Prologue

10 2 0
                                        

Disclaimer: This is a work of fiction. This is just a work of author's imagination. Any resemblance to places, events, incidents, persons, living or dead are all coincidental.

Please be advised that some of the part of the story are sensitive content or strong language that are not suitable for very young audiences.

Ps. This story is still not edited so expect some typo, grammatical errors or any other errors ahead. Please bare with me and enjoy reading. Xoxo!

Everyone applaud and cheered him after he sang the last part of the song.

"Girl," rinig kong mahinang bulong ng kaibigan kong si Reina sa aking tabi habang hinahagod ang aking kamay na tila ba sinasalat ang simpatya sa akin.

I smiled at her, a weak smile.

"Okay lang ako," sagot ko sa kaniya.

"No. You're not. You're eyes can't lie Estrella." 

There. The way she named me tells me she's serious and will not take any lies from me. What can I say? She's my best friend, she knows me well more than myself. I think.

"Let's go." Aniya sabay na hinatak na ako paalis sa mataong lugar na iyon. Kasalukuyan kasi kaming nasa celebration ng pagkapanalo ng Music Department sa isang competition pagkatapos ng halos isang dekada. At ako ang nag-aya sa kaniya dito dahil ang akala ko hindi siya pupunta, ang sabi kasi sa chismis dito sa campus ay hindi daw siya makaka-aattend dahil may promotion sila sa Europe. Pero para akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang bigla siyang lumitaw sa kung saan.

Walang sabi-sabi siyang bumungad sa mga tao na karamihan ay nagulat, lalo na ako. Hindi ko na ineexpect na makita pa siya. Pagkatapos ng lahat.

And he sang. He sang the song I used to tell him my favourite. Dati naman walang dating sakin ang kanta na iyon, parang isang normal lang na kanta mula sa paborito kong singer. Pero bakit nung nanggaling na mismo sa kaniya ay parang sobra pa sa sobra ang ibig sabihin ng kanta na iyon.

"I know you're listening," Napahinto ako sa pag hakbang ng bigla siyang magsalita. Ang kaninang lahat na nagiingay ay para bang biglang dinaanan ng anghel na biglang nagsitahimik. Mukhang nacurious sila kung sino ba ang tinutukoy niya dahil nagtinginan sa kung saan ang mga tao.

Ramdam ko ang pag higpit ng hawak sakin ni Reina. Hindi niya ako hinihila pero alam kong gusto niya na akong makaalis sa lugar na iyon at huwag ng makinig pa sa sasabihin niya. Ngunit para bang may sariling isip ang aking mga paa na huminto at ang aking tenga na handang makinig sa kaniya.

"And if you're not, I will still say these words." Tulad kanina ay walang nag-ingay. Naghihintay sa kung anong susunod niyang sasabihin.

"I was supposed to be in Europe right? But look at me, I'm here... Because I felt homesick. I'm missing my home..."

Nagsipatakan na ang mga tubig sa mga mata ko. Tuloy tuloy ang daloy noon at halos  hindi na mapigilan. I can feel my heart beating fast and ached at the same time. Para bang may pumipiga doon na tila ba nagsasabing harapin ko siya, takbuhin, at yakapin. I missed him. Pero yung sakit na dinulot niya sa akin ang mas nangibabaw.

And I know the moment I'll look back, hindi ko mapipigilan ang sarili ko. And I don't want that to happen. I have to fix myself from the crash he made. He made me realize that choosing someone else over you wasn't a right decision. He made me realize that even the most independent man alive can be dependent too. And he made me realize that every hard ice can melt as time pass by.

At ngayon tanging galit nalang ang pumipigil sa akin. Ang sakit at pighating nararamdaman ko. Mga luhang tumatagaktak ng walang humpay.

"And you're my home," at sa salitang binitawan niya, doon ay nagpatianod na ako. Hinayaan ko nang hatakin ako ni Reina palayo sa kaniya. Dahil kung sa sarili ko lang, hindi ko alam kung ano ang magiging pasiya.

***

"Your favorite," sabi niya saka inilapag sa harap ko ang isang bote ng  lemonade at saka ginulo ang buhok ko.

"Devan!" Inis na saad ko sa kaniya dahil yung ginagawa niyang panggugulo sa buhok ko ang pinakaayaw kong gawin sakin.

Natawa siya sa reaksiyon ko.

"I hate you too,"

Dahil sa sinabi niya ay pareho nalang kaming natawa.

Pagkatapos akong hatakin ni Reina sa lugar na iyon ay inuwi niya na ako. Halos hindi ako nakausap ng tatlonf araw ng maayos. Mabuti na nga lang ay naka term break kami ng 1 week.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya. Bigla nalang kasi 'tong sumusulpot sa kung saan. Lalo na dito sa bahay ko.

"I'm visiting my sick friend," he said and look at me with a bored eyes. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Sick friend?!"

"Yeah, here," pag sang ayon niya saka itinuro ang kaniyang ulo.

"Do you know Estrella? Matalino sana kaso tanga,"

I looked at him stunned. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya at hindi ako makapaniwalang sinasabi niya sakin ito ngayon ng harap harapan.

"What?!" I exclaimed. Still, hindi makapaniwala na narinig ko iyon mula sa kaniya.

"Yeah that's you. And yes I said that. I'm pretty sure your head cannot absorb what I just said because your litte brainy will decline," then he stood up.

"And I will never let that happen. It's time to let go your katangahan over someone who chooses his career than you,"

Mas lalo akong hindi makapagsalita dahil dere-deretso siya sa litanya niya. At mas lalong hindi mag proseso sa utak ko yung mga lumalabas sa bibig niya.

"I'll help you,"

"P-paano?" Finally I was able to say words. I said it looking straight into his eyes.

I know Devan for almost 2 years now but this is the first time he looked serious.

"I will make you move on, Estrella,"

And the moment he said that, I know he will literally do what he says.

Venomous ButterflyWhere stories live. Discover now