya nakasakay na kami.
At katulad nga ng usapan ay dumeretso kami sa cafeteria. Medyo nag-alangan pa ako dahil ang sabi niya sakin magpapasama siya sa library para mag data gathering para sa research paper nila kaya mas maaga pa kami sa usual na pasok namin.
"Oy, akala ko ba magli-library tayo? Dun nalang muna tayo marami pa naman tayong oras tsaka saglit lang naman akong kumain eh,"
"Naniwala ka naman? Ako pa? Si Reina Ferenciano? Magaabalang pumunta ng library? Duh, anong silbi ng wifi sa bahay at google?" Sarkastikong saad niya sakin.
"Sinabi ko lang 'yon para maaga kang pumunta at para kumain ka. 'Wag ka nang maraming sinasabi diyan, oh ayan, umupo ka na at kumain," Dagdag niya pa nung hindi ako sumagot sa kaniya at hinila na ako sa pinakamalapit na table at sapilitang pinaupo. Siya pa mismo ang naglabas ng pagkain sa lunchbox na binigay niya sa akin.
"Ako nagluto niyan," pagyayabang niya pa sakin.
"Masarap nga, syempre ikaw nagluto eh," kumplemento ko naman sa kanya na mas lumapad ang ngiti.
"Talaga?" Tanong niya na tila kumikislap pa ang mata. Tumango ako. "Sige, kumain ka lang ng kumain. Ubusin mo yan ha." Utos niya pa. Kung hindi lang talaga kami magkaibigan iisipin kong girlfriend ko siya sa sobrang alaga niya eh.
Ang swerte siguro ng magiging boyfriend nito kung sakali eh. Maganda na, matalino, magaling magluto, maalaga pa. Wholesome.
Pagkatapos namin sa cafeteria ay naglakad na kami papunta sa kaniya kaniya naming building. Nasa magkabilang gusali kasi kami dahil ako ay STEM student samantalang siya naman ay ABM.
"Mamaya nalang ulit," sabi ko saka kumaway sa kaniya.
Pagdating ko sa room ay halos kalahati palang ang nandoon dahil meron pa namang 15 mins bago ang klase at alam naman nating lahat na filipino time, walang titibag.
Maya-maya lang ay nagkumpleto na rin naman kami at dumating na yung teacher namin. Sobrang nakakadrained grabe parang walang pinagsamahan, first three subject ba naman na physics, general chemistry at practical research yung schedule namin ngayon. Grabe ka na rold.

YOU ARE READING
Venomous Butterfly
RomanceBreathless Series "I was roaming around the paradise full of beautiful flowers, there was the fragrance of every petals that suits my nostrils. And then, I found a stunning creature. You were the venomous butterfly who bite me without hesitation and...